SY16: Knowing Her

27 1 0
                                    

Andy’s POV

Di ko na masyadong nakakausap ng matino si Doreen simula ng magumpisa ang preparation para sa Foundation Week. Nakakamiss ang babaeng yun.

Napasimangot ako.

Pero parang busy rin naman si Doreen ngayong Foundation Week dahil pangalawang araw na’y ilang beses ko lang syang nakita.

Nakikita ko nga sya kaso di ko sya malapitan. Kailangan ko kasing tapusin ang pinapagawa sakin ni Raff.

Nandito ako ngayon sa Student Council dahil may tinatapos ako. Para ito sa Victory Party ng High School Department. Lagi namin itong ginagawa sa tuwing huling araw ng Foundation Week.

Tumingin ako sa Relo ko. Mag si-Six pm na pala. Siguro bukas ko nalang ‘to tapusin.

Iniligpit ko ang mga gamit tsaka umalis ng headquarters.

Malapit na ako sa gate ng University ng napansin kong palapit sakin si Sandy. Ano na naman kayang Problema nito ?

Huminto ako saglit dahil alam kong kakausapin na naman nya ako.

“Good thing you Stopped Andy.” Nankangiti nyang sambit sakin.

“Bakit na namn ? Pagbubukasanin mo na naman ba ako ng Fcebook at may bubungad saking picture ni Doreen kasama si Clyde ? Please stop this nonsense Sandy. Wala kang mapapala.” Tuloy tuloy kong sabi sa kanya.

“Wala nga akong mapapala. Pero alam kong ikaw meron. Tama ba ?” May paghahamon sa tono nya.

Kung lalaki lang siguro ito, Nasapak ko na ‘tong babaeng ‘to.

Oo nagigets ko sya. Gusto nya kasing mailayo si Doreen kay Clyde. Yun din naman ang gusto kong mangyari. Pero alam kong sasaktan lang din nya si Doreen kung magkataon na sumabwat ako sa plano nya. Ayokong mapahamak si Doreen lalo pa’t kung ang babaeng ‘to ang mananakit sa kanya. Pinagtatyagaan ko nalang at iniintindi si Sandy.

Umiling lang ako bilang sagot sa tanong nya.

“Oh c’mon Andy. We will just play a game.” Ha ?! Anong pinagsasabi nito ?

“Ano ba talagang gusto mong mangyari Sandy ?” tanong ko sa kanya. Di ko na kayang magtimpi.

“Wag kang magpaka-inosente Andy. Alam kong Alam mo kung anong gusto kong mangyari.” Lumapit sya sakin.

Umatras ako saglit saka nagsalita.

“Yeah. Sabihin na nating Alam ko. Pero sana tigilan mo na ‘to. Ayokong mapahamak si Doreen sa kung ano mang binabalak mo.”

“Di naman sya mapapahamak unless gugustuhin nya.” Sagot nya muli sakin.

“Stop this habang maaga pa Sandy.”

“No. Why would I ? Tsaka napapansin mo ba ? Napapalapit na ang loob nila Clyde at Doreen sa isa’t isa. Actually nga kanina sa Booth namin ay nakita kong hawak hawak ni Clyde ang kamay ni Doreen at gumawa sila ng eksena sa loob ng booth. Nakita ng lahat ng estudyante ‘yon. Alam mo kung anong sinabi nila ?” Binulong nya ang sumunod nyang sinabi sa tenga ko.

“Bagay na bagay daw ang dalawa. Ang perfect pakinggan diba ?” Lumayo sya sakin. Saka muling nagsalita.

Napakuyom ako ng kamao ko ng binulong nya sakin  yun. Punong puno na ako. Napapamura na ako sa isip ko. Gusto kong magwala kaso di ko kaya dahil sobrang bigat ng nararamdaman kong galit ngayon.

“Di mo ba napapansin na nagiging close na ang dalawa Andy ? Ay oo nga pala. Busy ka pala. Maski kay Doreen wala ka ng time. Sabagay. Bestfriend ka lang naman ni Doreen kaya’t siguro di Karin nya hinahanap. Tama ba ako Andy.”

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon