SY14: Secret Admirer

38 1 0
                                    

Si Raff po ang nasa picture sa gilid. Enjoy :**

----

Cyrus Clyde’s POV

“San mo ba balak pumasok ng Kolehiyo anak ?” tanong sakin ni Eomma habang hinahain ang almusal sa mesa.

Konting tiis nalang din kasi ay magiging college na kami at hanggang ngayon wala pa akong naiisip na eskwelahan maski kursong kukuhain.

“Sa Seoul ka kaya mag-aral ? Tutal gusto narin ng tatay mong manirahan tayo dun para daw mabantayan nya tayo. Lalo ka na. Gustong gusto ka ng Lola mo dahil nagiisang apo ka lang ng Pamilyang Choi.” Seryosong sambit sakin ni Eomma.

Alam ko naman yun eh. Pinoprotektahan ako ng pamilyang Choi dahil nagiisang apo lang ako. Gagawin daw nila ang lahat sakin. Ako lang talaga ang nagpupumilit na manirahan dito sa Pilipinas pati si Eomma dahil mas nakakasagap ako ng Sariwang hangin. Kapag nasa Seoul kasi ako ay para akong nasasakal. Bantay nila ang lahat ng kilos ko, Buti pa dito. Malaya ako.

“Ayoko Eomma. Tsaka nagpasa na ako ng Form para sa Entrance Exam sa College Department namin. Doon nalang siguro ako para ganoon parin ang environment.” Sagot ko kay Eomma.

“Di ba’t para kang nasa isang kulungan nun ? Simula Highschool ay doon kana nagaaral. Di ka ba nasasakal. Tsaka mas maganda kung iba namang eskwelahan para masanay ka narin sa iba’t ibang environment.”

“Di na Eomma. Sanayan lang yan. Makakasurvive naman siguro ako.” Ngumiti ako’t bumalik sa pagkain ng almusal ko.

….

“Eomma kailangan kong pumunta ng School. May meeting ang mga taga Student Council, Nasabi ko na ‘to sayo diba ?” pagpapaalam ko kay eomma.

“Ah. Oo nga. Sige. Mag-ingat ka anak ha ? Text mo ko kagad kung anong oras uwi mo. Umuwi ng maaga.” Hinalikan ko si Eomma sa pisngi at agad na umalis dahil late na ako.

Inilabas ko ang kotse ko at minaneho ito papuntang School.

Nakarating na ako ng school ng ligtas.

Agad agad naman akong tumungo sa Student Council Headquarters. Nagmeeting kami patungkol sa nalalapit ng Foundation Week ng Elmore University. 3 linggo nalang kasi ay gaganapin na ‘to.

Na-assign sa mga taga 4th Year ng High School Department ang Marriage Booth at Cafe Booth. Pfft. Diba’t masyado namang magarbo ang pagkakaroon ng Cafe Booth ? . Sa bawat department kasi ay dapat may naka-assign na gagawin. Pinili ni Raff ang MB at CB para sa 4th year para maiba naman daw. Last year kasi ay Jail Booth ang napunta samin.

“So okay na tayo para dito ?! May ibibigay rin ako sa mga Class President ng bawat section ng bawat year kung anong nakaAssign sa kanilang uri ng Booth. So ganito..” pagpapaliwanag ni Raff. Sana madali lang ang mapunta samin.

“Sa 4-Newton (1) ay Marriage Booth. Sa 4-Galilleo (2) at 4-Aristotle (3) naman ang Coffee Shop…” nagpatuloy pa sya sa pagpapaliwanag kung anong gagawin ng 1st year hanggang 4th year.So naasign samin ang Coffee shop. Ang Gara naman. Okay lang sana dahil ang 4-Aristotle ay nagtitake ng Vocational patungkol sa pagba-Barista kaso.. Kami ang klase namin, Ang gagastos at magaasikaso kung nagkaton dahil sila ang magpapatakbo ng Café. Napa-Face palm nalang ako dahil sa naiisip kong plano.

…..

Natapos ang meeting ng maayos. Planado na ang lahat. Paghahanda nalang para sa mismong araw. Patungo na ako sa parking lot para umuwi ng napansin kong sinusundan ako ni Andy.

Agad namn akong napalingon sa kanya.

“Anong balak mo kay Doreen ?” tanong nya sakin. Anong pinagsasabi ng lalaking ‘to.

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon