SY5: Doreen's Bestfriend

60 3 0
                                    

Doreen’s POV:           

Nakatitig lang ako ng masama kay Andy na kasalukuyang kumakain ng Cookies sa bahay namin. Ang aga pa daw kasi kaya tumambay muna sya dito sa bahay.

“Oy Doreen. Wag mo kong tignan ng ganyan baka sumakit bigla tyan ko. Labag ata sa loob mo ang pagkain ko ngayon dito sa bahay mo.” Sabi nya sakin ng napansin nyang nakatitig ako sa kanya ng masama.

Pano ba naman hindi pa nya sinasagot yung tanong ko kanina kung Pano nya nakilala si Clyde. Nagmamadali daw sya at nag-a-aya ng umuwi. Kaya sumunod naman ako sa kanya. Pero ng malapit na kami sa Bahay ko ay saka sya nagpumilit saking makituloy at makikikain daw sya sa bahay. Maaga pa daw kasi kaya tatambay muna sya samin. Naisahan nya ata ako.

“Di mo pa kasi sinasabi !” Sigaw ko sa kanya.

“Ang alin ba ?” Sagot nya sakin. Painosente.

“Uulitin ko pa ulit ? Nakakapagod kayang ulit ulitin.” Sabay irap kong sabi sa kanya. Nakakainis.

“Meron ka ba ngayon Iya ? Ang init ng ulo mo.Pumapangit ka lalo” Nangaasar ba sya ?!

Peste ‘tong lalaking ‘to.

“Baboya Andy Lee Oppa !” Sigaw ko sa kanya pero di nya ako pinansin. Saglit kaming tumahimik parehas at saka binalik ang usapan.

“Paano mo nga sya nakilala ?” Tanong ko ulit sa kanya. Pero ngayon may tono na na-nagmamakaawa sa boses ko. Pansinin mo ako Andy, Jebal :(( !

“Aalis na ako Doreen.  Uuwi na ako. Salamat sa pagkain !”

Di nga nya ako pinansin at patuloy ng umalis  sa pamamamahay namin. Walanghiya. Bakit ayaw nya bang sabihin sa akin. Dahil sa galit ko, Padabog akong pumunta sa kwarto ko at napagdesisyunan nalang na matulog.

Andy’s POV:

Ang kulit ni Doreen. Bakit bigla nalang nyang natanong sakin si Clyde. Siguro dahil sa nangyari kaninang away kila Clyde at Mark. Pero napakainterasado naman ata ni Doreen para paulit ulit na tanungin sakin kung paano ko naging kaibigan si Clyde. Bahala sya. Di ko sasabihin sa kanya. Manigas sya.

Napangiti ako ng tinititigan ko ang picture namin ni Doreen sa Desktop Background ng Computer ko. Close na close talaga kami ni Doreen dahil simula ng inilipat sya sa school namin nung 2nd year kami ay ako ang una nyang kinausap. Mapamula noon hanggang ngayon lagi na kaming magkasama nyan. Minsan nga’y napagkakamalan kaming magsyota ng mga Teacher namin. Nagagalit agad si Doreen pag nililink kami sa isa’t isa. Syempre Mag-bestfriend kami. Pero laging banat sakin ng mga ka-klase namin at buong campus, Walang Lalaki at Babaeng magbestfriend. Magsyota pwede pa daw. Pero iba talaga kami ni Doreen.

Di lang bestfriend ang naging role ko kay Doreen. Taga-protekta din nya ako. Kanino ? Sa mga nagkakagusto sa kanya. Kung lalaki ka nga naman ay di mo maiiwasang magkagusto kay Doreen. Ideal Girl ang bansag sa kanya ng mga taga College Department. Matalino, Maganda, May mala-anghel na ngiti, Mayaman at Mabait. Maraming fanboys si Doreen. Pfft. Nakakatawa sila. Kaya pag may nagpapatulong na manligaw kay Doreen ay agad kong pinipigilan. Ayaw na ayaw ni Doreen na may nagkakagusto sa kanya lalo pa kung di nya rin gusto.

Kung minsan pa nga'y Ipinagkakalat ko din na Maldita si Doreen, Wala lang trip ko lang. Para naman medyo maturn-off sila sa kanya.Pinapakita naman ni Doreen ang ugali nyag 'parang walang pakialam sa mundo' pero ganun parin ang tingin nila sa kanya. Kung ituring nga nila si Doreen ay parang isang Perpektong tao, Kulang nalang sambahin nila ito. May gayuma atang taglay itong si Doreen eh. Lahat ng tao napapa-‘OO’ nya. Buti nalang ay ‘di nalaki ang ulo ni Doreen at nanatili paring sya sa loob ng tatlong taong pananatili nya sa eskwelahan namin. 

Kakaiba talaga si Doreen. Nung una ko nga syang nakilala ay nagkagusto agad ako sa kanya, Di ko na ikakaila sa inyo pero hanggang ngayon. Pero slight nalang. Natural nalang siguro yun dahil kahit sino naman yatang lalaki na mapapalingon sa kanya ay hahanap-hanapin sya. Di naman sa pagiging OA pero totoo talaga.

Akala ko dati ay mahiyain at masungit sya. Ang tahimik nya kasi nung first day namin nung Sophomore palang kami. Kala ko nga Anghel na naligaw sa classroom namin eh. Kaso hindi, Nalaman kong totoong tao sya nang sinabihan nya akong “Tanga tanga mo talaga. Sabi ko Doreen ang Pangalan ko hindi Toreen. Bobo. Tss.” Nabigla talaga ako ng narinig ko mula sa kanya ‘yon. Di ko inakalang sasabihin nya yun. Mabait sya. Ganun lang sya magsalita pero napakabuti nyang tao.

Sa tuwing nakikita ko talaga si Doreen ay napapangiti nya ako. Siguro dahil sya lang nakakapagpasaya sa akin.Napansin ko din, Kung magturingan kami ni Doreen ay parang magsyota pero magkapatid lang talaga ang turingan namin. Gusto kong protektahan sya lagi. Gusto ko. pag binanggit ang Doreen Iya Choi ay maiisip nila agad si Andy Lee ang bestfriend nya. Sa tagal naming magkaibigan ay di ko pa masyadong kilala si Doreen kaya hanggat maari sana’y hanggang college ay magkasama kami upang mabantayan ko pa  sya doon. Mahalaga sakin si Doreen. Di ako makapapayag na masaktan sya ng kahit na sino. Lalo pa’t ngayon na dumagdag sa buhay nya si Clyde. Ayokong matulad sakin si Doreen. Kailangan kong iiwas sa kanya si Clyde. Hindi pwede.

-----

A/N: Hi sa inyo ! Ano bang meron kay Clyde at Andy. Parang galit ata sya kay Clyde. No ! Haha. Chapter 6 na !.Ang bilis ko bang magupdate ? Ginagawa ko na kasi sya pag may time ako tapos iniipon ko sa Word. Pag may internet kami dun ko na inaUPDATE kaya sunod sunod na chapter. Pfft. Keep on supporting. Vote & comment (kung gusto mo lang). Salamat sa pagbabasa :**

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon