Raff’s POV:
Dire-Diretso akong lumabas ng Engineering Building ng Elmore University.
Di ko na inantay yung mga kaklase kong magpapatulong sakin para sa thesis na ginagawa namin. Psh. Badtrip ako.
Kinuha ko ang motor ko at sumakay pauwing Condo Building ko.
Nang nakarating na ako ay agad kong binuksan ang Condo unit ko at dumiretsong kwarto para makapagshower at makapagbihis narin.
Pagkatapos nun ay agad akong humiga sa kama ko.
Tss.
Yung kagabi.
Bakit pa kasi nakita nitong si Sandy si Clyde.
Nagmukha akong “Kaibigan lang” ni Sandy kagabi sa Bar. Psh.
Walang ibang lumalabas sa bibig nya kung hindi “Clyde”. Nakakasawa na.
Tapos nung nalaman nya yung sikreto namin ni Clyde, Sya pa nagalit sakin samantalang si Doreen di man lang nagalit oh ano,, Tapos sya ganun sya maka-react ?
Nakaka-uta lang.
Di naman sa nagseselos ako pero kasii….Aish !
*phone rings*
Napatingin ako sa cellphone na nakapatong katabi ng lampshade.
Tinignan ko muna saglit saka humiga at tinignan kung sino ang tumatawag.
“Sandy Go ♡ Calling…”
Pero imbis na sagutin ay humiga lang ulit ako at itinaas ang cellphone na hawak ko.
“Sasagutin ba kita o hindi ?” Bulong ko.
Pft. Sige na nga.
Nang i-slide ko na para sagutin ay biglang nag call end >//>
Okay. Fine. =___+
Inilapag ko sa tabi ang cellphone ko.
“Haish” napabuntong hininga ako.
*phone rings*
Ayan na naman, Tumatawag na naman.
Sinagot ko na baka mainip sya at baka patayan ulit ako.
“Hello.” Sagot ko
“Ohmygosh Raff ! Buti naman….” Di ko na sya pinatapos
“Anong kailangan mo ?”
Ewan ko.Di ko feel makipagusap sa kanya ngayon. Hanggang ngayon eh nabi-bwisit parin ako sa nangyari.
“Raff, Sorry na.” sagot lang nya.
“Saan ?” pagsisinungaling ko.Pft.
“Yung kagabi.”
“Anong meron kagabi ?”
“Ano ba ?!”
“Tapos ka na ?”
“Raff naman eh !” paiyak ang tono nya.
“Bahala ka.” Binabaan ko sya ng tawag at inoff ang cellphone ko.
Masyado pang marahas pero kasi wala talaga ako sa mood makipagusap.
Di ako nagagalit, Di rin ako nagseselos. Tss.
Basta.
Pero di ako nagagalit kay Clyde. May tiwala ako kay Clyde.
At kung ano mang isipin ni Sandy pagkatapos nito.Bahala na.
--
Andy’s POV
BINABASA MO ANG
Still You
Teen Fiction“Akala ko pag mahal nyo na ang isa’t isa, kayo na FOREVER. Pero di pala ganun kadali yun kasi nothing lasts FOREVER.” –Doreen