SY8: Face Off

39 2 0
                                    

A/N: Si Andy po yung kasama ni Doreen sa Picture sa gilid. Enjoy this UD :**

-----

Doreen’s POV:

“What the… Andy ?!” napasigaw ako kay Andy ng hinila nya ako palayo kay Clyde. Ano bang problema nya ?!

Di ako pinakinggan ni Andy bagkus ay lalo pa nyang hinigpitan ang pagkakahawak sa wrist ko. Ang sakit. Nasasaktan ako Andy !

“Andy ! Let go of me! Apayo ! Apa..yo.” sabi ko sa kanya habang pinipilit na tanggalin ang pagkakahawak sakin.

Ano bang problema ng lalaking ‘to. Bigla nalang susugod dito na parang asong galit na galit na inagawan ng pagkain. Ang sakit. Naiiyak na ako sa sakit.

“Shit, Let Go of Her Andy !” narinig ko namang sigaw ni Clyde.

Agad namang binitawan ni Andy ang pagkakahawak nya sakin ng pilit na ding tinatanggal ni Clyde ang pagkakahawak nya sakin.

Di ko na alam ang sumunod na nangyari, Nagulat nalang ako ng nahampas sa isang pader si Clyde at sumisigaw si Andy ng “Walang hiya ka !”

Ano bang nangyayari ?!

Lalapitan ko na sana si Clyde ng napansin kong may dugo sya sa labi nya.

“Dugo ?” sambit ko at Napatingin ako kay Andy, Nakaangat ang kamao nya na halatang nanuntok. Di ko alam ang nangyayari. Naguguluhan ako. Bakit biglang nagkaganito ?!

“Whats wrong with you Andy ?! Michigeolae ?! Pichasseo ?! Ha ?!” Sigaw ko kay Andy. Nababaliw na sya. Ano bang problema nya. Para syang tanga. Mananakit bigla.

Nilapitan ko si Clyde at inalalayang tumayo. Habang si Andy naman na natinag ata sa ginawa nya kay Clyde at natanga sa kinatatayuan nya.

Napansin ata ng klase namin na may nangyayari sa amin kaya’t napasugod sila bigla sa amin. Nakatitig lang sila sa amin na para bang nakasaksi ng isang drama.

“Kayo ? Anong tinutunganga nyo dyan ? Tulungan nyo kaya akong alalayan si Clyde para madala sa Clinic ?!” Galit na galit kong sigaw sa kanila.

Nakakainis. Mga walang silbi. Di ko na alam ang nangyayari kaya siguro ganito ako magreact. Napa-paranoid na ako.

Lumapit agad ang mga kaklaseng lalaki ni Clyde. Pero itinulak nya palayo ang mga ito. Isa pa ‘to eh. Sya na ngang tinutulangan, Sya pa ‘tong nagiinarte. Nakakaasar na.

“Kaya ko ‘to ! Sinuntok lang ako ! Di naman ako bugbog sarado. Mahina lang naman ang suntok nya.” Pagtutukoy nya kay Andy.

Halatang inaasar pa nya si Andy. Agad namang napatingin sa kanya si Andy at akmang susuntukin sya ulit , Buti nalang ay napigilan sya ng mga kaklase ni Clyde.

“Ano bang Problema nyo ?! Wae Geurae ?! Ha ?!” Naiinis na ako. Ano ba talagang problema nila’t ganyan sila umarte. Ayos pa naman kanina ah ? Bakit ganun ? Anong nangyari ?

Nilapitan naman ako ni Andy at nag-ayang umalis na. Pero tumanggi ako.

“Nakakahiya ka Andy ! And also you Clyde ! Both of You ! Shame on yourselves !.” Di ko natiis at umalis na sa nakakainis na lugar na un. Kinuha ko kagad ang mga gamit ko sa room at tinawagan si Kuya Bitoy para magpasundo na. Gusto ko ng umuwi. Ayoko dito.

Ang bilis namang dumating ni kuya bitoy at sinundo ako. Kung anong nangyari pagkatapos kong umalis ay ‘di ko na alam. Basta ang alam ko, Nadisappoint nila akong dalawa. Lalo na si Clyde.

----                                                                                                                       

Third POV:

“Wow. Grabe naman ‘yan friend. Ang haba naman ng hair mo. Biruin mo sa isang araw dalawang grupo ang nag-away dahil sayo. Kakaibabe !” Namamanghang sambit ng babae sa kausap nya.

Halata namang nainis ng konti ang babaeng sinabihan nya dahil tumayo ito na nakabusangot ang mukha.

“Bata lang ?! Aalis na ako. Baka hinahanap na ako sa amin.” Sabay tayong sabi ng babae habang nililigpit ang mga gamit nya.

“San punta friend ? Umuulan oh. Ang lakas kaya.” Napakalmang sagot lang ng kausap nya.

Oo nga. Malakas nga ang ulan, Tila ba inabutan sila ng Bagyo doon sa coffee shop. Wala naring nagawa ang babae at umupo nalang ng naalala nyang nasa kotse pala nya ang Payong nya. Ang malas nga naman nya, Maii-stranded sya sa isang coffee shop kasama ang kaibigan nya.

Nakatitig lang ang babae sa ulan sa labas ng coffee shop. Agd namang napansin ito ng kasama nya.

“Oy Doreen Choi.!” Mahinang sigaw nito sa kanya. Napukaw naman ang atensyon nya kaya’t napatingin sya agad dito at agad na sumimangot katulad ng ginagawa nya lagi. Talento siguro nya ang laging sumimangot nasa isip ng kaibigan nya.

“Napansin ko lang sa kwento mo ha, Bakit di mo pinapangalanan yung boy na sinasabi mong nakilala mo sa Music Room ? Paulit ulit lang na Andy ang naririnig ko sayo. Pfft” Pagrereklamong tugon sa kanya.

Napansin din ‘yon ni Doreen kaya’t imbis na sumagot sa tanong nya’y umiling nalang sya’t napagdidisyunang ituloy nalang ang kwento. Alam nyang interesado ang kaibigan nya sa kinikwento nito sa kanya. Praan narin nya upang maiwasn ang tanong nito tungkol sa lalaking binabanggit ng kaibigan nya. Ayaw kasi nitong malaman dahil panigurado ay kilala nito ang lalaking ‘yon.

“Segway pa.” nagtatampong sambit ng babae kay Doreen.

“Bestfriend mo ko bakit di mo sabihin sa akin ?” dagdag pa nito.

Ngunit natawa lang si Doreen at sinabing.. “Alex, kwento ko nalng dali. Para pagkatapos ng ulan ay tapos narin ako sa pagto-throwback natin at makauwi narin tayo.” Sabay ngiti nitong sambit kay Alex. Di na nagpumilit si Alex at nakinig nalang uli sa kwento ni Doreen

---

A/N: Hello. Ang waley ng chapter na ‘to. Pfft. Nga pala. Alam nyo naman na diba ? Pag naka italize Present o kaya pag naka Third POV. Nagigets nyo naman diba ? Tsaka yung kinikwento ni Doreen syempre sa part lang nya, Di kasama yung POV ng iba. Part lang yun ng story dahil nakatuon tayo ngayon sa past. Wala pa sa present ang kwento. Okay ?! Gege. Chapter 9 na. Vote and Comment ! See You :**

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon