SY2: Unexpected

115 4 0
                                    

Doreen’s POV:

“Doreen!” Sigaw ni Yaya Ester habang kinakatok ang pintuan ng kwarto ko.Napasinghap ako’t bumangon. Agad ko namang tinignan ang alarm ko. 4:30 am palang. “Ang aga naman nitong magpagising” tangi kong nasambit.

“Doreen ! Maggayak ka na upang makaligo ka na!” Patuloy na sigaw ng yaya ko. Ang ingay nya.

“Opo ! Maggagayak na po!” Sigaw ko. “Dalian mo, Para makapagalmusal ka na’t maihatid ka na ni Bitoy sa eskwelahan.” Pagpapatuloy nya. “Opo !” sagot ko naman at nag-gayak na ako.

Pagkatapos kong mag-gayak ay bumaba na ako para makakain. Ang tahimik siguro ng bahay namin pag nasa eskwelahan na ako. Tanging Apat lang kasi kaming naninirahan sa bahay na ito. Ang mga magulang ko ? Aba. Nasa Korea. Nagpapayaman. Samantalang ako dito iniwan sa dalawang yaya at isang driver. Minsan iniisip ko rin kung namimiss na nila ako. Ako kasi. Oo. Pero okay narin kasi naalagaan naman ako nina Yaya Ester at Yaya Isabell ng maayos. Masaya ako kahit ganun. Para kaming isang pamilya dito.

“Oh Doreen. Bakit nakangiti ka dyan ? Kain na baka malate ka” Sambit sa akin ni Yaya Isabell. “Wala po. Magandang Umaga po” Buong galak kong sinabi sa kanila’t hinalikan ang pisngi ng dalawa kong Yaya.

“Aba. Maganda ang Gising ng alaga ko ngayon ah?” Sabi ni Yaya Ester. “Oo naman. Maganda yan eh” Sambit ni Yaya isabell. Aba’t bumabanat pa. “Yaya. I know right ? Maganda talaga ang alaga nyo kasi maganda ang mga nagaalaga” sinabi ko sa kanila habang nakangiti. “Tama na nga ito baka san pa mapunta. Kumain ka na Iya. Ang daldal talga ng batang ito” Tumatawang sabi ni Yaya Ester.

Kumain na ako at pagkatapos nun ay pumasok na ako ng eskwelahan.Hinatid ako ni Kuya bitoy. Driver namin. Nagpaalam na ako sa kanya’t patuloy na pumasok sa eskwelahan. 2nd semester na pala ng pagiging 4th year ko. Konting tiis nalang at College na ako. Ang bilis. Napabuntong hininga ako.

…….

“Flag Ceremony na naman.” Napatingin ako sa lalaking katabi ko. Si Cylde ay este Cyrus. 1st semester ng una ko syang nakita. Nung nabangga nya ako. Napangiti ako ng naalala ko ‘yon. Nagpatuloy naman syang naglakad papuntang gymnasium. Hindi nya siguro ako napansin. Hays.

Nagflag-ceremony na. Yun. Nagsalita ang Principal. Wala akong maintindihan. Ang ingay. Puro kasi daldalan ang naririnig ko sa mga katabi ko. Mga di sila nakikinig. Nakakairita ang ingay nila. Pagkatpos ng Flag Ceremony, Agad naman akong pumunta sa Classroom namin.

“Good Morning Doreen!” Bati sa akin ng mga kaklase ko. Binati ko din sila. Ewan ko ba sa mga kaklase ko. Tingin nila sa akin ay isang Queen Bee eh samantalang di naman ako bagay sa ganoong titulo. Palibhasa kinakaibigan lang nila ako dahil sa isa akong Koreana at mayaman, Samantalang ang mga mahihirap naming kaklase ay kinakawawa nila. Mga plastic. 

Agad naman akong napangiti ng dumating na ang bespren ko. Si Andy. Half Filipino Half Korean sya. Simula nung 2nd year ay kasama ko na sya. Siguro pati sa college susundan parin ako ng lalaking ito.

“Good Morning Iya !” Bati nya sakin. Napasimangot ako. “Wag mo nga akong tawaging Iya. Pangit mo.” Sagot ko sa kanya. Ayoko kasing tinatawag akong Iya. At pagkatapos ay nagklase na kami.

*Ring of Bell*

“Sa wakas ! Break Time na ! Tapos wala daw si Ma’am Physics mamaya ! Astig !” Nagulat naman ako sa ginawang pagtayo at pagsigaw ni Andy. Parang tanga. “Di ka naman tuwang tuwa nyan no ?” Pagsusungit ko sa kanya. Ewan ko ba. Sa kanya lang ako nag-gaganito pero di nya parin ako nilulubayan. Bestfriend ko nga talaga sya.

“Ang pangit mo Doreen !” kinurot nya ang pisngi ko. “Dali kain na tayo !” Hinatak nya ako papuntang canteen. Namili na kami ng kakainin at namili ng upuan upang makakain.

Habang kumakain kami’y napatingin ako sa mga estudyanteng nagkumpulan malapit sa pinto ng canteen. “Baka may nagaaway na naman” sambit ni Andy na may laman pa ang bibig ng nagsalita. Tanga talaga. “Nagaaway ? Bakit kailangan sa may pinto pa. Gumagawa lang sila ng eksena.” Pagtatakang tanong ko. Di naman umimik si Andy at nagpatuloy parin sa pagkain. Di ako nakatiis at agad naman akong tumayo upang lapitan ang mga estudyanteng iyon.

Nagulat ako sa nakita ko.. Siya.

------

A/N: Pfft. Author's Note ba uli XD?! haha. Sorry. So ayun, Masyado bang mabilis ang mga pangyayari. Ayoko na kasing patagalin 'tong story. Siguradong marami pang mangyayari sa kwento kaya di na masyadong detailed. Yun lang. Vote & Comment. Next Chapter: Two Faces :). See You :**

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon