Cyrus Clyde’s POV
“Malapit na pala yung Entrance Exam sa College ng University namin Eomma.”
Sabi ko kay mama bago ako umakyat sa kwarto. Kakauwi ko lang kasi mula sa eskwelahan. Agad agad naman akong nagbihis at humiga sa kama ko. Dumapa ako saglit. Nakakapagod ang araw na ‘to. P.E kasi namin kanina. Pinagwork out kami ng Teacher namin. Pinatakbo sa Oval ng 10 beses. Grabe. Ang sakit ng katawan ko.
Hays. Di naging masaya ang nakalipas na araw para sa akin.
Kung bakit ? Di ko kasi masyadong nakausap si Doreen. Namimiss ko na ata sya. Pfft.
Simula kasi nung lunes ay wala ng magandang nangyari. Tila ba bumalik sa dati, normal. Boring. Pero di gaya ng dati, lagi kong naiisip ngayon si Doreen. Napansin ko lang lagi ng hinahanap ng sarili ko si Doreen. Sabi naman ni Raff, yung president ng 4-Newton may gusto daw ako kay Doreen. Tss. Baka nga ?!
Kinuha ko ang cellphone ko dahil may nagtext.
“Raphael Lopez:
Cy, Eto pala no. ni Doreen baka sakaling kailanganin mo. Para di mo na ako kulitin lagi tungkol sa kanya. Mabuti pa ikaw nalang kumausap sa kanya. Sige.
Doreen Iya Choi : 0926*****58”
“Baliw talaga ‘tong si Raff.” Tangi kong nasabi habang nakatingin sa text nya. Pfft. Isisave ko ba ?
Oo nga. Baka lalong makulitan sakin si Raff. Mabuti pa nga isave ko nalang. Sinave ko na ang no. ni Doreen at bumaba na para kumain.
Pagkatapos kumain ay Naghanda narin akong matulog.
“Biyernes pala bukas. Sana Makita ko si Doreen.” At pinatay ko na ang ilaw ng kwarto ko.
Doreen’s POV
“Good Morning Iha !” bati sakin ni Yaya Isabel ng bumaba ako mula sa kwarto.
Biyernes ngayon. P.E namin. Pfft. Ano naman kayang ipapagawa samin ng teacher sa PE ?
Naghanda na ako. Katulad ng lagi kong ginagawa bago pumasok ay nagpaalam muna ako sa mga Yaya ko’t nagpasundo kay Kuya Bitoy. Ang ganda ng araw na ‘to para sakin.
-Sa Gymnasium-
“Class ! Di tayo ngayon dito magkaklase, Pupunta tayo ng OVAL dahil mas malawak dun para sa gagawin nating Activity. Okay ?!” sigaw ng teacher namin at agad naman kaming kumilos upang pumunta sa OVAL.
.....
“Ang init naman dito.” Pagrereklamo ko.
Katabi ko ngayon si Andy na halatang excited dahil sa gagawin naming activity. Psh. Ano bang masaya dito ? Pupunta kami sa iba’t ibang station at gagawin ang mga naka-assign sa station nayun sa loob ng 1 minute:
Station 1: Push Up
Station 2: Sit Ups
Station 3: Jumping Jacks
Station 4: Tumakbo sa oval
Siguradong sasakit na naman katawan ko kinabukasan. Hays.
Sinimulan na namin ang naka-assign samin.
Naunang pinagawa samin ang nasa Station 4: Tumakbo sa Oval.
Narinig ko naman ang mga kaklase kong babae na tumitili at halatang nagi-inarte dahil ayaw daw nilang tumakbo sa oval dahil sa sobrang inet. Baka umitim daw sila. Letse ‘tong mga ‘to. Agad naman akong tumakbo kasabay ng mga lalaking nauna, Agad namang Tumakbo narin ang mga kaklase kong babae. Tumatakbo akong tila ba di ko iniinda ang init. Binibilisan ko nalang upang di ako magtagal dito, Napakainit kasi talaga.
BINABASA MO ANG
Still You
Teen Fiction“Akala ko pag mahal nyo na ang isa’t isa, kayo na FOREVER. Pero di pala ganun kadali yun kasi nothing lasts FOREVER.” –Doreen