Si Sandy (Sandara Go) ang nasa picture sa gilid. Enjoy this UD :**
---
Andy’s POV:
“Sige. Maari na kayong umalis.” Tugon ng teacher namin sa Filipino.
Pfft. 5 mins nalang. Nagpahuli akong lumabas ng room, Ayokong makipagsiksikan sa kanila. Tss. Bigla kong naisip si Doreen. Ayos lang kaya sya. Sana magaling na sya.
Papunta na ako sa room ng narinig kong nagsasaya ang section namin. Anong meron ?
Pagdating ko sa room ay nadatnan ko ang mga kaklase kong nakapalibot sa isa naming kaklase. Nilapitan ko naman agad sila at nakita ko si Doreen na nakangiti.
Bakit sya nandito ? Akala ko may sakit sya’t Di sya papasok ?!
“Hello Andy.” Poker face nyang sabi sakin.
Pinansin nya ako ?! A-akala ko galit sya sakin ? Wow.
Gustuhin ko pa sanang kauspin sya kaso dumating na ang teacher namin sa English. Hays. Gusto ko syang lapitan at kamustahin pero wala ng time. Siguro sa Vacant nalang mamaya.
*Ring of Bell*
Vacant na. Wala na naman daw si Ma’am Physics. Buntis kasi ‘yon kaya siguro lumiliban sya sa klase, Mabuti pa nga’t magpahinga nalang muna sya para maaga din ang uwi namin.
Nilapitan ko si Doreen na nakasandal ang ulo sa lamesa nya. Anong problema nya ?
“Oy.” Tinusok ko ang ulo nya ng mahina sapat para mapukaw ko ang atensyon nya. Agad naman syang tumingala sakin na nakabusangot. Umupo ako sa tabi nya.
“Bakit ka nakabusangot dyan ?” tanong ko sa knya.
Sasabihan ko pa sana syang ‘lalo syang pumapangit’ kaso naalala kong galit nga pala sya sakin.
“Pumasok kasi ako para sa Physics tapos wala pala sya. Nasayang lang pagpasok ko.” Sabi nya na parang dismayadong dismayado at kulang nalang ay umiyak. Parang bata talaga ‘tong si Doreen.
“Oo nga. Bakit ka pumasok ? Dahil nga sa physics ? Okay ka na ba ? Wala ka ng sakit ?!” sunod sunod kong tanong sa kanya. Tinakpan lang nya ang tenga nya’t humarap sakin.
Napa-pout sya.
“Ang ingay mo Andy. Talo mo pa sila Yaya Isabel at Yaya Ester.” Sabi nya sakin at muling isinubsob ang mukha sa mesa nya.
“Wala na akong sakit. Okay na ako.” Dagdag nya.
Napangiti ako.
“D-di ka na galit ?” tanong ko sa kanya pero di sya sumagot.
Magsasalita na sana ako ng bigla syang tumayo at nag-ayang pumunta sa canteen dahil nagugutom na daw sya. Sinamahan ko naman sya baka lalong magtampo. Di ko parin alam kung galit nga ba sya sakin o hindi. Di man lang sinagot tanong ko. Hays.
Namili na kami ng pagkain saka ako umupo sa upuan.
“Ayoko dito Andy. Baka makasaksi na naman ako ng away..” sinambit nya sakin ng mahina.
Nagets ko naman sya agad at pumunta nalang kaming garden. Mas gusto nya dito kasi mas sariwa daw ang hangin. Nagsimula na syang kumain pati ako. Nanaig ang katahimikan samin ng bigla syang nagsalita
“Sorry pala sa nasabi ko nung nakaraan. Siguro nadala lang ako ng galit. Di ko alam kung bakit nyo yun ginawa…Pero sana wag nyo ng ulitin ni Clyde lalo pa’t sa harapan ko pa. Ayoko ng maulit ‘yon ha ?! Wag ka magalala di ko na ulit tatanungin sayo kung bakit naging magkaibigan kayo ni Clyde dahil sa tingin ko hindi na kayo magkaibigan. Kalimutan nalang natin ang nangyari nung Biyernes.” Nakangiting sabi nya sakin at muling bumalik sa kinakain nya.
Gumaan bigla ang nararamdaman ko. Kung kanina ay parang may bato sa dibdib ko habang kausap ko si Doreen, pero ngayon wala na. Napakatalino talaga ni Doreen at nasasabi ang mga ganitong bagay. Kaya ko sya hinahangaan ay dahil dito. Iniintindi muna nya ang pangyayari at hindi nagtatanim ng sama ng loob.
Pagkatapos naming kumain ay nag-aya na syang umuwi.
Agad ko naman syang inihatid sa bahay nila’t uuwi narin sana ako sa bahay ko nang nakita ko si Sandy sa may Bus station malapit sa Subdivision namin. Di ko na sana sya papansinin ng nilapitan nya ako.
“Bakit Sandy ? May problema ba ?” tanong ko sa kanya habang nakangisi sya.
“Well nothing, But siguro magkakaroon ka ng problema ...” Di na nya natuloy ang sasabihin nya ng nagsalita ako.
“Ha ? Kelan ka pa naging manghuhula ?! Tsaka wala akong panahon…” di ko narin natuloy ang pagsasalita ko ng muli syang nagsalita.
“Open your facebook mamaya ha ?!” at saka sya sumakay sa bus na kararating lang.
i-oopen ko ? Bakit naman kaya. Aish. Kabaliwan na namn siguro ni Sandy. Kilala ko sya, Baliw ang babaeng yun.
Nalimutan ko ang mga sinabi sakin ni Sandy ng nakarating na ako sa bahay namin. Diri-diretso ako sa kwarto at nagbihis. Humiga ako sa kama at nakatingin lang sa kisame ng kwarto ko. Saka ko naalala ang sinabi ni Sandy. Kaya naisipan ko ding buksan ang Fb ko. Wala naman sigurong mawawala kung titignan ko ‘di ba ?!
Binuksan ko na ito, sinalubong ako ng 99+ Notifications at 99+ Friend Requests at katakot takot na mga messages.
Tinignan ko ang notifications, Wala namang bakas ni Sandy. Sa Messages kaya ? Pinindot ko ‘yon. Nakita ko, “Sandara Go sent a photo”
Agad ko namang pinindot iyon. At automatic namang kumunot ang noo ko at uminit ang dugo ko. Fck. Ano bang problema ni Sandy at ipinadala nya sakin ang Picture na ‘to ?! Wala talaga syang magawa. Sabi na nga ba’t di ako nagkakamali. Hindi nya titigilan si Doreen.
Sandy’s POV:
Nakakainis yang Doreen nayan. Dahil sa kanya nagalit si Cyrus sakin. Psh
“Yari ka Girl. Nagalit ata sayo si Kuya Cy.” Paepal na sabi ng isa sa mga alagad ko.
Ang kapal ng mukha nito ah.
Dahil sa inis ko ay nilapitan ko ang bag nya’t binuksan ang zipper. Binuhos ko lahat ng gamit nya sa sahig at saka binagsak ang bag nya.
“Ang kapal mo namang sabihing nagalit sakin si Cyrus. Eh isa Karin eh. Bakit ba sumasama ka samin eh tryador ka pala." pagtataray ko saka inirapan sya.
"Tandaan nyo. Pag nagalit sakin si Cyrus kayo ang sisisihin ko. Kayo ang dahilan. So ibig sabihin Di lang sakin nagalit si Cyrus. Sa atin !” galit na galit kong sabi sa kanila at lumabas ng room.
Ang kapal ng mukha nila. Tss. Mabuti nga sa kanya. Pumunta na ako sa canteen at kumain. Tumambay muna ako saglit tapos umalis narin ng nalaman kong 11:40 na.
Di ko sinasadyang mapadaan sa room ng 4-Newton, sa room nila Doreen. May narinig kasi akong sumigaw na babae.
Bakit ang tahimik ata ? Wala silang klase? Sumilip ako sa bintana. Nilibot ko ang mata ko. Di nga ako nagkakamali may babae sa room, at may isang lalaki ?!
Lalo pa akong sumilip at tinignang mabuti ang dalawang estudyante na magkaharap sa isa’t isa na tanging napapagitan lang ng mesa. Si Clyde yung lalaki ah ? At si ....Doreen ? A-anong ?!
Automatic na uminit ang dugo ko.
Bakit sila magkasama dito ? Nagseselos ako. Di talaga pumapalya si Doreen na galitin ako.
Naguusap sila.
Kung titignan mo sila para silang mag-syota. Fck ! Ang kapal ng mukha nyang lapitan ang Cyrus ko!.
Tanging galit lang kay Doreen ang nararamdaman ko ngayon, Nilabas ko ang cellphone ko’t kinuhaan sila ng picture.
Ipapakita ko ‘to kay Andy. Siguradong magagalit sya lalo pa’t si Clyde ang kasama ni Doreen.
Ha. Tignan lang natin Doreen kung hindi masira ang relasyon nyo ni Andy bilang magbestfriend. Sinisira mo kami ni Cyrus ha, Pwes uunahan na kita.
BINABASA MO ANG
Still You
Teen Fiction“Akala ko pag mahal nyo na ang isa’t isa, kayo na FOREVER. Pero di pala ganun kadali yun kasi nothing lasts FOREVER.” –Doreen