Si Andy Lee po ang nasa picture sa gilid :**
----
Andy’s POV
Nagising ako ng nag-alarm ang alarm clock malapit sa tabi ko.
Bumangon ako. Argh ! Ang sakit ng ulo ko !
Tuluyan na akong bumangon sa kama kahit masakit ang ulo ko. Feeling ko mabibiyak na ang ulo ko. Naglakad ako papuntang cr.
Nang nakita ko naman ang lababo ay bigla akong nasuka. Fck
Biglang pumasok si Mommy sa CR.
“Ayan kasi ! Sige umuwi ka pang lasing!” sigaw sakin ni Mommy saka tinulungan akong mag-ayos sa sarili ko. Buti pa si Mommy naiintindihan ako.
Pagkatapos nun ay bumaba na ako papunta sa kusina. Ipinatong ko naman ang ulo ko sa lamesa ng nakaupo na ako.
Inabutan naman ako ni Mommy ng kape.
“Inumin mo yan. Aalis na ako. Ikaw na munang magbantay kay Sam ah ? Bye.” Saka hinalikan ni Mommy ang pisngi ko pati si Sam na naktutok sa tv.
Lumapit sakin si Sam ng umalis si Mommy.
“Kuya !” pasigaw nyang sabi sakin,
“Pwede ba Sam. Katabi mo lang ako. Di mo kailangang sumigaw.” Humigop ako ng kape.
“Bakit ka umuwi kagabi ng lasing at parang nakipagbugbugan !” napakunot naman ang noo ko. Anong sinasabi ng batang ‘to ?
“Di mo ba naalala ? Umuwi ka ditong may tuyong dugo sa labi at puro pasa ang mukha. Lasing ka pa nga eh.” Umirap sya sakin.
Inalala ko ang nangyari. Totoo ?
“Tumayo ako saka humarap sa salamin. Oo nga. Puro may pasa parin ang mukha ko. Hinawakan ko ang labi ko, May sugat. Biglang sumakit ang ulo ko. Ano bang nangyari ?
Napaupo ako sa upuan na inupuan ko kanina. Ipinatong ko ang ulo ko sa lamesa. Parang ang bigat bigat kasi.
“Ang Tanga ko. Ang tanga ko kay Doreen.” Napatingin ako kay Sam na parang lasing. Yun daw kasi ang ginawa ko kagabi habang pinupunta nila ako sa kwarto ko.
Tumawa sya ng malakas. Fck. Ginawa ko yun ?!
Umakyat na ako ng kwarto at iniwanan si Sam sa baba dahil inaasar lang ako.
Napahiga ako sa kama. Inalala ko ang pangyayari.
Si Clyde, Hinatak ko sa Parking Lot. Nakipagsuntukan ako. Dumating si Doreen. Dumating din si Sandy. Sinuntok ako ni Clyde. Dumating naman si Raff. Sinuntok ako ni Clyde. Sinampal ako ni Doreen. Umalis ako sa Hotel. Pumunta sa bar para uminom. Fck. Oo nga -_-
Kaya pala ang sakit ng ulo ko.
Puta. Ayaw na tuloy maalis sa isip ko yung nangyari kagabi. Naalala ko din yung ginawa samin ni Clyde dati. Tss
-
First Year High School kami nun nung nangyari yun.
Natatandaan ko pa ang sinabi ni Clyde samin ni Raff habang nasa likod kami ng High School Building.
“Ayoko na sa inyo. Kalimutan nyo na ako. Mga wala kayong kwentang kaibigan.”
Sobra kaming nasaktan sa sinabing ‘yon ni Clyde. Alam naming titira na sya sa Korea ng mga panahong ‘yon pero bakit kailangang sabihin nya yun samin ?
Kami nila Raff at Clyde ang magbarkada noon. Simula 5th grade ay magkaibigan na kami dahil naging magkaklase kaming tatlo. Sobra kong pinapahalagaan ang pagkakaibigan namin.
BINABASA MO ANG
Still You
Teen Fiction“Akala ko pag mahal nyo na ang isa’t isa, kayo na FOREVER. Pero di pala ganun kadali yun kasi nothing lasts FOREVER.” –Doreen