SY6: Troublemaker

58 3 0
                                    

Si Cyrus Clyde ang nasa picture sa Gilid :) --->

Enjoooy :**

---

Doreen’s POV:

“Good Morning Doreen !” Bati sakin ng mga Tourism Student ng University namin habang naglalakad papunta sa High School Building namin.

Ang dami namang nakakakilala sakin. Nakakairita. Binati ko din sila, bilang pag-galang na din sa nakakatanda. Tsaka baka kung anong sabihin nila laban sakin.

Tuloy tuloy ako sa High School Building namin. Hanggang sa Room namin.

Pero pag dating ko ng classroom namin, Sinabi ng class president namin na Wala ang mga teacher namin hanggang 12pm dahil may faculty meeting. Tss. Edi sana nagpa-half day nalang sila. Sayang ang punta ko.

Para naman malibang ako ay lumabas ako ng room at naglakad-lakad. Wala parin si Andy kaya wala akong kasama ngayon. Siguro alam nyang walang teacher hanggang mamaya kaya di sya pumasok. Maduga sya.

Pupunta sana ako sa canteen ng napansin kong may nagkakagulo sa may bandang Gymnasium.

“Ang aga aga naman” nakabusangot kong sabi at lumapit sa kumpulan ng mga studyante.

Naabutan kong nagtatalo yung kaklase ko at isang studyante. Sya yung nakausap ko last time, Yung taga 4-Galilleo.

Nakatayo lang ako sa may gilid at pinagmamasdan silang mag-away. 

“Pakilamera kasi yang Doreen nyo. Buti pa sabihan nyo yang lumayo sa Cyrus namin!” sigaw nung babae na tinatawag na Sandy nung kaklase nya ata. Aba’t paano ko nasali sa away nila. Impokrita.

“Baka kayo !? Wala nalang kayong ginawa kung hindi awayin ang mga napapalapit kay Cyrus ! Mahiya nga kayo !” Sagot nman ng kaklase kong si Maristel.

Palaban ang kaklase kong ‘to. Kung natatandaan ko sya yung nangunguna sa pambubully sa klase namin. Sya din ata yung leader ng fansclub ko kuno. Tss.

Hindi ata nakapagpigil ang Sandy na yun kaya’t sinigawan nya ang kaklase ko.

“Malandi yang Doreen na yan ! Lahat nalang ng lalaki dito sa Campus inaakit nya !”.

H-ha ?! Teka nga. Bakit ba ako nasali sa away nila ?

Di ko narin siguro napigilan ang sarili ko't naglakad papunta sa gitna nila. Sasampalin ko na sana yung Sandy kaso naunahan ako ng alagad ni Maristel. Galit na galit syang nakipagsabunutan kay Sandy.

“Walanghiya ka ! Wala kang karapatang sabihan ng malandi si Doreen !” Paulit ulit nyang sabi habang sinasabunutan si Sandy na kasalukuyang nasa lapag na at di makapalag. Pinipigilan na silang dalawa ng mga kaklase ko at kaklase nung Sandy. 

Napaatras nalang ako habang nakatitig sa kanila. Ibang klase. Nag-aaway sila dahil sakin. Gusto kong umiyak, Hindi dahil sa tuwa dahil pinagtatanggol ako ng mga kaklase ko, Dahil Kung nasampal ko siguro ang Sandy na iyon ay ako na sana ang hinihilaan nya ng buhok. Nakakatakot dito. Ayokong makasaksi ng away. Gusto kong sumigaw kaso di ko kaya. Nabato ata ako sa kinatatayuan ko.

Nakatanga parin ako sa kinatatayuan ko. Nagulat ako ng may humatak sakin papalayo. Isang lalaking estudyante.

Di ko namalayan na ipinasok pala nya ako sa isang Music Room. Naramdaman ko nalang na tuluyan ng tumutulo ang luha ko. Umiiyak ako ?

“Para kang tanga dun sa gitna. Ano bang ginagawa mo dun ? Lagi ka na lang nakikialam sa away.” Sabi nung lalaking humatak sakin papunta dito. Di ko sya pinansin bagkus patuloy parin akong umiiyak. Hindi ko alam kung bakit. Masyado siguro akong nadala sa eksena kanina.

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon