Si Doreen Choi po ang nasa picture sa Gilid. Enjoy this Chapter :**
-----
Doreen’s POV
Nagulat ako sa nakita ko. S-si.. Si Cylde.
Si Cylde nga. P-Pero. Sa itsura nya, Parang di nya ginagawa ang ganitong mga bagay.
Nagulat ako ng biglang tumalsik sa harap ko ang lalaking binubugbog ni Clyde. Napatakip ako sa bibig ko.
“Uulitin mo pa ?!” Sigaw ni Cylde sa lalaki. “Tama na Cyrus. Siguradong di na uulitin ni Mark.” Pagpipigil ng lalaki sa kanya.
“O-oo cyrus. H-hindi na” nagmakaawang sambit ng Mark kay Clyde.
“HAJIMA (Stop it) !” sigaw ko naman sa gitna ng di ko na natiis. Naiirita na ako. Ang ayoko talaga sa lahat ay may kinakawawa lalo na kung sa harap ko pa. “Tss” sambit lang ni Clyde. Halatang naasar sya. Umalis sya. Agad namang sumunod ang mga alagad nya’t umalis na. Tinulungan ko naman yung Mark, Biglang dumating si Andy na halatang nagaalala. “Anong nangyari dito ? Bakit ka pa nakisali Doreen ?!” sabi pa nya.
“Anniyo ! Di ko lang talaga matiis. Tsaka di ako nakisali.” Sagot ko sa kanya at inutusan ko ang mga kaklase ni Mark na ipunta sya sa clinic. Bugbog sarado kasi yung Mark. Kawawa naman.
Hinatak ako ni Andy palayo sa Canteen, “Dapat di ka na nakialam. Away nila yun. Tsaka alam mo ba ang nangyari para makialam ka dun ?” Sigaw nya sakin. Sinisigawan nya ako. “Shut up. Even if I don’t know what happens. Di naman pwedeng mambugbog nalang sya basta basta. !” sinigawan ko din sya. Nilayasan ko sya. Nakakainis. Tama nga naman sya. Di ko alam kung anong nangyari pero di nya dapat ginawa yun.
Naglakad lakad ako’t Napadaan ako sa room ng 4-Galileo (2). Naguusap sila tungkol sa nangyari kanina. Dahil sa gusto kong malaman ay kinausap ko sila. “Bakit binugbog ni Cylde yung Mark ?” Nagulat ata yung mga babae dahil kinakausap ko sila.
Sandy’s POV
“Bakit binugbog ni Cylde yung Mark ?” Tanong ng babae sa amin. Nagulat ako, si Doreen Iya Choi ng 4-Newton (1). Ang Queen Bee ng ELMORE UNIVERSITY. Patay na patay dyan mga kaklase kong lalaki. Sabagay. Di naman nakakapagtaka. Maganda nga naman talaga itong si Doreen. Mayaman pa. Koreana at Matalino. Nasa kanya na nga ang lahat.. Magka-apelyido pa sila ni Cy. Aaminin ko. Kinaiinggitan ko sya. Baka magkagusto sa kanya si Cyrus kung magkataon.
“A-ano kasi. Sinabihang ampon ni Mark si Cyrus. Eh magkaibigan ang mama nila. Nalaman daw ni Mark sa mama nya na ampon ito, Eh magkaribal ang dalawang yan kaya siguro nasabi nalang ni Mark ‘yon bilang ganti. Pero sana di nya dapat sinabi yun kasi emotional Guy si Kuya Cyrus. Aist. Kawawang Mark.” Sagot ko sa kanya. Pano ko nalaman ? Parati ko kasing nakakausap si Mark.
“Dapat lang yun kay Mark, Inaano nya kasi si Cyrus babes. Tss”. Sagot naman ni Princess, Kaklase ko.
“Heartthrob ba yang si Cyrus sa section nyo ?” tanong nya ulit sa amin. Hanla. Di nya ba kilala si Cyrus ? Eh bakit tinawag nyang Cylde si Baby Cy ko. Si Cyrus Clyde Choi ang boy version ni Doreen. Halos lahat ng babae ay may gusto sa kanya. Sa iba’t ibang section maski ang mga studyanteng napapadalaw sa eskwelahan namin. Heartthrob nga sya. Isa pa mabait na tao si Kuya Cyrus kaya magakakgusto ka talaga sa kanya.
Agad naman akong tumango bilang sagot. Nakisang-ayon din ang mga kaklase ko. “Sige. Salamat.” Halatang wala syang pake sa iba pa naming sasabihin tungkol kay Cyrus kaya’t nagpasalamat na sya. Aalis na dapat sya ng sinabi ko sa kanyang “Wag mong gugustuhin si Cyrus Ms. Doreen Choi. Bagay kayo aaminin ko, Pero di pwedeng maging sayo si Cyrus.” Sarcastic kong sambit sa kanya. Napangiti lang sya at patuloy na umalis. Maldita nga sya katulad ng sinasabi samin ni Andy.
Cyrus Clyde’s POV
“Fck!” Napamura ako nung nakita kong may tumutulong Dugo sa kamay ko. Sinuntok ko kasi ang pader. Nakakainis ang Mark na iyon. Walang hiya sya. Napaupo ako sa sahig dahil sa sakit. Nasa rooftop ako ngayon ng Highschool building namin.
Nagulat ako ng bumukas ang pinto, at lumabas ang isang anghel. Anghel nga ba. Hindi. Sya yung babae kanina na umeksena sa away namin nung gagong Mark na yun. Yung babaeng mukhang tanga nung nabunggo ko sa Music Room. Yung tinatawag nilang Dyosa ng 4-Newton. Si Boreen ba yun?
Maski sya’y nagulat dahil di nya siguro namalayan na nandito pala ako. Nilapitan nya ako’t nakita nya ang dugo sa kamao ko. Natanga sya saglit saka nilabas ang panyo. “Okay lang ako.” Sabi ko sa kanya bilang pagtanggi.
“Tanga kailangan mo ‘to. Wag ka ng maginarte dyan.” Sagot nya sakin. Kakaiba. Nasabihan nya akong Tanga. Sya palang tumatawag sakin ng tanga and for the fact na di kami close. Kakaiba ang babaeng ito. Kung titignan mo sya mapagkakamalan mo talaga syang anghel dahil ang amo ng mukha nya, Di mo aakalaing sasabihan ka nya bigla ng Tanga.
Di ko na sya napigilan at tinali nya ang panyo sa kamay ko upang tumigil ang pagtulo ng dugo. Ang bait naman nya.
“Sa susunod wag mo ng susuntukin ang pader. Kawawa naman ang pader” sabi nya habang nakatitig sa pader na sinuntok ko kanina. Pagkatapos noon ay nginitian nya ako. Mala-anghel ang ngiti nya.
“Salamat Boreen.” Sabi ko sa kanya. Sumimangot sya bigla. “Bobo mo. Doreen pangalan ko.” Sagot nya sakin. Nakakatuwa syang magalit.
Akala ko mananatili pa sya pero tumayo sya. Aalis na daw sya dahil may klase pa sya. Pero bago pa sya tuluyang umalis nagsalita sa…
“Kung ano man yung sinabi nung Mark sayo wag mo ng masyadong isipin. Sa tingin ko di naman totoo yun.. Diba ?. Ako nga di ko kapiling pamilya ko pero di ko nagawang mambugbog. Sigurado akong mahal ka ng pamilya mo Clyde. Tsaka.. Sorry pala kanina ha !? Yun lang” ngumiti sya sakin at saka umalis. Di ko alam kung bakit nya sinabi sa-akin yun. Pero may kung ano sakin na biglang nagging masaya. Ang lakas ng tibok ng dibdib ko. Sigurado ako. Gusto ko syang makilala. Sino ka ba Doreen ?
BINABASA MO ANG
Still You
Teen Fiction“Akala ko pag mahal nyo na ang isa’t isa, kayo na FOREVER. Pero di pala ganun kadali yun kasi nothing lasts FOREVER.” –Doreen