Clyde’s POV
“May Girlfriend ka na ?”
Napatingin ako ng diretso kay Doreen na mukhang seryoso ang mukha. Pero di nagtagal ay bigla syang yumuko.
Bakit nya natanong ?
Bigla tuloy akong nakaramdam ng kaba at para bng may gumagapang sa dibdib ko.
Amputs -_-
“Wala.” Awkward kong sagot.
Wala akong ideya kung bakit inaalam ni Doreen pero parang nabuhayan ako ng loob.
“Wala ?” napaangat sya ng ulo. Namumula sya.
Ang ganda nya talaga :’))
Tumango naman ako saka nagsalita uli.
“May inaantay ako.” Napangiti ako sa kanya.
Napataas sya ng isang kilay.
“Sino ?” sagot nya. Medyo nahihiya sya dahil parang basag ang boses nya at nagaalinlangan pa atang tanungin.
“Basta.” Matipid kong sagot.
Agad naman syang bumusangot.
Napatingin kami sa baba ng may narinig kaming kumatok.
“Ako na.” saka tumayo ako at bumaba ng hagdan.
Tinignan ko kung sino ang kumatok at as expected, Yung pagkain namin ni Doreen.
“McJollibee Delivery !” sabi ng delivery guy.
Inabot nya na sakin at binayaran ko gamit ng credit card ko. Binigay nya sakin ang resibo at agad akong umakyat pataas.
“Sino daw ?” tanong ni Doreen.
Itinaas ko naman ang mga pagkain at bigla syang ngumiti at pumapalakpak na parang bata.
Nahiya naman ata sya dahil itinigil nya agad ang pagpalakapak.
Napangiti ako tsaka inilapag ang pagkain sa mesa namin.
“Gutom na kasi ako.” Bulong nya.
“Sige Kain ka na :))” sagot ko sa kanya at inumpisahan na naming kainin.
Kumain lang kami ng tahimik.
Wala lang. Parang bago lang kaming nagkakilala.
Natapos na namin ang kinakain namin ng tumayo sya ulit.
“Kailangan ko na palang umuwi.” Sambit nya sakin.
“Ako din eh. Sabay na tayo.” pagaalok ko sa kanya at inilagay sa balikat ang bag ko.
Sya din ay binibit na ang gamit nya, Kinuha ko naman ang laptop case na dala nya dahil alam kong mabigat. Tumanggi sya pero nag-insist parin ako.
Umalis na kami ng Office at dumiretso sa parking lot.
“Una na ako.” Napangiti sya.
Tumango naman ako saka pumunta na sa kotse ko.
Di ko narin inalok si Doreen na isundo sya sa tinitirhan nya dahil alam kong tatanggi sya. -_-
Nilagay ko ang gamit ko sa loob ng kotse saka sumakay at minaneho.
Pinaalis ko sa pagkakapark ang kotse ko at ilalabas ko na sana sa parking lot ng Building pero may nakita ako sa Side mirror.
Si Doreen naglalakad ?
Akala ko may kotse sya kaya di ko na inaya. Bobo mo Clyde -_-
Inihinto ko muna ang kotse ko sa tapat nya, Nakita ko naman syang gulat na gulat at napahinto din sa paglalakad.
BINABASA MO ANG
Still You
Teen Fiction“Akala ko pag mahal nyo na ang isa’t isa, kayo na FOREVER. Pero di pala ganun kadali yun kasi nothing lasts FOREVER.” –Doreen