SY21 Part 1: Our First Christmas

31 1 0
                                    

A/N: Uunahan ko na kayo. Pfft. Ang susunod na mga eksena ay puro laktaw na pangyayari. Fast Forward kumbaga. Ipagsasama sama ko na sa iisang chapter na ‘to ang nangyari sa pasko at new year nila. Pero hinati ko sa dalawang part. Dahil kailangan ko ng tapusin ang past na ‘kinikwento ni Doreen’ hanggang Chapter 25. Mapapansin nyo ding mahaba na ang mga chapters hanggang sa Chapter 25 dahil ang Chapter 26 ay parang bagong Book pero iisa lang talaga ? Gets nyo :(( ? Kumbaga sa palabas, Season 2 na ang Chapter 26 ?!. Pfft. Bahala na nga kayo kung nagets nyo ako XD!. So basta yun. Gege. Enjoy ! Vote and Comment :**

-----

Date: December 20 20--

Doreen’s POV

Nakaupo ako ngayon sa sala habang nakatitig sa mga regalong pinamili namin kanina nila Yaya Isabel. Maski sila Yaya Isabel, Ester at Kuya Bitoy ay pinabili ko na ng gusto nila sa Christmas.

Nasa tapat ko din ang passport ko at nakahanda na ang mga gamit ko malapit sa hagdan.

Doon ko kasi isi-celebrate ang Christmas at New Year sa Busan, South Korea. Wala narin na kaming pasok kaya dun ako pupunta.

Excited na akong makita sila Kuya, Mommy at Daddy sa Korea.

Tinapos ko ng balutin ang lahat ng regalo maliban sa regalong ibibigay ko para kay Andy at Clyde.

Ibibigay kong regalo kay Andy ay Headphones na Black. Mahilig kasi sa Music yun. Binalot ko naman ‘to habang tumatakbo sa isip ko kung tatanggapin nya kaya ang regalo ko sa kanya matapos ang nangyari last time.

Pagkatapos kasi ng ‘Drama’ na yun ay di na ako kinakausap ni Andy. Di na rin nya nirereplyan ang mga text ko sa kanya. Sana okay lang sya.

Pagktapos kong balutin ang regalo ko kay Andy, ay ang kay Clyde naman.

Di ko talaga alam ang irergalo ko sa kanya kaya binilhan ko nalang sya ng Cap na kulay Blue.

Yeah, I suck at choosing. Isa pa first Christmas ko ‘to sa kanya.

Napabuntong hininga ako at ibinalot ko na ang regalo ko sa kanya. Pagkatapos nun ay inilagay ko lahat sa isang malaking paper bag. Ipinadala ko kay Kuya Bitoy.

Parang isang Snta Clause si Kuya Bitoy. Sinabi ko kasing ihatid sa bawat bahay ng mga pagbibigyan ko ang regalo. Alam ko kasi di ko na sila makikita, Next year pa to be exact.

Nag-ayos na ako. Mamaya narin kasi ang Flight ko papuntang Busan

-----

Nakatingin ako sa labas ng bintana habang nakasakay sa kotse papuntang Airport. Ihahatid na kasi ako ni Kuya Bitoy. Magisa lang akong pupunta sa Busan samantalang sila Kuya Bitoy ay magsi-celebrate sa mga pamilya nila.

Bigla kong naalala si Clyde. Di naman siya nagreklamo noong sinabi ko sa kanyang uuwi muna ako ng Busan. Pero alam kong di sya okay.

Napabuntong hininga ako.

Sayang di ko makaksama ngayong pasko si Clyde. Ano na kayang ginagawa nun ?

Andy’s POV

(Date: December 23, 20—)

Nakatitig lang ako sa regalong iniabot sakin ni Kuya Bitoy noong isang araw. Galing daw kay Doreen.

Hawak hawak ko din ngayon ang isang Card na di gaanong kaliitan pero medyo Malaki. May nakasulat na note.

“Hello Andy ! Merry Christmas ! Bakit di ka nagre-response sa mga text ko sayo ? Galit ka pa ba sakin ? Nagaalala na ako sayo :(( Sana maging okay na tayo next year. Pupunta nga pala ako ng Busan dahil doon ako magsi-celebrate. Alam mo naman yun ang gusto nila Mommy diba ?

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon