Doreen’s POV
“Ang boring !” sigaw ko saka lumabas ng room.
Letse. Letse. Letse.
Bakit walang magawa ? Akala ko naman mai-enjoy ko na ang pangalawang araw ng Foundation Week kaso hindi pala.
Lumabas ako ng Room tsaka bumaba ng Building. Ang daming tao. Walang klase kaya’t pwedeng gumala ang mga estudyante sa loob ng Campus.
Ayoko pa naman ng ganito. Ang maraming tao. Feeling ko di ako makahinga. Hays.
Napalingon ako ng may tumawag ng pangalan ko. Si Clyde. Papalapit na sya sakin. Naka-apron sya. Pfft.
“Doreen !” saka pinatong ang dalawang kamay sa tuhod nya na kala ko tumakbo papunta sakin, Eh naglakad lang naman sya.
“Oh ? Problema Clyde ?” tanong ko sa kanya.
“W-wala naman.” May paalinlangan sa pagsabi nya sakin. Wala pala eh ? Problema nito.
“A-ano… Pwede ka bang pumunta sa Booth namin. Yung Café Booth.” Dagdag pa nya
“Pwede naman. Bakit hindi. Pero siguro mamaya na. Nakakatamad pumunta sa inyo, Ang daming tao.” Pagrereklamo ko saka tinuro ang mga estudyanteng naka-kalat sa hallway.
Nagulat naman ako ng hawakan nya ang kamay ko saka sabay kaming naglakad papunta sa booth nila.
“Excuse me po. Dadaan kami.” Sabi nya habang dumadaan kami sa kumpulan ng mga estudyante. Habang ako’y nakatingin lang sa pagkakahawak nya sa kamay ko. B-bakit nya kaya hinawakan kamay ko. Pwede namang alalayan nya nalang ako sa paglakad ah.
Hanggang sa nakarating na kami sa booth nila sa 1st floor ng High School building. Isa yung room tsaka dinisign-nan nila upang magmukhang Coffee Shop. Ang cute infairness.
Papasok na kami sa loob ng Booth nila ng hinila ko ang kamay nyang nakahawak parin sakin na parang sinasabi ko sa kanya ‘Duh. Nakahawak kamay tayong papasok ?’.
Napansin naman nya ang pagkakahawak sa kamay ko tsaka binitawan ito. Nahiya ata sya dahil agad agad na pumasok sa kwartong iyon at di man lang ako inasikaso. Aba.
Sumunod nalang ako sa kanya. Baka isipin nya pang nagiinarte ako.
Pero agad naman nya akong nilapitan ng napansin nyang nagiisa ako sa gitna ng kwartong ‘to.
“Dito ka Doreen.” Pinaupo nya ako sa isang upuan na may katapat na maliit na mesa. Oo nga. Mukhang Coffee shop ang ambiance.
“Antayin mo ko. May papatikim akong kape sayo. Dito ka lang ha ?” pagpapaalam nya sakin tsaka sya umalis.
Habang nagaantay ay naalala ko yung nangyari kahapon. Di ko nga lubos maisip kung bakit sinabi nya yun sakin. Naguluhan tuloy ako bigla.
-flashback-
“Anong ginagawa mo ?”
Nagulat at Napaatras ako ng may narinig akong boses ng lalaking nagsalita mula sa likod ko.
“Ang bilis naman tuparin ng hiling ko ?!” bulong ko bago humarap sa lalaki. Nakita ko si Raff. Ha ?!
Si Raff ?! Siya kaya yung nagpapadala? Pfft. Di naman siguro.
“I-ikaw anong ginagawa mo dito ?” tanong ko naman sa kanya.
“Wala. Napadaan lang ako. Nakita kasi kitang may hawak na lobo.” Saka tumingin sa lobo na nakalutang parin sa ere. “Bakit mo pinakawalan ? Sayang.” Saka sya sumimangot. Di nga sya. Imposible namang sya ang lalaking nagpapadala sakin ng mga text at ng sulat.
BINABASA MO ANG
Still You
Teen Fiction“Akala ko pag mahal nyo na ang isa’t isa, kayo na FOREVER. Pero di pala ganun kadali yun kasi nothing lasts FOREVER.” –Doreen