Alex’s POV
Naglalakad na ako pauwi ng naalala kong kailangan ko palang dumaan sa bahay nila Doreen.
Matagal ko na ring di nakakausap si Bessy, Namimiss ko na sya *^*.
Pano ba naman kasi ‘tong Modelling school namin, Isasali kami sa isang Ramping Contest. Ayun pus-pusan ang pagpapractice namin. Pero ayos lang, Ginusto ko naman to XD
Tsaka may mga photoshoots pa ako :3
Haysssssss !
Pumunta muna ako sa isang Doughnut Store para bumili ng paborito ni Doreen.
Hihihihi~ Magugustuhan nya ‘to~
“Kuya isang box po nito.” Turo ko sa Coffee Hazel Nut na doughnut.
Umupo ako sa upuan dahil medyo matatagalan pa daw,
Pero sadyang makulit si Destiny dahil pinagtagpo na naman kami ni Mr.Gwapo~
“Alex.” Sambit nya ng makita akong nakaupo.
Napatayo ako at napangiti sa kanya.
Shems. Bakit habang tumatagal papogi sya ng papogi ? :>!
“C-clyde !” bati ko sa kanya.
Nagorder muna sya at lumapit uli sakin.
“Upo tayo.” pagaaya nya.
“Ah oo.” Napangiti ulit ako at umupo. Pati sya umupo din.
Shems~ Feels *O* !
“Anong ginagawa mo dito ?” tanong nya sakin.
“A-ah.. May binili lang ako.” Sagot ko sa kanya. Di ko maiwasang mapangiti
Lalalallaa Shems *^* <3
“Para kanino ?” napatingin sya sa cellphone nya.
“Ah.. K-kay Doreen.” Tumingin sya sakin ng seryoso.
Hanla. Ang pogi talaga :’< <3
“Ah. Ikamusta mo nalang ako kay Doreen ha ? Sige Ingat ka.” Ngumiti sya sakin at kinuha ang order nyang kadadating lang sa counter.
Omg :3
Ingat daw ako ! Kinikilig ako ngayon >////<
Pfft. Sayang umalis sya agad,
Kukunin ko sana number nya -3-
Ne, Aamin na ako. Crush ko talaga si Clyde simula ng makilala ko sya.
Love at first sight maybe ? Kyaaaaa
Okay tama na xD
Nakita kong dumating na ang order ko. Binayaran ko na tsaka lumabas para maglakad papunta sa Condo Unit ni Doreen.
Pero pagdating ko doon ay walang tao :3
Napatingin ako sa relos ko, 8pm na ah ? Dapat nasa bahay na nya yun -_-
Tinawagan ko sya
“Oy Doreen !” bungad ko sa kanya ng sagutin nya.
“Oh ?” sagot nya.
Babaeng tong talaga di marunong magtanong ng pormal, Laging “Oh.” =_=
“Di ka pa uuwi ?” tanong ko. Inilapag ko ang binili ko sa coffee table nya.
“Pauwi na ako. Saglit lang. Nasa bahay ka ba ?”
“Oo. Duh ? Diba promise ko sayo yun ?”
“Ay oo nga pala. Sige. Text nalang kita pag nasa Bus Station na ako sa baba. Wag kang mangingealam ng gamit dyan ah. Bye.”
BINABASA MO ANG
Still You
Teen Fiction“Akala ko pag mahal nyo na ang isa’t isa, kayo na FOREVER. Pero di pala ganun kadali yun kasi nothing lasts FOREVER.” –Doreen