SY17: Andy's Decision

45 1 0
                                    

Doreen’s POV:

Nasa sasakyan ako ngayon  na minamaneho ni Kuya Bitoy papasok sa school. Nang nakatanggap ako ng Text.

Mula na naman ito dun sa Unknown number.:

“Unknown Number: 0926******57:

Ingat Doreen. Enjoy your Day :)) ! <3”

Sino kaya itong unknown number na ‘to ?! Araw araw nalang dapat kailangan nya akong itext. Wala bas yang magawang matino sa buhay. Tss.

Napansin naman ata ni Kuya Bitoy na nakasimangot ako.

“Okay ka lang nak ?” tanong sakin ni Kuya Bitoy na nakatingin sa salamin sa harapan nya.

Tumango ako’t saka nagsalita.

“Kuya, Kilala mo ‘tong nagtitext sakin ?” sabay iniharap sa kanya ang cellphone ko.

Tinignan naman nya habang naka-stop pa sya sa pagmamaneho.

Umiling lang sya. Umupo ako ng maayos saka pinaandar nya ulit ang kotse dahil ang-green light na ang stop light.

“Sino ba yan ? Stalker ?” tanong nya saka tumawa. Pero sumeryoso agad ang mukha.

“Di ko nga din po alam eh. Lagi nalang po nya akong tinitext.” Tinitignan ko ang mga sunod sunod na text nya mula sa Conversation Box namin. Napansin ko naman huling nireplyan ko lang sya ay yung tinanong ko kung sino sya. Nung unang beses syang nagtext sakin.

“Baka naman si Andy na nagpalit ng number ?” sabi ni Kuya Bitoy.

“Imposible po ‘yon.  Tsaka di ganito magtext si Andy.” Sagot ko sa kanya.

“Eh si Clyde kaya ?! Yung pumunta sa bahay kahapon ?” tanong nya ulit.

Napaisip ako bigla. Pano nga kung sya ?

Umiling ako saka napansing nandito na pala kami sa school. Ipinarada muna saglit ni Kuya Bitoy ang Van malapit sa gate saka sya lumabas upang pagbuksan ako ng pinto.

Parang kuya/tatay ko na talaga ‘tong si Kuya Bitoy.

“Ingat Doreen.” Hinalikan ko ang pisngi nya at nagpaalam narin ako.

“Di nga pala kita masusundo mamaya dahil may ipinapagawa ang Eomma mo samin ni Yaya Ester mo. So si Yaya Isabel mo lang ang madadatnan mo sa bahay mamaya ha ?” pahabol nyang sabi.

Tumango ako tsaka nagpaalam na sa kanya ng tuluyan.

Pumasok na ako sa gate ng Elmore University.

Ikatlong araw pala ngayon ng Foundation Week. As usual ang daming estudyanteng nakakalat sa daanan. Ang dami ring iba’t ibang booth sa Catwalk papunta sa College Department.

Tumingin ako sa Relos ko.

“9 am.” Bulong ko. Di ko inagahan ang pag-pasok dahil alam kong wala akong gagawin pag pumasok ako ng maaga. Isa pa wala ngang klase diba ? Pumapasok lang ako kasi gusto kong mag-enjoy saglit. Saka pa gusto kong may makasama…

Tuloy tuloy akong pumunta sa High School Building namin. Nang may humila sakin.

Tinignan ko yung humila sakin. Isang lalaking estudyante. Taga College Department siguro ito dahil nakita ko sa ID lace nya na may nakasulat na “Marketing Management”. Sila siguro yung na-assign sa Jail Booth.

Hinila nya ako papunta sa isang maliit na selda “daw” na tanging napapaligran lang ng steel bars na karaniwang nakikita na hinaharang sa mga concerts.

“Anong ginagawa mo ?” napasigaw ako sa kanya ng hilain nya ako at pinasok sa selda “daw”.

“Sorry Doreen. Inutusan lang ako.” Napasimangot sya saka itinuro si Kuya Blake. Ang JME (Junior Marketing Executives) President.

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon