SY10: Stalking

39 3 0
                                    

Doreen and Cyrus sa Picture sa Gilid. Enjoyy :***

----

Cyrus Clyde’s POV:

Lunes na naman. Nakakatamad pumasok lalo pa’t tuwing lunes ay may Flag Ceremony. Uupo na naman kami sa sahig sa may Gymnasium habang nakikinig sa kung ano mang sinasabi ng Principal na hindi maintindihan dahil sa mga nakapaligid sayong estudyante na di naman nakikinig at nagdadaldalan lang. Psh.

Napalingon ako sa pila ng mga taga 4-Newton. May kung hinahanap ang mata ko mula sa linyang yon. Pero wala sya. Hays.

Natapos na ang flag ceremony at tuloy tuloy kaming pumasok sa aming classroom at nagklase na. Nakakatamad simulan ang lunes.

Nakinig nalang muna ako sa tinuturo ng guro sa harapan at inantay na mag Vacant Period.

*Ring of Bell*

Sabay na sabay tumayo mga kaklase ko ng narinig nila ang Bell para sa 11am class. Lunch Break na namin.

Isa isang nagsialisan sa kwarto upang makakain na. Napansin ko namang naiwan sina Sandy at ang grupo nya sa kwarto. Inaantay siguro nila akong umalis. Lumapit ako sa kanila. Itatanong ko kung anong nangyari nung  Biyernes na nagaway sila ng taga 4-Newton.

“Bakit kayo nagaway nung taga 4-Newton ?.” Tanong ko sa kanilang naka-poker face.

“Gosh Sandy, Tinatanong ka ni Kuya Cyrus. Go ! Kaya mo yan.” Narinig kong sinabi nung Ria. Isa sa alagad nya.

Napakunot naman agad ang noo ko. Ano bang tingin nila sa ginagawa ko ? Nagaalala kaya nagtatanong sa kanila? Psh.

“Ah yun ba. Pinagtanggol ka lang namin laban kay Doreen.” Sagot nya sakin.

“Pinagtanggol ? Bakit ?” tanong ko ulit.

“Baka akitin ka din kasi ni Doreen. Pinoprotektahan ka lang namin Cyrus. Wag kang magalala.”

“Di ko kayo kailangan.” Inis kong sabi sa kanila.

Sino ba sila sa tingin nila ?

Dahil sa inis ko ay nasipa ko ang katabing upuan, Nagulat sila sa ginawa ko. Lumabas ako ng kwarto. Nasa pintuan na ako. Bago ako umalis may sinabi ako.

“Pwede ba. Tigilan nyo na ang pag-dikit sakin. Di nyo ko kailangang protektahan kay Doreen. Kung ano mang gustuhin ko wala na kayong pakialam dun.” At tuluyan na akong umalis. Nakakainis sila. Nilagay ko ang dalawang kamay ko sa bulsa ng slocks ng uniform ko.

Binabati ako ng mga babaeng nadadaanan ko sa hallway. Pero di ko sila pinapansin.

Katulad lang din sila nina Sandy. Sasaktan din nila ang mga lumalapit saking babae. Nung una wala akong pakialam eh. Pero nung si Doreen na ang binangga nila, Nainis ako. Di pwedeng ganunin nila si Doreen. Mali ang naiisip nila kay Doreen.

Fck. Tama si Doreen. Kung ano lang nakikita ng mga tao dito sa University namin ay yun lang ang pinaniniwalaan nila. Tss

Pumunta na ako sa Canteen at kumain. Pagkatapos nun ay dumaan ako sa Room ng mga taga 4-Newton. Pero wala sila dun. Napatingin ako sa pinto. May Schedule na nakalagay. Hmm..

4-Newton’s (1) Schedule for Week:

7-8 : Math: Trigonometry

8-9: Math: Applied Stats and Calculus

9-10: Economics

10-11: Vacant Period

11-12: Filipino: Literatura

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon