Cyrus Clyde’s POV:
“Nakakahiya ka Andy ! And also you Clyde ! Both of You ! Shame on yourselves !.” Paulit ulit sa isipan ko ang sinabing ‘yon ni Doreen.
Kahapon pa ‘yun nangyari pero bakit parang kanina lang. Nadisappoint sya sakin.
“Aisht ! Nakakainis !” di ko namalayang napasigaw ako dahil sa kakaisip nun.
Nagulat naman si Eomma na kasalukuyang nanunuod dito sa sala. Ah oo nga pala, sabado pala ngayon, Walang pasok kaya’t nandito ako sa bahay.
“Anong nakakainis ha !? ‘tong pinapanuod natin !? Eh ikaw nga ‘tong kanina pa nililipat lipat ang channel eh.” Inagaw naman sakin ni Eomma ang remote.
Kanina ko pa kasi hawak ang remote at nililipat kaso lumipad ata ang utak ko’t nawala sa isipan ko na tuloy tuloy kong pinipindot ang hawak kong remote. Nakakahiya. Para akong baliw dito. Pfft.
“Eomma, Ano ba gagawin ng isang babae pag sinabihan ang isang lalaki ng ‘Na-disappoint ako sayo?’” tanong ko kay eomma. Di na ako nakatiis. Kagabi pa ata ako nilalamon ng konsensya. First time may nagalit saking babae, Si Doreen pa.
“Ahm..” sagot ni eomma,
“Kasi pag nagalit ang isang babae sa lalaki. LQ tawa dun” dagdag pa nya.
Napakunot naman ang noo ko. Anong LQ ?!
“Ay joke lang. Sa mag-syota pala ‘yon. Siguro di na papansinin ng babae ang lalaki.” Sagot muli nya at tumingin na sa pinapanuod nya.
Hindi papansinin ? So posibleng di na ako pansinin ni Doreen ?! Di pwede yun ! Mas lalo naman akong di napakali at nagtanong uli kay Eomma.
“Last na Eomma, Di papansinin ? Ang babaw naman nun ?” sagot ko pa ulit.
Ang babaw naman talaga. Di agad papansinin, Pero sabagay. Napa-pout ako ng tinanong ko kay eomma yun.
Tumingin sya sakin.
“Di kababawan ‘yon anak. Ganun talaga ang mga babae pag nagalit sila.” Nakangiting sagot sakin ni Eomma.
“Eh anong dapat gawin ?” tanong ko ulit. Nakukulitan na sguro si Eomma dahil maski sya’y di na nakatuon sa pinapanuod nya.
“Suyuin mo.” Sagot naman nya saking nakangiti ulit.
“Susuyuin ? So parang liligawan ko sya ganun ?.” Agad kong tanong sa kanya.
Nabigla ata si Eomma sa tanong ko. Natawa sya. Bakit sya tumatawa. May mali ba sa tanong ko?
“So ikaw ang may kasalanan ? May nagtatampo sayong babae no ? At nkakasiguro akong mahalaga sya sayo kaya ganyan ka makaarte.” Pangaasar na sabi sakin ni Eomma.
Sht. Oo nga. Direkta kong nasabi na ako ang mang-susuyo. Napatakip ako sa mukha ko sa kahihiyan habang tinatawanan lang ako ni Eomma. Inaasar nya tuloy ako ngayon.
“Binata na ba ang anak ko? May balak ka nabang manligaw ?” pagpapatuloy pa nya habang kinikiliti ang tagiliran ng tyan ko.
Napatayo naman ako sa kakakiliti nya sakin.
“Eomma, D-di ako yun. Nagtatanong lang ako k-kasi yung kaibigan ko..” di ko na natuloy ng binatukan ako ni Eomma.
“Deny pa. Nadulas ka na eh.” Sabi nya sakin.
Tuwang tuwa sya. Ano bang nakkatuwa dun.
Huminto na sya sa pangaasar nya’t umupo ng maayos samantalang ako nakaupo malapit sa hagdan upang masigurong di na nya ako ulit kukulitin.
“Di mo naman sya liligawan. Susuyuin mo lang. Papatunayan mo lang na di sya dapat madisappoint sayo. Papatunayan mo lang sarili mo sa kanya.” Tuloy tuloy na sabi ni eomma.
Ahh. Edi ba parang nangliligaw parin yun ?!
“Sino ba yan ?! Pwede mo ba syang ipakilala sakin?” tanong ni eomma ng napansin nyang di ako sumasagot sa sinabi nya sakin.
“Wala ‘to Eomma.Pero salamat parin” nakangiti kong sabi sa kanya at Umakyat na ako sa kwarto ko.
Humiga ako sa kama. Napatingin ako sa kisame.
Papatunayan ko ang sarili ko ?! Pero paano. Di naman kasi dapat talaga magalit sakin si Doreen. Di naman ako ang may kasalanan.
Napasuntok ako sa unan na katabi ko.
Si Andy ang nanakit. Wala akong kasalanan. Bakit ba nadisappoint sakin si Doreen. Diba pwedeng kay Andy nalang.
“Aish!” npasigaw ako sa inis.
Bakit ko ba masyadong iniisip yung nangyari kahapon. Bakit ba masyado akong nagalala kung magalit man sakin si Doreen. Kahit ilang beses kong ialis sa utak ko ay otomatiko paring bumabalik. Nababaliw na ba ako !? Ayokong magalit sakin si Doreen lalo pa’t kakakilala palang namin. Nakakainis. Ano ba kasing naisipan ni Andy at bigla syang napasugod doon. Siguro’y nagseselos sya, o di naman kaya’y di parin nya nakalimutan ang nakaraan. Di parin sya nagbabago. Ang childish parin nya. Tss
Andy’s POV:
“Kuyaaaa!” sigaw ng kapatid ko sakin. Di ko kasi sya pinapansin. Nagpapatulong sya sa ginagawa nyang project.
Linggo pala ngayon, Wala si Mommy pati si Appa. Mamaya pa sila uuwi. Naiwan lang kaming dalawa dito ng kapatid kong si Samantha. Ang ingay nya.
“Kuya ! Ang damot mo naman eh ! Pahingi lang akong picture nyo ni Ate Doreen ! Ialalagay ko lang dito sa Family Tree !” sigaw pa nya ulit sakin.
“Ewan ko sayo.” Tangi ko lang sagot sa kanya.
Nangaasar ata ‘to eh. Tsaka bakit kailangang kasama si Doreen sa Family Tree nya eh di naman namin sya kaano-ano.
“Dali na ! Ilalagay ko lang dito picture ni Sister-in-law” sigaw nya ulit sakin. \
“P*ta naman Sam eh ! Sinabi ngang di mo sya sister-in-law. Gusto mong mamura ni Doreen pag nakita nyang nakalagay picture nya dyan ?” nakaturo kong sabi sa ginagawa nya.
Gustong gusto kasi nya si Doreen. Akala kasi nitong babaeng ‘to syota ko sya. Psh.
“Di nagmumura si Ate Doreen ! Mabait si Eonnie !” sagot nya sakin.
Lumabas nalang ako baka kung ano pang masabi ko kay Sam. Pumunta ako sa Garden at umupo sa upuan. Tinignan ko yung mga bulaklak. Ang ganda nila. Biglang pumasok sa isip ko si Doreen.
Mali ang ginawa ko alam ko yun. Pero di ko kasi napigilan ang sarili ko nung nakita kong kasama nya si Clyde.
Napagdisisyunan kong tawagan si Doreen. Kagabi ko pa sya tinatawagan pero walang sumasagot. Nagriring lang. Galit pa kaya sya sakin ?
Sinubukan kong tawagan si Doreen, nagbabakasakaling sagutin nya ang tawag ko. Akala ko talaga ay di na nya sasagutin.
“Hello ?!” tanong ng nasa kabilang linya. Sinagot nya. Pero bakit parang iba ang boses.
“Doreen, Ikaw ba ‘to?” Sagot ko naman.
“Ah. Yaya ‘to ni Doreen. May sakit ngayon si Doreen, Nagpapahinga sya ngayon, kaya ako na ang sumagot ng tawag na ‘to. Bakit ka napatawag Andy ?” sagot naman ng nasa linya.
May sakit si Doreen ?
“Ah wala naman po. Kakamustahin ko lang sana sya, Kaso may sakit pala sya. Pwede po ba syang bisitahin ?”
“Ay. Hindi pwede iho. Ayaw ni Doreen ng bisita dito sa bahay. Sorry.” Sabi ng yaya ni Doreen.
“Ah sige po. Salamat nalang po. Pakisabi nalang po na magpagaling sya.”
“Sige iho. Salamat sa pagaalala. Bye”
“Bye.”
Pinatay na ang tawag. May sakit si Doreen. Mas lalo akong di napakali. Sana okay lang sya.
----
BINABASA MO ANG
Still You
Teen Fiction“Akala ko pag mahal nyo na ang isa’t isa, kayo na FOREVER. Pero di pala ganun kadali yun kasi nothing lasts FOREVER.” –Doreen