SY1: First met

155 5 0
                                    

“Ano ?!” Sigaw ng babaeng kausap ng babaeng nakaupo sa isang coffee shop. Napabalikwas naman ang babaeng kausap ng sumigaw dahil sa pagkagulat ng nahampas ng babae ang mesa kasabay ng pagkasigaw nito.

 Napatingin naman sa kanila ang mga tao sa loob ng coffee shop, Til ba’y nairita pero bumalik din sa kanya kanyang gawain.

“Lower down your voice Alex, Nakakahiya ka” Pasimangot na sabi ng babaeng kausap nya.

Nahiya agad si Alex at nag-sorry sa tao sa paligid nya. “Sorry ha” saba’y irap sa kausap nyang babae. “Paano akong di magugulat eh ang harot harot-“ Hindi na naituloy ni Alex ang pagsasalita dahil tinakpan ng babaeng kausap nya ang bibig nya. “Shut up !” Mahinang tugon nito sa kanya.

Agad namang nagayos si Alex at pinagpatuloy ang paguusap nilang dalawa. “So.. Una kayong nagkakilala doon ? Na love at first sight ka agad Doreen?” Kinikilig na sambit ni Alex.

Tumango lang si Doreen bilang sagot. “Dahil dun nagkaroon ako ng First Love” pangiti naming pagpapatuloy ni Doreen na halatang kinikilig din dahil namumula na ang mukha.”Corny no?”

“Kyeopta” Pangaasar ni Alex. Sinimangutan naman sya ni Doreen. “Tuloy mo na te ! Binibitin mo ako eh !”

Doreen’s POV

“So ayun nga…”Pagpapatuloy ko.

Tumatakbo akong papunta sa Library upang ibalik ang mga librong hiniram ko. Napadaan ako sa isang Music room dahil nakarinig ako ng musika. Magandang musika.

Lumapit muna ako saglit upang pakinggan ang taong kumakanta. Lalaki sya. Ang ganda ng boses nya. ‘Di ko namalayang nakangiti na pala ako habang pinapakinggan ang kanta nya. Paborito ko kasi ito. Breakeven ng The Script. Bigla ko nalang naalalang kailangan ko na palang ibalik ang mga libro ko dahil lagpas na sa oras na pinahiram sakin ang mga ito. Agad agad ko namang ibinalik ito’t napadaan ulit sa Music Room. Madadaan ko naman talaga ito dahil ito lang ang daanan papunta sa Library.

Napaupo ako sa sahig ng namalayan ko nalang na nasangga pala ako ng lalaking lumabas sa Music Room. Sya siguro yung kumakanta sa loob. Agad naman nya akong itinayo. “Okay ka lang Miss ?” Pagaalala nyang pagtatanong.

“O-okay lang ako” Sagot ko habang pinapagpag ang palda ko’t damit. Yumuko ang lalaki’t parang may kinuha sa sahig. Agad naman nya itong inabot sakin. Ang ID ko.

“Doreen Iya Choi of 4-Newton?” Sambit nya habang binabasa ang pangalan ko sa ID ko. Ngumiti sya sakin. Ang gwapo nyang ngumiti. Nakatitig lang ako sa kanya. “Magkaparehas tayo ng apelyido.” Sambit nya sakin. Nakatingin parin ako sa kanya. Ewan ko ba. Kung ano sakin na biglang tumahimik.

“Ahm…” Parang na-awkward ata sya. “Cyrus Clyde Choi pala” nakangiti nyang sinabi sakin habang nilalahad ang kamay at gustong makipagkamay sakin. Agad naman akong nakipagkamay sa kanya. Ang lambot ng kamay nya. Ang bait nya.

“N-nice to meet you…Clyde ?” Pagaalangan kong sabi. Hindi ko kasi alam ang itatawag sa kanya. Napangiti lang sya. “Cylde, Hmm.. Sige. Cylde nalang itawag mo sakin.” Buong galak nyang sinabi. Ang cute nya.

“Cyrus kasi ang tawag sakin ng mga kaibigan ko dito at mga kaklase” Pagpapatuloy nya. “Sa bahay lang ako tinatawag na Clyde… Kaya natutuwa ako’t tinawag mo akong Clyde.” Nahiya naman ako agad at agad na binawi ang sinabi ko at sinabing tatawagin ko nalang din syang Cyrus. Pero umiling lang sya. Halatang nasisiyahan sya.  “Ay oo nga. Tapos na pala yung Free time namin. Kailangan ko ng umalis kasi may klase pa ako” Nakangising nyang sambit sa akin. “Bye Doreen. See you next time”. Pagpaalam nya sakin.

Nagpaalam din ako sa kanya at naiwan akong nakatanga. Agad ko namang sinampal ang sarili ko. Mahina lang syempre. “Anong nangyari sayo Doreen ?” Tangi kong nasambit at tumakbo papuntang classroom namin dahil naalala kong may klase pa pala ako.

Authors Note: Omg. Nakagawa ako ng Chapter 1 XD! *nagparty* Hihihi. Galing. Yung naka-Italize pala eh present yun. Gets nyo naman diba ? Haha. See you in the next Chapter. Ay oo nga pala, Kung may iko-comment kayo comment lang, Pero sana wag pambabash XD. Hahaha. Vote & Comment. Thank you :**

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon