SY18: Conversation

62 3 0
                                    

Andy, Doreen and Clyde ang nasa photo sa gilid :**

--

Cyrus Clyde’s POV

“Alis na ako. Baka hinahanap na ako ni Andy.” Sabi samin ni Raff.

“Mabuti pa nga.” Pagtataray ni Doreen sa kanya.

“Bye Love Birds !” pagpapaalam samin nya samin ni Doreen.

Humarap sakin si Doreen.                                                   

“Labas tayo ?” tanong nya sakin na nakapoker face. Lagi ‘tong nakapoker face. Hahahaha

“Magdidate tayo ?” sagot ko naman sa kanya saka naglakad palayo sa high school building.  Parang hinatid lang namin dito si Raff.

Sumunod naman sya sakin at agad ako binatukan. Sadista ‘tong babaeng ‘to.

Napahawak ako sa ulo ko at nagsalita sya.

“Bobo. Kakain lang tayo sa labas.”

“Edi parang date nga ?” pangaasar kong sinabi sa kanya.

“Bahala ka nga.” Binilisan nya ang paglalakad nya. Napalayo sya sakin ng onti. Binilisan ko din ang paglalakad ko. Naabutan ko naman sya saka hinawakan ang kamay nya.

Huminto sya sa paglalakad. Tinignan nya muna ako ng masama bago hampasin ang kamay ko ng napakalakas. Napabitaw ako sa pagkakahawak sa kanya.

“Aray !” pagrereklamo ko sa kanya.

Tinignan lang nya akong blangko ang mukha saka ngumiti.

“Buti nga.” Ngumiti sya ng mala-anghel saka nagpatuloy maglakad.

Pero nakatayo lang ako dito saka tinignan ang kamay ko. Namumula ang kamay ko dahil sa pagkakahampas nya sakin. Battered Boyfriend talaga ako sa kanya pag naging kami :(( !

Napasimangot ako.

Napansin naman nya atang di ako sumunod sa kanya. Lumapit sya sakin at hinawakan ang kamay ko. Hinipan nya ang namumula kong kamay. Para syang anghel habang hinihipan ang kamay kong namamaga dahil sa pagkakahampas nya sakin.

Napatitig nalang ako sa kanya. Naramdaman kong di na gaanong sumasakit ang pagkakahampas nya sakin.

“Ngiting aso ka na naman.” Binitawan nya ang kamay ko saka tumingin sakin.

“Bakit mo kasi hiwakan kamay ko. ?”

“W-wala lang. Ipupunta sana kita sa Parking lot.” Pagdadahilan ko. Pero di naman talaga yun ang dahilan.

“Eh bakit kailangan mong hawakan ang kamay ko ?” tanong nya sakin habang nakataas ang isa nyang kilay.

“Kasi mali ang dinadaanan natin. Nandun ang parking lot.” Sabay kong itinuro ang parking lot malapit sa may Chapel medyo katabi ng Fountain.

“Alam ko kasing di ka makikinig sakin pag sinabi ko sayong mali ang dinadaanan natin.” Dagdag ko pa. Nag-pout ako para mukha akong nakakaawa. Ang galing kong umarte shet.

“Eh bakit ba kasi tayo pupunta sa parking lot ?!” tanong nya ulit sakin.

“Kasi nandun ang motor ko. Walang malapit na Fast Food dito. Ayokong mag commute.” Sagot ko sa kanya. Buti nalang ang galing kong magsinungaling at napaniwala ko sya agad.Agad naman syang tumahimik saglit.

Nagsimula na syang maglakad papuntang parking lot. Napansin nyang nakatayo lang ako dito habang hinhipan ang kamay ko katulad ng ginawa nya kanina. Humahapdi na naman kasi.

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon