SY13: True Feelings

36 2 0
                                    

Andy’s POV:         

Agad agad kong iniwan si Doreen at pumunta kay Raff.

Bakit kaya ? Siguro dahil dun sa Project Plan na naka-assign sa High School department para sa Foundation Week ng Elmore University.

Aish. Pag ganito talagang nalalapit na ang araw na iyon ay nagiging busy ang lahat. Di pwedeng magpa-petiks petiks lang. Kailangan ako ni Raff dahil ako ang Vice President. Agad agad naman akong pumunta sa Student Council at pinagawa sakin ang Project Proposal.

Siguro’y aabutin pa ako ng gabi dito, Pero malapit na akong matapos kailangan ko lang i-finalize ang proposal na ‘to.

Tinignan ko ang relo ko. 6pm na pala. Nagpatuloy na ulit ako sa ginagawa ko para mapabilis na.

Nang natapos ko ay saktong dumating naman ‘tong si Raff.

“Ano okay ka na Andy ?” Tanong sakin ni Raff.

“Oo tapos na. Ireview mo nalang kung gusto mo. Ha? Aalis na ako. Di ako nakapagpaalam kay Doreen maski kay Mommy na ganito ang uwi ko.” Pagbibiro kong sabi sa kanya.

Nagpaalam na  ako, Pero bago ako umalis ay nagsalita si Raff.

“Mukhang napapalapit si Clyde kay Doreen ah ? Napapansin mo ba ‘yon ?”

Di ko na sana papansinin ang sinabi nya dahil alam kong madadagdagan lang ulit ng bato ang nararamdaman kong galit kay Clyde kaso may sinabi pa sya..

“Kanina lang nahimatay daw si Doreen, Si Clyde ang nagtakbo sa kanya sa Clinic. Kung di mo sana iniwanan si Doreen edi ikaw sana ang kasama nya ngayon sa Clinic.”

Halatang nangaasar sya.

Di ko napigilan ang sarili ko. Umalis ako sa kwartong iyon. Binagsak ko ang pag-sarado ng pinto.

Hayop ka Raff. Kung di lang kita matalik na kaibigan ay ginawa ko na sana sayo ang ginawa ko kay Clyde nung nakita kung magkasama sila ni Doreen. Pero hindi. Ayokong masira ang pagkakaibigan namin lalo pa’t nabawasan na kami ng isa noon.

Pero teka. Nasa Clinic pa kaya sya ngayon ?

Napagdisisyunan kong pumunta sa clinic, pero wala na daw sila Doreen doon.

Kanina pa daw umalis.

Sinubukan ko namang tawagan si Doreen pero hindi nya sinasagot. Lalo lang akong nagalit ng maalala kong kasama nya si Clyde.

“Puta naman oh.” Bulong ko habang naglalakad paalis sa University. Wala na akong nagawa kaya napagdisisyunan ko nalang na umuwi. Gusto kong palayuin si Doreen kay Clyde kaso baka mangyari ulit yung nangyari nung nakaraan. Ayokong magalit sakin si Doreen dahil lang kay Clyde.

Sa lahat ng tao si Clyde ang kinaiinisan ko. Di sya mapagkakatiwalaang tao. Ayoko sa kanya. Baka gaguhin lang din nya si Doreen kung magkataong mapalapit sya lalo dito. Pero anong gagawin ko ?!

Doreen’s POV:

Kasama ko sila Yaya Isabel at Ester, Pati narin si Kuya Bitoy dito sa sala. Nagmomovie marathon kami ngayon. Pangatlong movie na ‘tong pinapanuod namin. Last narin siguro ‘to.

Pero simula ng nagumpisa ang movie marathon na ito ay lumilipad din ang isip ko. Naiisip ko yung nangyari kahapon. Nangyari ba talaga yun ? Aish.

-Flashback….-                                                

“Dito ka lang Clyde. Wag mo kong iiwan.” Tangi ko lang nasambit habang dama ko parin ang panghihina.

Feeling ko parang binagsakan ako ng bato ngayon at di ako makatayo. Wala akong lakas.

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon