Cyrus Clyde’s POV:
“Nakakainis talaga yung lalaking yun” sabi ko na nakatingin sa kamao ko na may panyo nakatali at may konting tuyong dugo. Naglalakad na ako Pauwi ngayon, Nagcutting ako. Mas gugustuhin ko pang tumakas at hindi umattend ng klase kaysa Makita ko ulit yung lalaking yun. Tss. Inis na inis talaga ako sa kanya. Ang lakas ng loob nyang sabihin yun sakin at sa buong klase. Ampon. Tss
Di ko na namalayang nasa harap na pala ako ng bahay namin. Agad ko namang binuksan ang pinto. Sinalubong ako ng alaga naming aso na si Ren, Isa syang Labrador.
Pumasok ako sa pinto ng bahay nami’t binati ako ng Mama ko. Si Eomma Ji Hyun. Oo tama si Mark, Ampon ako. Tama sya, Simula kasi ng iniwan ako ng tunay kong ina, si Eomma Ji Hyun na ang nag-aalaga sakin. Kapatid sya ni Papa. Ang sabi sakin ni Eomma, Di daw tanggap ng pamilya ni Appa si Mama dahil masyado pang bata si mama, isa pa isa syang Filipina kaya siguro napilitang ipaghiwalay silang dalawa. Ewan ko ba. Ayaw nila atang mahaluan ng ibang lahi ang pamilyang Choi. Pero kahit ganun di pinaramdam sakin ng pamilya nila Papa na isa akong pagkakamali. Isang Choi talaga ang turing nila sakin. Siguro nagsisisi narin sila sa ginawa nila kay Mama dati kaya sakin sila gumaganti. Minsan nga pilit kong hinahanap si Mama kaso wala talaga akong ideya kong nasan na sya. Hays. Pero okay lang, Si Eomma Ji Hyun naman ang pumapalit sa mga pagkukulang sakin ni Mama. Isa pa’t sinabi narin sakin ni Eomma na wag kong kamuhian si Mama dahil lang iniwanan nya ako, Siguradong hindi naman kagustuhan ni mama ‘yun noon.
“Oh. Ang aga mo ata ngayon !? Teka, Napano yang kamay mo Clyde !?” Bigla akong nabalik sa realidad nung narinig ko ang tanong ni Eomma na nagaalala. Ah. Oo yung kamay ko. Pfft
“P-po ? Wala ‘to Eomma!” ngumiti lang ako kay eomma na kasalukuyang palapit sakin at may hawak na pang-gamot.
“Anong wala ? May mga dugo oh !” sabay batok sakin. “Sinuntok mo na naman ang pader ? Di ba’t sabi ko naman sayo wag mong ibubuntong ang galit mo sa Pader ? Kawawa ang pader anak!” Sabi nya habang nililinis ang sugat ko. Natawa ako bigla. Yan din yung sinabi ni Doreen.
“Tsaka nagcutting ka na naman. Yari ka sa Appa mo pag nalaman nya ito !” nakasimangot nyang sabi sakin. Nakakatuwa si Eomma kasi straight na ang tagalog nya. Di katulad dati ng lumipat kami dito sa Pilipinas nung Limang taong gulang palang ako eh baluktot ang dila. Nakakatuwa kasi naadopt narin nya ang lugar namin ngayon kahit papano. Di lang sya kundi buong angkan namin, Pano ba naman kinakausap nya minsan ang mga iyon sa tagalog pag napapadalaw sila Lola at Papa dito sa Pilipinas. Mahal na mahal nya ang pilipinas.
Hinalikan ko si Eomma sa pisngi at sinabihang magpapahinga lang ako saglit. Napagod ata ako sa ginawa ko kanina. Pumasok ako sa kwarto’t humiga sa kama. Isinuot ko ang black na headphone ko. Grabe napagod nga ata ako. Biglang pumasok sa isipan ko si Doreen. Naalala ko na. Doreen Iya Choi pangalan nya. Parehas kami ng apelyido. Di naman kaya kamag-anak ko sya ? Pfft. Di rin siguro. Halos magkakaparehas ang mga apelyido sa Korea, Baka nagkataon lang talaga. Tsaka kung kamaganak ko sya edi sana ipinakilala na sya sakin ni Lola bilang kamaganak sa tuwing may Family Gathering. Kaso di ko pa sya nakikita doon.
“Doreen Iya Choi, Ang ganda ng pangalan nya ha.” Bulong ko habang nakatingin sa kisame at nagiisip. Hmm. Yung babaeng yun, Biglang tumibok puso ko kanina eh. Ang lakas. Di sya normal. Siguro ginayuma nya ako. Nakakaakit kasi ang mala-Anghel nyang ngiti.
Binatukan ko ng mahina ang ulo ko. “Bakit mo ba sya iniisip Clyde ? Diba nga una mo syang nakita ay naisip mong weirdo sya at isa sya sa mga fangirl mo ? Tama ! Yun ang itatak mo sa isipan mo ! Isa sya sa mga obsess Fangirl mo!” napahinto ako bigla. Bakit ko ba kinakausap sarili ko. Baka marinig ako dito ni Eomma baka kung ano pang sabihin. Baka isipin nyang nababaliw na ako. Hays.
Pero, Kung isa nga sya sa mga nagkakagusto sakin. Bakit di sya katulad ng mga babae sa school na panay ang dikit sakin na parang linta at napakabait sakin. May iba pa ngang handang maging yaya ko para lang daw makasama ako. Nakakainis sila sa totoo lang. Pero sya, Nakakainis sya sa ibang paraan. Mukhang wala syang pakialam pero mabait sya. Mukhang Anghel pero may pagkamagaspang ang ugali na di mo nga naman talaga aakalain. Nasabihan pa ako ng Tanga na parang close na close na kami. Ang gulo nya.
“Hays. Bakit ko ba sya iniisip. Pfft?.” Nilakasan ko pa lalo ang volume ng music na pinapakinggan ko. Di ko namalayang nakatulog na pala ako.
Andy’s POV:
Bumalik ako sa classroom namin dahil tapos na ang vacant period namin. Wala si Ma’am Physics kaya pumunta na ako ng room para kunin ang mga gamit ko para makauwi narin. Last Subjet na kasi namin ang Physics.
Nadatnan kong may umiiyak na babae sa classroom namin. Isa sya sa mga kaklase namin. Binully na naman sya siguro ng mga kaklase ko.
“Tigilan nyo nayan… Wala naman kayong mapapala dyan eh” Nakangiti kong utos sa mga nambubully kong kaklase habang nililigpit ang mga gamit ko at ipinapasok sa bag ko. Agad naman silang sumunod sakin. Pero tiyak ko babalik sila ulit sa pambubully pag umalis na ako dito. Mga pasaway.
Lumabas na akong Room. Hinahanap ko ngayon si Doreen. Wala kasi sya sa classroom. San kaya nagpunta yun. Dala dala ko na ang bag nya kasi sabay kaming uuwi. Ako ata ang taga hatid at sundong dakilang bestfriend ni Doreen Choi.
Dumaan ako sa tapat ng CR ng Girls dahil sabi ng isang estudyante dito daw nya nakitang pumasok si Doreen kanina lang. Kaya’t inantay ko sya. Di naman nagkamali ang estudyante yun at lumabas nga mula sa CR si Doreen.
“Oy Pangit !” Sigaw ko at lumapit sa kanya para akbayan sya pero mas mabilis sya sakin. Sinampal nya ang kamay kong paakbay na sa balikat nya. Sayang.
“Bestfriend kita, Naega Namja Chingu Anni” nakapoker face nyang banat sakin.
“Wag ka ngang mag-korean dito. Nagmumukha kang alien. Ikaw lang nagsasalita ng ganyan dito”sagot ko sa kanya. At di nga ako nagkamali, Sumimangot sya sa akin bilang tugon. Sana’y na ako sa kanya. Ganyan naman yan lagi. Buti nga ay umaakto syang ganyan sakin. Sa iba kasi ay Mukhang syang walang pakialam at parang mababasag ka pag kinausap mo sya. Yun ang first impression sa kanya ng karamihan. Pero kung kikilalanin mo sya ay magbabago ang iniisip mo sa kanya.
“Pangit mo talaga. Halika na. Uwi na tayo.” Agad ko namang ini-abot sa kanya ang bag nya at nagdisisyon narin syang umuwi. Naglalakad lang kami pagumuuwi kami. Ito rin kasi ang gusto nya. Ayaw nyang magpasundo kay kuya Bitoy na driver nila.
Naglalakad kami ng bigla syang nagsalita.
“Andy,..”
“Bakit ? Magpapabili ka ba ng pagkain ? Wala akong pera ngayon.” Pagloloko kong sabi sa kanya, Pero sinimangutan nya lang ulit ako at nagpatuloy sya sa sinasabi nya. “Kilala mo yung Cyrus ng 4-Galileo ?” Tanong nya sakin.
“Ah yun ba. Oo. Bakit ?” sagot ko sa kanya.
“Wala lang. Paano mo nga pala sya nakilala ?” bigla akong napaisip sa tanong nya sakin. Pano ko nga ba nakilala ang Cyrus Clyde nayun ? Ang alam ko kasi ay kinalimutan ko na. Sinadya kong kalimutan.
----
BINABASA MO ANG
Still You
Teen Fiction“Akala ko pag mahal nyo na ang isa’t isa, kayo na FOREVER. Pero di pala ganun kadali yun kasi nothing lasts FOREVER.” –Doreen