SY25: End of Happy Ending

23 2 0
                                    

Author’s Note: Hello ! Halata naman sa Title ng Chapter na ‘to, “End” na po sya. Pero di po ending as in tapos na ang Kwento ha ? Ibig sabihin ay tapos na ang Past na part ng pagku-kwento ni Doreen ! *pasabog confetti* Yehey XDD! So ito nap o ay parang bagong season, Ahe :’> ! Nasa Present na po ito, So sana wag kayong maguluhan kung may mga kakaiba sa mga binabasa nyo. Part parin ‘to ng book, Continuation parin. Gets ? Okay~ Enjoy :D !

Third POV                                                   

(PS: Balik tayo sa Chapter 1. Naalala nyo pa yung Chapter 1 kung saan may dalawang babaeng naguusap sa Coffee Shop? Eto yung scene na ‘to. Okay ? Si Doreen at si Alex ang naguusap. Hihi)

“Gara naman Friend !” sagot ng babae sa kausap nya.

Napatingin si Doreen sa labas ng Coffee Shop, Tumigil na pala ang ulan. Di rin pala tumagal ang malakas na ulan, siguro’y mga 30mins silang namalagi sa Coffee Shop.

“Na-Love at First Sight ka sa isang Boy sa tapat ng Library, At nakilala sya lalo. Ang haba ng hair mo dahil nag-away ang dalawang grupo dahil sayo. Naging kayo at naging First Boyfriend ang Boy na sinasabi mo dahil pumunta sya sa Busan at doon nagpropose. Naging Ms. Senior at Mr. Prom kayo at grumaduate kang Salutatorian, Pero sinasabi mong di mo parin nakakamit ang Happy Ending mo ?” tuloy tuloy nitong sambit at para bang isinamarize ang ikinwento sa kanya ni Doreen habang nastranded sila sa Coffee Shop.

Tumango lang si Doreen kay Alex. Tumayo sya at iniligpit ang gamit nya.

“San ka pupunta ?” tanong ni Alex

“Uuwi na” Sgot naman ni Doreen at ginawa ang lagi nyang ginagawa dati, Ang mag-poker face

“Di pa nga tapos yung kinikwento mo eh !” pagrereklamo ni Alex at pinigilan si Doreen.

“Tapo na yun.”

“Hindi pa ‘te !”

“Tss”

“Ang ikli ikli kaya nun !”

“Yun nga, Kasasabi mo lang diba ? Yun na yung Summary. Wala na akong idadagdag”” sagot ni Doreen at umalis sa kinauupuan nya at nagsimulang maglakad palayo.

Sumunod naman agad si Alex,

“Paano kayo Nagbreak nung Guy ?” Sambit ni Alex , Napahinto si Doreen sa paglalakad.

Npamura lang sya sa isip dahil sa sinabi ng kaibigan.

Nakatyo lang si Doreen na para bang natnga dahil narin sa tanong ng kaibigan.

“Nakalimutan ko gamit ko ! Nakakaloka ‘to !” pagrereklamo ni Alex na kakagaling lang sa mesa nila dahil kinuha ang gamit. Napatingin sya kay Doreen na nakatayo lang.

“Girl, Ano ? Naging Statue ka na ?” sambit nito kay Doreen. Bumalik naman si Doreen sa realidad.

Naglakad silang sabay palabras ng Café. Dumiretso sa Parking Lot at Bumalik sa University nila dahil Break Time nila ngayon.

Si Doreen ang nagmaneho papunta sa School nila gamit ang Kotse nya. Nakarating naman sila ng ligtas at dumiretso sa Room nila.

“Oy ! Doreen ! Kanina pa kita hinahanap !” sigaw ng isang bakla na sinalubong sila sa Hallway,

“Kailangang sumigaw JC ?” pagrereklamo ni Alex.

Napasimangot lang si Doreen sa inaasal ng mga kaklase.

“Bakit ?” tanong nito kay JC na kung tawagin ng lahat pero ang tunay nitong pangalan ay John Carlo.

“Te ! Hinahanap ka ni Mr. Dean ! Nakakaloka ka !” halatang kabadong sambit nito.

“Eh ?” singit naman ni Alex

“Te Dali ! Dahilan pa naman namin kay Mr. Dean na umlis ka lang saglit.” Sambit ng Baklang kausap nila

“Bakit ka kasi Nag-sinungaling ?” tanong naman ni Doreen na naguguluhan.

“Ampupu Girl ! Nandyan na sya !” habang kinukurot ni Alex si Doreen ay sumulpot sa harap nila ang Dean ng College nila

“Ms. Choi. Nice to meet you” nakangiti nitong bati kay Doreen.

Nabigla si Doreen, Napa-Bow sya sa harap ng Dean.

“You’re so Down to Earth Ms. Choi. Guess I am not surprise that they choose you” sambit muli ng Dean habang nakangiti ng todo.

“S-sir ?” nagtatakang tanong ni Doreen. Di nya alam talaga ang nangyayari.

Maski sila JC at Alex ay nameme habang nakatayo sa likod ni Doreen.

“Let’s Go to your Classroom, This may be more special if the Whole Class will know.” Pag-aaya ng Dean at nagsimulang maglakad papunta sa Room nila Doreen.

Naiwan sila Doreen na medyo natanga.

“Hala ka Girl ! anong ginawa mo ?!” Tanong ni Alex

Di naman sumagot si Doreen at biglang kinabahan.

Nagsimulang syang maglakad upang pumunta narin sa room nila.

“Great Morning Mr.Balagtas” Bati ng buong klase sa Dean

Ngumiti naman ang Dean bilang sgot.

Pumasok sila Doreen sa pinto at napangiti ang Dean.

“Class, Please Congratulate our Cum Laude for our Department”

Nabingi ata ang lahat sa narinig nila dahil nangibabaw ang katahimikan sa Room nila.

“Ms. Doreen Iya Choi is the Cum Laude of the Marketing Department !”

“What ?” tanong ni Doreen ng pasigaw dahil sa Bigla. Di sya makapaniwala.

Sabay na nagpalak-pakan ang lahat ng estudyante sa Room at nagsitayuan.

Habang si Doreen ay biglang napaiyk dahil sa sinabi ng Dean.

“Seryoso ba sya ? Di sya nagjo-joke ?” tanging nasa isip lang ni Doreen.

“Congratulation Ms. Choi” bati ng Dean at inilahad ang kamay para makipagkamay.

Iniabot nya ang kamay nya at nakipagkamay sa Dean. Paulit ulit syang nag-bow habang hawak ang kamay ng Dean. Lumilitaw ang dugong Koreana nya.

“Thank You po talaga” pa-ulit ulit nitong sambit habang tumutulo  ang luha nya at nag-ba-bow sa harap ng mga classmate.

Lumabas ang Dean sa Room nila para makapagdiwang narin sila.

“Congrats Iya !” Sabay niyakap sya ng lalaking pinakamamahal nya.

Si Andy.

Niyakap naman sya ni Doreen. Pinatahan nya ang babae.

Tumahan si Doreen at niyakap sya ng buong klase.

“Waaaa~ ang galing galing mo Bestfriend !” paiyak na sambit ni Alex  at niyakap sya ni Doreen.

Lahat ay tuwang tuwa dahil sa balitang hinatid ng Dean sa klase nila.

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon