SY23: Best Gift Ever

35 1 0
                                    

Raff’s POV

Feb. 15, 20--

Hello first POV ko ba ‘to ? Hahaha. So ayun, Kilala nyo naman na ako diba ? Ako ang Class President ng 4-Newton (1) at ang President ng Student Council ng High School Department ng Elmore University.

Katatapos lang ng Valentine’s Day kahapon, Linggo. Anong ginawa ko ? Nakipagdate sa mga school papers dito sa headquarter ng Student Council. Tss. Lagi namang ganito. Kulang na nga lang eh tumira ako dito at dalhin ang mga gamit ko sa bahay.

Masaya ako dahil mukhang magiging Happy Ending para samin lalo na sa Bago kong Barkada bago pa man sumapit ang Graduation. Si Clyde at Doreen magsyota na. Ano kayang ginawa nila kahapon ? Si Andy naman masaya na daw sa pagiging bestfriend kay Doreen, Ipapaubaya muna daw niya ang responsibilidad niya kay Doreen at ipapasa kay Clyde. Kahit papano’y nakaka-adjust narin siya sa situation nila Clyde at Doreen.

Minsan nga’y naiisip kong naiinggit ako sa dalawang ‘yon. Buti pa sila masaya sa isa’t isa, Samantalang ako ay masaya lang sa pagsisilbi sa buong High School Department. Okay lang naman sakin dahil ito ang kasiyahan ko, Tska onting tiis nalang ay makakagraduate na kami.

Bumalik ako sa realidad ng naalala kong kailngan kong kunin sa Adviser namin ang isang folder na naglalaman ng Top sa klase namin. Medyo kinakabahan ako.

Dumiretso ako sa Faculty room at pumunta na din sa Room namin.

Nadatnan kong maingay ang klase namin, Ganyan naman yan lagi simula 1st year.

“Guys, Makinig muna kayo.” Sigaw ko sa mga kaklase ko. Nakinig naman sila at umayos ng upo.

“Hawak ko ngayon ang Top 10 sa klase natin, Ia-announce ko daw ngayon sabi ng adviser natin.” Bigla silang nagbulungan. Napatingin naman ako kay Doreen. Kalmado ang mukha at nakatingin lang sakin diretso na para bang sinasabing ‘Sabihin mo na’.

Nakikita ko ang confidence sa mukha nya lalo pa’t si Doreen lang naman ang karibal ko pagdating sa mga ganitong patalinuhan sa klase. Simula kasi ng 2nd year kami’y lagi nalang syang 2nd, Ako ang 1st. Medyo kinakabahan ako dahil maari nyang maagaw sakin ang pwesto. Sa totoo lang tinuturing kong kakompetensya si Doreen paminsan minsan kahit na Bestfriend ko siya. Syempre sa loob lang ng klase, Mahalaga kasi ito para sakin.

“Tumahimik kayo !” nabigla ang lahat ng dumating ang adviser namin, Si Ms. Rivera at pumasok sa classroom.

Tumahimik nga ang lahat at pinaumpisa na saking ipabasa ni Ma’am ang mga nakasulat sa Folder.

Kinakabahan ako bago basahin ito.

“Top 10-1” sambit ko saka napabuntong hininga.

“Top 10: Bernadette Castro

Top 9: Courtney Martinez

Top 8: Jai Rie Castillo

Top 7: Princess Guzman

Top 6: Andy Lee” napahinto ako ng napasigaw si Andy at napatayo sa kinauupuan nya. Napunta ang buong atensyon ng klase sa kanya. Nhiya naman siya agad at umupo. Baliw talaga.

Tinuloy ko na ang pagbabasa.

“Top 5: Na-Mi Kim

Top 4: Lucas Suarez

Top 3: Cristalyn Joyce Villanueva..” napahinto ako dahil sa nakita ng mata ko.

Tama ba ‘tong nakikita ko ?

“Top 2: Doreen Iya Choi and Top 1: Raphael Lopez” napatingin ako agad sa teacher ko na kasalukuyang ngiting ngiti sakin. Sabay sabay namang nagpalakpakan ang mga kaklase ko.

Still YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon