Andy’s POV
January 5, 20--
Pumasok ako ng gate ng University. Balik eskwela na naman kasi.
Parang wala lang nagbago, Ganun parin. Nakakalat kung saan ang mga estudyante sa loob ng Campus. Maingay. Magulo…
And as usual, Sisimulan ang Unang lunes ng pasukan ng Bagong Taon sa Gymnasium dahil magpa-Flag Ceremony. Nakakatamad. Mamimiss ko ang bakasyon…
……….
“Anong ginawa nyo nitong Long Vacation ? Ano ang New Year’s Resolution nyo ? Isulat nyo yan sa papel at pagkatapos ay ipapasa nyo sa Class President dahil ibibigay nya yan sakin. Di tayo magkaklase ngayon dahil As You can see sa Gymnasium kanina ay walang masyadong teachers na umaaligid. Nasa bakasyon pa ata.” Bilin samin ni Dr. Salting, Ang Principal.
Dumadaan kasi siya sa room ng bawat section at year. Wala ngang teacher kanina, Kung meron man bilang lang sa isang kamay. Mas mabuti narin ‘tong ganito kaysa simulan nila magklase sa unang araw palang ng pasukan ng bagong taon. Pfft.
“And Also, You may go around the Campus after this but please, Wag kayong magcutting. Masama yun Children ! Gigilitan ko kayo ng leeg pag nahuli ko kayo, Pero syempre joke lang. Oh diba may Joke ? Nagkakaintindihan ba tayo mga magaganda at poging magaaral ng Elmore High ?” Energetic na sabi ng Principal namin. :3
Sumagot naman kami sa kanya. Pfft. Ginagawa niya kaming bata. Hayss.
Umalis siya ng room at naiwan kami upang gawin ang ibinibilin niya samin.
“Tapusin nyo muna yung pinapagawa ni Dr. Salting. Tapos pwede na kayong lumabas. Mga 1 oras lang siguro ang kakaining oras niyan diba ? Ayos na ba iyon ?” pagpapaliwanag ni Raff.
“Oo okay nay un. Simulan na natin para matapos na.” sagot ko naman. Talagang simulan na naman dahil naiinip na ako.Laging ganito na lang ang pinapagawa tuwing Back to School. Dapat pala di na ako pumasok -_-
Napalingon ako sa upuan na katabi ko, Upuan ‘to ni Doreen.Di siya pumasok ?
Napatingin kami sa pinto ng may dumating. Si Doreen lang pala. Akala namin kasi Teacher na.
“Good Morning” bati niya saka dumiretso sa tabi ko.
“Good Morning Doreen” bati ko sa kanya nang nakaupo siya.
“Walang teacher ?” tanong niya.
Ipinaliwanag ko naman sa kanya agad. Naguusap kami ngayon ng parang normal lang. Yung parang di nangyari yung nakaraang drama. Eh parang wala rin naman sa kanya kaya di ko narin ipinapaalala. Mamaya nalang siguro ako magso-sorry.
Tumango naman siya ng na-gets nya ang sinabi ko. Sinimula narin niyang gawin ang pinapagawa samin at bumalik narin ako sa ginagawa ko.
“Sorry pala. Alam ko last year pa yun. Pero nagso-sorry ako sayo ulit. Sana kalimutan na natin yun, Sana magkaayos na tayong lahat. I’m expecting that Andy.” Napalingon ako ng nagsalita siya. Ngumiti siya. Ang Ngiti nyang mala-anghel.
“Oo ba.” Sagot ko saka naramdaman kong niyakap niya ako.
Niyakap ko din siya. Namiss ko ‘tong babaeng ‘to.
Tinanggal niya ang pagkakayakap sakin saka ngumiti ulit. Bumalik siya sa ginagawa niya kanina.
Gumaan ng husto ang nararamdaman ko.
Mali pala ako, Ang saya palang simulan ng first day of class ngayong bagong taon lalo pa’t alam mong may magbabago.
Siguro nga kailangan ko naring kalimutan ang samin ni Clyde pati kay Raff. Maski yung kay Sandy.
BINABASA MO ANG
Still You
Teen Fiction“Akala ko pag mahal nyo na ang isa’t isa, kayo na FOREVER. Pero di pala ganun kadali yun kasi nothing lasts FOREVER.” –Doreen