YANNO'S fingers slowly taps on the baluster of the balcony. Five minute countdown na lamang bago ang pinakahihintay na fireworks display. Eksaktong alas siete ng gabi ay sasabog sa kalangitan ang iba't ibang kulay ng liwanag. Naroon siya at si Eloisa sa ikatlong palapag ng bahay ng mga ito. Nasa town proper ng Calapan ang bahay ng mga Garcia. Sa harap niyon ginaganap ang pagsisindi ng fireworks.
Pagkatapos niyon ay ang simula na ng party na ayon sa kasintahan niya ay inaabot raw ng hanggang madaling-araw. Sa malawak na harapan ng bahay ng mga Garcia naroon ang lahat ng mga pagkaing handa sa isang napakahabang mesa. Open para sa lahat ng mga mamamayan ng Calapan ang handaang iyon.
Pagpatak raw ng ten o'clock ay simula na ng sayawan hanggang madaling-araw.
Nilingon niya ang kasintahan na nakatingin sa ibaba. Nagsisimula ng dumami ang mga taong naroon rin para mag-abang sa fireworks at para na rin dumalo sa libreng kainan. Nang ikiling ni Eloisa ang ulo paharap sa kanya ay awtomatikong gumuhit ang ngiti sa labi ni Yanno.
She's a real beauty. Her skin was slightly lighter than honey. Her eyes were black just like her hair. Matangos ang ilong nito at maganda ang hugis ng mga labi. She's sexy and sweet and she has the same passion as his. At higit sa lahat ay mahal niya ito at ganoon din ito sa kanya. Hindi siya ang klase ng lalaki na nagko-commit ng basta. Dito lamang niya ginustong maging honorable.
Umangat ang kanyang kamay upang haplusin ang mukha ng kasintahan. Her skin is soft. His touch lingers all throughout her neck and to her nape. Marahan niya itong kinabig. Unti-unting bumaba ang mukha niya upang hagkan ito nang pigilin siya ng sunod-sunod na putok.
Halos sabay pa silang napalingon sa itaas. Napabungtong hininga na lamang siya dahil sa naudlot nilang romansa. Sumasabog sa kalangitan ang iba't ibang kulay. Nakatitig siya roon subalit wala roon ang buong pag-iisip niya.
Sa mga sandaling ito ay dapat na nagpo-propose na siya, Napapalunok siya habang marahang kinukuha sa bulsa ang singsing. Mahigpit niyang kinuyom sa palad ang singsing as if it's his lifeline at the moment. A certain feeling was suddenly clouding his heart.
I'm marrying Eloisa...
Sukat sa isiping iyon ay ginagap niya ang palad ng kasintahan. "Eloisa, sweetheart," marahang pukaw niya rito.
Nagre-reflect sa mga mata nito ang liwanag ng fireworks. "Bakit?" clueless na tanong nito na agad na ibinalik ang mga mata sa itaas. Clearly she has no idea of what he was about to do.
Huminga siya ng malalim. It's now or never. "Will you marry me?" walang gatol na tanong ni Yanno.
Pabigla itong lumingon sa kanya. Shock was written all over her beautiful face. "Anong sabi mo?"
Iniharap niya rito ang kamay at unti-unting ibinukas ang nakatikom na palad. "Will you marry me, Eloisa Garcia?" sa ikalawang pagkakataon ay tanong niya rito.
Gumuhit ang malawak na ngiti sa labi nito. She presented her hand to him. He immediately put the ring on her finger. Her eyes were sparkling as she stared at the ring. Pagkuwa'y kinabig siya ni Eloisa at hinagkan sa labi. He willingly responds to her kisses. Ipinaikot niya pa ang mga braso sa baywang ng kasintahan habang lalo pang pinalalim ang halik.
This is the beginning of it.
BINABASA MO ANG
Pagkakataon (Kanaway Book 5)
Romance"Kung nasaan ka man ay naroon din ako. And that won't be a sacrifice. That would be love." Years ago, Yanno de Gala met a beautiful stranger named Angie. Minahal niya nang totoo ang babae sa loob lamang ng ilang oras na kanilang pinagsamahan. Bu...