XXIV

2.4K 58 4
                                    

"THIS is so beautiful!" excited na wika ni Eloisa ng ilapag na sa harap nila ang kahita kung saan nakabaon ang wedding rings.

Si Eloisa ang namili ng mga iyon. White gold at may maliliit na diyamenteng nakabaon.

Para kay Yanno ay iisa lamang naman ang itsura ng mga wedding ring. He can't actually tell a silver band from a white gold. Tanging alahero lamang ang makapagsasabi, nakatitiyak siya sa bagay na iyon.

And gold... well, gold is gold. You can tell it from the others.

Saan nagkakaiba ang mga singsing? Sa presyo.

The engagement ring had caused him some chunk of money. And the wedding band? Big bucks. He didn't mind at all.

Wala sa pagsusukat ng singsing ang kanyang isip. He was watching the damn door. You know like in a horror movie. People are not supposed to open the door, nor look at it. Pero kapag may kaunting kaluskos lamang ay binubuksan na kaagad ng mga karakter ang pinto. And they get busted, their guts shatters everywhere.

Ano nga ba ang ibig niyang sabihin?

Sa sulok ng kanyang isip ay parang inaasahan na niya na papasok sa pintong iyon si Amelie. And he wanted to open the fucking door even if it meant dying. But then, that was impossible as well. Napakaraming jewelry store sa buong Metro Manila, o kung hindi man ay sa buong bansa.

Siguro ay masyado lamang siyang naapektuhan ng mga coincidences na nangyayari.

Yeah, right. Gannon din naman ang boutique, hindi ba at napakarami sa buong bansa?

Damn.

"Hey, sweetheart, isukat mo naman sa'kin? Parang practice na rin natin for next week?"

Bumaling si Yanno kay Eloisa. Her eyes were glowing. Tumango siya. "Sure."

Hawak ang singsing ay unti-unting ipinasok iyon ni Yanno sa daliri ni Eloisa. Ngunit... ni hindi niya iyon magawang maipasok hanggang sa kalahati ng daliri nito. Masikip ang singsing.

"What?" nanlalaki ang mga matang turan ni Eloisa.

"Uh... ito ba talaga iyon? Baka nagkamali lang sila," nakangiwing anas ni Yanno.

Kinuha ni Eloisa ang singsing at sinilip ang loob niyon. "Ito nga iyon. Mga pangalan natin ang naka-engrave." Sa pagkakataong iyon ay si Eloisa naman ang nagsukat ng singsing. Subalit talagang hindi iyon magkasya.

"This is bullshit," hindi niya mapigilang hindi isatinig. He was thoroughly irritated by this.

"It's okay, sweetheart," maya-maya ay wika ni Eloisa. "May panahon pa naman tayo."

Tumango na lamang siya. Naisip din niyang isukat ang kanyang band. Kahit medyo masikip ay nagawa niya iyong pagkasyahin sa kanyang daliri.

"That's a relief," komento ni Eloisa. Ngunit saglit lamang ay nagbulalaas muli ito. "Oh––they're here! What a surprise!"

He inhaled sharply. Gusto niyang itanong kung sino ang tinutukoy nito kahit pa ang tunog ng babala sa kanyang isipan ang nagsasabi kung sino ang mga dumating.

"Look, sweetheart. The same people in the boutique," muling wika ni Eloisa ng hindi makakuha ng response mula kay Yanno.

Unti-unting nag-angat ng paningin si Yanno at tumingin sa direksiyon ng pinto. Indeed it was them.

This is not making any sense. Napakaraming jewelry store sa buong bansa. Bakit dito pa? At bakit ngayon rin?

Gusto na lamang niyang magsisigaw sa labis na frustration.

God, why are you doing this to me?

HE DOESN'T want to see her anymore. She's just a distraction. She's not Angie. The girl he met and adored and he was pretty damn sure he fell in love with was dead. Tanggap na niya iyon. But even so, he still had the urge to look at Amelie's face at every opportunity. At tanggap na rin niya na talagang magkikita at magkikita sila.

It must be fate telling him that they're supposed to see each other... be with each other. Or not.

Ipinilig niya ng bahagya ang ulo dahil tila naririndi na siya sa malakas na tunog na nagmumula sa speakers.

Naroon siya ngayon––kasama ang marahil ay sampu sa kanyang mga malalapit na kaibigan at halos lahat ng mga pinsan niyang lalaki––sa penthouse ng isang hotel na nirentahan ni Migo para sa buong gabi.

Tonight is his bachelor party.

Kung noong isang buwan siguro ito ginanap ay baka nag-e-enjoy siya. O kung hindi lamang sana nakakabaliw ang mga pangyayari nitong nakaraang araw. But no. Everything's crazy. And getting crazier.

Pitong araw na lamang at ikakasal na siya.

Nagulat siya ng bigla na lamang ay may nagpiring ng kanyang mga mata mula sa likuran. Nagkakaingay ang paligid.

Uh-oh. Parang hindi niya magugustuhan ang mga susunod na pangyayari. Habang inaakay siya sa paglakad ng mga nakapaligid sa kanya ay parang umaalon ang kanyang dibdib. Not in anticipation but in dread.

"Relax, man. You're gonna enjoy this!"

Sa kabila ng ingay ay nabosesan ni Yanno ang kapatid. Of course, his brother was the only one who can pull off this thing. Pero tiyak na tinulungan din ito ng ilan niyang kaibigan. Kung mag-e-enjoy man sa nakatakdang mangyari ngayon ay ang mga ito lamang.

His married and committed cousins like Achaeus, Brien and Dash wouldn't dare hire a stripper. At sa palagay ni Yanno ay iyon lamang ang dahilan kaya't piniringan ang kanyang mga mata.

Matapos ang ilang hakbang ay pinaupo siya. Sukat roon ay mas lalong lumakas ang hiyawan. Hindi siya maaring magkamali na gumagalaw ang kanyang kinauupuan. Ipinatong niya ang mga brason sa magkabilang armrest.

Umalingawngaw ang maharot na tugtugin sa buong paligid. Scary. Ikiniskis niya ang mga braso sa armrests ng matigilan siya.

Wait––what the fuck is this? Is this a wheelchair?

Wala na siyang panahon na isipin iyon dahil naramdaman niya na may humawak sa kanyang mga kamay. Kasunod niyon ay nawala na ang kanyang piring. Isang babae na nakasuot ng uniporme ng pulis ang sumalubong sa kanya. With matching cap. Actually, hindi talaga pulis. Her skirt was too short for a policewoman. Kung kikilos ito ng kaunti ay makikita na niya ang panty nito.

She swayed her hips from left to right before getting closer and closer to him. Then she sat on his lap. The bloodthirsty audience screamed.

Hinawakan nito ang kanyang mga kamay at inihawak iyon sa magkabila nitong baywang. Sa ilalim lamang ng dibdib nito. Parang gusto niyang ilayo ang mga kamay but that'd foolish. Tiniis na lamang niya. Obviously ay marami ang nag-e-enjoy sa panonood sa lap dance na iyon.

Nang tumayo ang stripper mula pagkakakandong sa kanya ay tila nakahinga ng maluwag si Yanno. Ngunit saglit na relief lamang pala. Dahil lumapat ang magkabilang palad nito sa kanyang dibdib––clawing his chest. Lahat ng lakas ay kanyang ginamit huwag lamang siyang mapangiwi.

The woman seems beautiful. Subalit dahil sa kapal ng make-up ay parang nagmukha itong matured ng husto. She has nice hips too.

At mula sa pagkalmot sa kanyang dibdib ay umakyat ang mga kamay nito hanggang sa nagulat na lamang si Yanno sa biglang pagkawala ng kanyang tie. Hawak na iyon ng dancer. At pagkatapos ay ipinulupot nito iyon sa kanyang leeg. Itinukod nito ang magkabilang tuhod sa armrests ng wheelchair. His hands were on her waist.

She was holding the tie for leverage habang ang isang kamay nito ang nakahawak sa controller ng wheelchair.

She did unspeakable things, grinding and pounding against him. At kung paano nito naalis ang top at naiwan na lamang ang strapless bra? He had no idea. Siguro ay may isang kamay pa ito na nakatago sa likuran.

Subalit sa lahat ng exhibitions na iyon ay hindi siya naapektuhan. Nope. Ni hindi siya natuwa. At hindi na siya makapaghintay na matapos iyon.

Pagkakataon (Kanaway Book 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon