SHE was tapping her fingers on the armrest of the sofa. Amelie was feeling sick.
Bakit ba nangyayari ang lahat ng ito? Talaga bang sa lahat na lamang ng puntahan niya ay parating lilitaw si Yanno de Gala?
Nasabi na ni Danny na mga de Gala ang napipisil ng korporasyon ng mga ito upang siyang mag-handle ng itatayong condo building. Pero bakit kailangang si Yanno pa? Kung alam lamang niya'y hindi na sana siya nagpunta pa rito. dapat ay tumuloy na siya sa boutique kung saan niya ipinatahi ang kanyang wedding gown.
A few hours has passed by. Makailang ulit na pumasok ang sekretarya ni Danny sa loob ng opisina ito upang magtanong kung may kailangan siya.
Wala siyang kailangan. Ang gusto lamang niya'y makaalis na rito ng hindi sila muli nagkikita ni Yanno.
Makalipas pa ang ilang sandali ay nagpasya siyang tumayo at magpalakad-lakad sa loob ng opisina ni Danny. Malawak ang loob niyon at komportable. May visiting area, maraming bookshelves at maaliwalas. You can see what's happening outside dahil salamin ang dingding niyon.
Which is not really a good thing because... right now she was seeing what is happening outside. Katapat lamang ng opisina ni Danny ang conference room. Kaya ng bumukas iyon at nagsimulang maglabasan ang mga tao ay nakita niya na lumabas mula roon si Danny. He was talking to a few people. Two people actually.
At isa sa mga iyon ay ang tao na hindi niya gustong makita.
Hindi niya gustong makita subalit hindi rin niya mapigil ang sarili na huwag tingnan.
Yanno must be one or two inches taller than Danny. He was bigger too. In fact, one could easily spot him in a room full of men wearing the same clothing. He exudes an aura that made him extinguishable.
Nang mag-angat ito ng paningin at tila tumingin sa kanyang direksiyon ay pabigla siyang pumihit.
Did he saw her looking at him?
Napahinga siya ng malalim. Hindi tama ang mga ginagawa at iniisip niyang ito. She's ashamed of herself. Nakukuha niyang tumingin sa ibang lalaki kahit ayun lamang din ang kanyang fiancé.
Hindi siya lumingon. Nanatili siyang nakaharap sa mesa ni Danny hanggang sa narinig niya ang boses ng kanyang fiancé.
"Hey, baby."
May nakahandang ngiti sa mga labi ni Amelie ng siya'y lumingon. "Hey." Lumapit siya kay Danny. He gave her a light peck. "Tapos na ang meeting mo?" kunwa'y interesadong tanong niya.
"Yes. It went really well," his face was lighting up. "And guess what? You remember that guy who knows Angelika? Siya ang isa sa mga representatives na nag-present kanina. We've given them the deal."
Nagpilit siyang panatilihin ang ngiti. "Glad to hear that."
They sat on the couch while his arms were around her shoulders. Pinakatitigan niyang mabuti si Danny. He was a handsome young man. Sa edad nito na dalawampu't walo ay malaking bahagi na ang ginagampanan nito sa pagpapaunlad ng realty business ng pamilya nito.
He was handsome in his own way. Though the first time she saw him, she thought he was too boyish. Because he was too neat and more on the laid back side. His black hair was cut short at maayos na nakasuklay sa lahat ng pagkakataon. Hindi minsan man ito nagsuot ng shirst at shorts sa tuwing lumalabas ng bahay.
But even so, alam niya na maraming babae ang handang gawin ang lahat mapunta lamang sa posisyon niya. That makes her really humbled and grateful that he was the man she's about to marry.
"Danny..."
"Hmm?" he looked her in the eyes.
She leaned closer and kissed the tip of his nose. "I love you."
He smiled. "I know. And I love you, too."
At ang maitim na ulap na panandaling tumatabing sa tiyak niyang hinaharap ay nahawi. She's marrying the man she loves who loves her in return. That is what's happening. Mga hindi sinasadyang pangyayari lamang ang mga distraction na nangyayari sa kanya and not the freaking acts of destiny.
Hindi na siya naniniwala sa bahay na iyon ngayon. She makes her own destiny. At ito ang gagawin niya mula ngayon.
Until they went to fit her wedding gown. Kapwa sila ni Danny hindi naniniwala sa mga sinaunang pamahiin tungkol sa pagsusukat ng damit. Paano na lang kung masikip pala ang gown at may ilang detalye na kailangang i-adjust? So, yep. Kailangan talagang i-fit.
And guess who's on the boutique?
Yes.
Si Yanno na naman. Tila isang masamang biro.
Yanno here, Yanno there, Yanno everywhere...
BINABASA MO ANG
Pagkakataon (Kanaway Book 5)
Romance"Kung nasaan ka man ay naroon din ako. And that won't be a sacrifice. That would be love." Years ago, Yanno de Gala met a beautiful stranger named Angie. Minahal niya nang totoo ang babae sa loob lamang ng ilang oras na kanilang pinagsamahan. Bu...