SHE had been standing outside Yanno's house for almost half an hour. Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Danny ay doon siya sa Kanaway dumiretso. She followed her instincts. Nararamdaman niya na naroon si Yanno.
Subalit ngayong narito na siya ay hindi naman niya alam kung ano ang sasabihin sa lalaki. Sa huling pagkikita nila ay hindi naging maganda ang kanilang paghihiwalay.
She was sitting on the curb sa kabilang bahagi ng kalsada kung saan nakaharap ang pinto ng bahay ni Yanno. Hindi niya tiyak kung ano ba ang gusto niyang ma-accomplish sa pagtungo niya rito.
The next morning ay kailangan na rin niya kaagad na umalis. Susunduin niya sa airport ang kanyang mga magulang. And that's another thing. Kinakailangan niyang aminin sa mga ito ang totoo. She didn't know what to expect.
Maybe what she's doing right now is crazy and nonsense. Ni hindi nga siya sigurado kung naroon ba talaga si Yanno sa loob ng bahay nito. Though naroon ang kotse nito ay maari rin naman na naroon ito sa bahay ng isa sa mga pinsan nito.
Tumayo siya at pinagpagan ang pang-upo. Siya rin namang pagbukas ng pinto ng bahay. And right there and then, they were staring into each other. Hindi kumilos si Angelika. Hinintay niya ang unti-unting paglapit ni Yanno sa kanyang kinaroroonan.
"You're here," halos pabulong lamang na usal ng lalaki ng tuluyang makalapit sa harap ni Angelika.
His face has darkened with stubbles. And his eyes looked tired but still warm.
"Yes." Huminga ng malalim si Angelika. "Kumusta ka na?"
"I'm fine," unti-unting nagkakaroon ng sigla ang mukha nito. "Papunta ako ngayon sa bahay ng isa sa mga pinsan ko. It's his birthday. Would you like to come with me? No, let me rephrase that. Come with me?"
May matipid na ngiting sumilay sa kanyang labi. "Okay lang ba na sumama ako sa'yo?"
"Absolutely."
Wala silang imikan habang naglalakad sa may gilid ng kalsada. Though they were almost. Almost touching. Hindi iilang ulit na nagkadanggian ang kanilang mga kamay. Ilang paglakad pa at ginagap na ng tuluyan ni Yanno ang kanyang kamay. She gasped in surprise.
Nang tingnan niya ang mukha ng lalaki ay sa unahan ito nakatingin. But his eyes were beaming.
Hindi na siya nagprotesta. Magkahawak ang kanilang mga kamay hanggang sa makarating sila sa harap ng isang bahay na malawak na nakabukas ang pinto ay maliwanag na maliwanag.
Doon sapilitang pinaghiwalay ni Angelika ang kanilang mga kamay. Mukhang maraming bisita ang pinsan nito. At kahit pa intimate gathering lamang ito ay hindi pa rin magandang ideya iyon.
Ano na lang ang iisipin ng mga ito sa kanya? He's getting married really, really soon. And so is she.
"I don't think this is a good idea," usal niya.
"Please, Angie. Nandito na rin lang naman tayo. Hindi tayo magtatagal," pakiusap ni Yanno.
Tayo?
Oh, God. Napailing siya. "N-narito ba ang fiancée mo?" naisip niyang itanong.
Yanno's face had become serious. "I'm not getting married anymore. Nagpasya kami ni Eloisa na huwag ng ituloy ang kasal."
Umawang ang kanyang mga labi. Her heart somersaulted like crazy. "But... why... I mean... Eloisa have let you go?"
Mas lalong naging seryoso ang mukha ni Yanno. "Without a fight. Literally." Inilapit nito ang daliri sa kanyang mukha at hinawi ang ilang hibla ng buhok na kumawala. "I don't want to hurt her but I'll hurt her more kung itutuloy namin ang kasal."
BINABASA MO ANG
Pagkakataon (Kanaway Book 5)
Romance"Kung nasaan ka man ay naroon din ako. And that won't be a sacrifice. That would be love." Years ago, Yanno de Gala met a beautiful stranger named Angie. Minahal niya nang totoo ang babae sa loob lamang ng ilang oras na kanilang pinagsamahan. Bu...