XXVIII

2.4K 56 3
                                    

BECAUSE that is right. Because she really is Angelika.

Subalit hindi niya iyon aaminin kahit na anong mangyayari. Nag-iwas siya ng tingin bago pa tuluyang pumatak ang luha mula sa kanyang mga mata.

Siya na si Amelie. The moment her sister died, she had become Amelie. And she will always be Amelie for as long as she lives.

But it stung like hell. It hurts to much to be standing here beside this man and not able to tell him who she really is.

Pero choice niya iyon.

Mas lalong dumaloy ang kanyang mga luha. At ng madama niya ang pagkuha ni Yanno sa kanyang kamay ay nanigas ang buo niyang katawan. But she didn't dare look at him.

"Angelika."

Marahas siyang umiling. "I am not Angelika." She covered her mouth with the back of her hand to stop the sob.

Subalit hindi pa lamang nag-iinit ang kanyang kamay sa kanyang bibig ay inalis na iyon ni Yanno. Pinihit siya nito paharap at sinapo ang kanyang magkabilang pisngi. "You're trying to resist because you want to be with me, too. Dahil hindi mo rin ako makalimutan. Dahil may halaga rin ako sa'yo. It's not too late for us, Angie." At bago pa siya makasagot ay inilapat na nito ang labi sa kanya. Tila manyika siya na walang naging pagkilos sa kabila ng pananalakay ng mga labi nito. His mouth was moving frantically over hers.

Ngunit saglit lamang iyon. Marahil ay nadama nito na wala siyang reaksiyon kaya naman bumagal ang pagkilos ng mga labi nito. His hand moved to the small of her back and pressed her closer to him. His mouth was kissing her lips up and down with pure tenderness.

She sighed as she begins to respond. This is exactly the way he kissed her before. But more emotional and tender. His body was as firm and hard as she remembered it.

May mga pagkakataon sa nakaraan na natutulala lamang siya sa tuwing naaalala ang ilang sandaling pagsasama nila ni Yanno. She thought that the magical moment between them would turn into something else. She believed that it was fated to happen.

Until it all end. Nauwi sa bangungot ang lahat. At paggising niya ay tila isang panaginip na lamang ang lahat. Hindi na siya ang babae na nakasama ni Yanno noon.

Sukat sa naisip na iyon ay itinulak niya ang binata. Nakatitig siya rito sa nanlalaking mga mata. Taas-baba ang kanyang dibdib sa paghingal. Unti-unti siyang umaatras dahil nagsisimula na namang mamuo ang luha sa kanyang mga mata.

"I need to get away from you. Please, don't follow me," puno ng katigasang wika niya.

Sa sandaling tumalikod siya at nagsimulang lumakad palayo ay sunod-sunod na pumatak ang kanyang mga luha.

AN: Short update. Have a blessed day ahead of you guys! 😊

Pagkakataon (Kanaway Book 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon