PAGBALIK ni Yanno sa may mini bar matapos ang tila limang oras na sa totoo ay wala pang sampung minuto ay binalikan niya ang naiwan na baso na may lamang brandy. May laman pa iyon na kalahati na inubos na niya ng tuluyan.
Hindi pa siya nakuntento roon. pumasok pa siya sa loob ng bar at kumuha ng bote ng brandy. Mabuti at may natira pa. Kapag nasa paligid si Claude ay halos maubos na nito ang mga alak, partikular na ang brandy.
"Hi."
Pag-angat ni Yanno ng paningin, ang stripper ang sumalubong sa kanya. Naroon ito at nakaupo na sa may harap ng bar. Nakangiti ito ng husto.
"Can I have a glass? Nauuhaw na kasi ako. Katulad na lang niyang iniinom mo."
"Sure," tumatangong tugon niya. Binigyan niya ito ng baso ng brandy. Nakasuot na muli rito ng maayos ang top. "So..." hindi niya alam kung paano makikipag-usap rito. He had been to a strip club only twice in his lifetime. He never really talked to a stripper before. "Did... I mean... How much was all that? I mean the... you know the pay for the services." Services? He just sucks.
"Naayos na ng brother mo," kibit-balikat na tugon nito. "Kapatid mo siya, right?" turo nito kay Migo na nasa may kabilang bahagi ng silid.
"Yep," tipid na tugon ni Yanno.
If truth be told. He would rather be in his home in Kanaway. Sleeping in his bed. Or even in his beautiful and comfortable couch. Huwag lamang rito sa maingay na lugar na ito.
"I'm Angie, by the way."
Napaangat ang kanyang paningin kasabay ng pag-awang ng kanyang mga labi. Maang siyang napatitig sa stripper. "Is that an alias?"
"Huh?" ikiniling nito ang ulo na tila inuunawa ang kanyang sinabi. "Ah..." lumawak ang ngiti nito. "Tunay na pangalan ko ang Angelika. Nickname ko naman ang Angie. Tunay akong babae, hindi transgender."
This is getting horrid. Hanggang dito pa ba naman? Pati sa event na ito?
Walang paalam na umalis siya ng bar. Lumabas siya patungo sa rooftop. Kailangan niya ng sariwang hangin.
Tanaw niya ang ibaba ng building. May mga ilaw na nagkikislapan dala ng mga sasakyan at establisimyento. But his mind was somewhere else.
"Hey."
Hindi kailangan lumingon ni Yanno. Alam niya na si Migo iyon.
"You don't like the party?" tanong ni Migo ng ilagay sa kamay ni Yanno ang isang baso ng gin tonic.
"No, it's not like that. I just... I feel stuffy. And I need some fresh air."
Sandaling katahimikan ang namayani sa kanilang dalawa bago muling kumibo si Migo.
"Something's bothering you?"
Tumingin siya sa kapatid. Ang inaasahan niya'y makikita ito na nakatingin sa kanya. But no, he wasn't looking at him. Nakatingin ito sa ibaba. Something was clouding his eyes. That look was familiar. Saan niya nakita? Sa salamin.
Ganoong ekspresyon din ang kanyang nakikita sa kanyang mukha nitong mga nakaraang araw.
"Yes. And I can see that something's bothering you, too."
Nagkibit-balikat lamang si Migo. "May doubts ka ba sa gagawin mo'ng pagpapakasal?" sa halip ay seryosong tanong nito. Sa pagkakataong iyon ay humarap na ito sa kanya at tumitig na tila ba binasaba ang kanyang ekspresyon.
Humugot siya ng malalim na paghinga. Is it what he feels? Doubt? "Everything was so complicated."
"Life is complicated. Like a one big fucked-up chick-flick. And most of the time, you just have to screw with that."
Napangiwi siya sa sinabi ng kapatid. Not sure if he really understood. "None of what you're saying makes sense, Domingo." Sukat roon ay nagusot ang mukha nito. Iyong tila ba nakakain ito ng mapakla. It was funny to him.
"Don't fucking call me that, Fabianno," ganti nito.
"Alright. No real-name callings anymore," pinaseryoso na ni Yanno ang mukha. "How about you? What's up with that faraway look?"
"Fara––what?" his brows was furrowing. "Never mind." He looked royally pissed. Yanno thought his brother will precede to thrashtalking him. But nope. Ginulantang siya nito. "I received a call from Isla. She's asking for divorce. And she wants full custody of Caino."
Nalaglag ang panga ni Yanno. "Christ!" he muttered. "Kailan pa?"
"It doesn't matter," tumigas ang anyo ni Migo. "She'll get the fucking divorce but not my son. Mamatay muna ako bago ko hayaan na palakihin ng ibang lalaki ang anak ko!"
Sa bahaging iyon ay sang-ayon si Yanno sa kapatid. Ngunit hindi sa divorce. Siya lamang siguro sa kanilang pamilya ang may gusto na kung may pagkakataon ay magkaayos si Isla at ang kanyang kapatid. Caino deserves a family. Isang buong pamilya kasama ng mga tunay nitong mga magulang.
"Migo... is that what you really want? Na maghiwalay na kayo ng tuluyan ni Isla?"
Mas lalong tumigas ang mukha ni Migo. His eyes were sharp. "She's the one who fucked up. Siya ang sumira sa amin. Nagpasalamat na lang dapat siya na wala akong ginawa sa kanya. Pero hinahamon niya ako ngayon. She'll see. This time, she'll get what she deserves."
Hindi na nakipagtalo pa si Yanno sa kapatid. Wala siyang masasabi na makapagpapabuti sa nadarama nito.
At ng alukin siya nito na bumalik na sa loob ay nagpaiwan siya at nagsabing susunod na lamang.
Bumalik siya sa pagtitig sa ibaba, sa mga ilaw. It reminds him of that wonderful, magic moment with Angelika. When the fireflies was illuminating the mangroves. He closed his eyes and let his memory drift back to that awesome moment.
BINABASA MO ANG
Pagkakataon (Kanaway Book 5)
Romance"Kung nasaan ka man ay naroon din ako. And that won't be a sacrifice. That would be love." Years ago, Yanno de Gala met a beautiful stranger named Angie. Minahal niya nang totoo ang babae sa loob lamang ng ilang oras na kanilang pinagsamahan. Bu...