XXI

2.5K 69 1
                                    

PAGBABA ni Yanno ng kotse ay isinuot niya ang rayban at iniabot ang susi sa guwardiya na sumalubong sa kanya sa may parking area ng building kung saan siya patungo.

Ito ang araw para sa presentation ng de Gala Architechtures sa realty company na Figuerroa Realty Corporation.

Ang kasama niya'y ang kanyang Uncle Orlando. Knowing his uncle's attitude towards work, siguradong kanina pa ito narito.

Maaga rin siya. actually, he's fifteen minutes early for the meeting. But he prefers it this way. Gusto niyang ipakita rin sa kanyang uncle na desidido siya at magagawa niya na makuha ang deal na ito.

Matagal niyang pinagplanuhan ang mga plano. Ilang rejection ang kanyang natanggap mula sa kanyang uncle bago tuluyang na-aprubahan ang kanyang plano. Ngayon ay confident siyang haharap sa board of directors ng FRC.

Wala siyang nadaramang kaba. Ilang beses na ba niyang ginawa ang ganito and came out victorious? Countless times.

For him, there are two types of people in the architecture business. The ones who speak as if they know what they are talking about and the people who really know what they are talking about. He falls in the latter. He knows what he's doing. He's really good, great even.

He walked inside the building.

Hindi lingid sa kanya ang atensiyon na kanyang nakukuha sa tuwing pumapasok siya sa mga ganitong establisyimento. Partikular na mula sa mga babaeng nakakakita sa kanya. He doesn't really blame them.

Before Eloisa, he would give each and every lady a glimpse of his smile. But not anymore. In less than two weeks ay talagang matatali na sila sa isa't isa ng panghabang-buhay.

Pagdating nito last weekend ay inayos nila ang lahat ng dapat na ayusin para sa kanilang kasal. They've talked to the wedding planner. Ipinakilala rin niya si Eloisa sa buo niyang pamilya. Isang bagay na matagal ng hindi nangyayari ang naganap noong sabado ng gabi. Nagsama-sama ang halos lahat ng miyembro ng pamilya de Gala. Kumpleto ang kanyang pamilya.

His mother, Loriza, and his father, Santiago was there. And of course, his brother. Naroon din ang kanyang mga lolo at buong lupon ng elders. Maging ang lahat ng kanyang mga pinsan––maliban lamang kay Livio na nag-aaral ngayon sa ibang bansa––ay naroon din. Even Dash and CJ kahit ito ito gaanong kinakausap ng kanya-kanyang mga magulang.

But all in all, it was a nice time. Hindi niya sigurado kung gusto nga ba talaga ng kanyang ina si Eloisa o na-relieve lamang ito na hindi isang waitress na tulad ng naging asawa ni Migo si Eloisa. Must be both.

At kaninang madaling araw ay sabay sila ni Eloisa na bumalik ng Maynila. Ito para sa trabaho at siya ay para nga sa presentation na ito.

Ngunit pagkatapos ng kanyang presentation ay magkikita silang dalawa ng kanyang fiancée. Magha-half day lamang ito sa trabaho para i-fit ang wedding gown nito. Hindi ito naniniwala sa mga pamahiin tungkol sa pagsusukat ng wedding gown. Siya man ay ganoon din. Kung hindi matutuloy ang kasal ay hindi dahil sa pagsusukat. Believing those stuffs are bullshit.

Kasunod ng fitting ay ang pagpick-up ang kanilang wedding ring.

Pagtapat niya sa may elevator ay sumakay na siya dahil may pwesto pa naman. Hindi na niya pinindot ang ika-dalawampung palapag dahil mayroon ng naunang pumindot sa buton.

Sa bawat floor ay mayroong bumababa at sumasakay na tao. Ngunit sa eleventh floor ay halos bumaba na ang lahat ng sakay ng elevator at walang sumakay. He was left alone with... natigilan siya ng magkatinginan sila ng kasama niya sa elevator. At mukhang ito man ay nagulat rin na makita siya roon.

Amelie.

Mabilis na nag-iwas ng tingin ang dalaga. Ganoon din dapat ang gawin ni Yanno. Yes, he knows that.

But really, does this have to happen over and over? Saan na kaya silang dalawa magsosolo sa susunod? Sa loob ng isang box? Hindi na siguro siya magtataka kung ganoon nga ang mangyayari sa susunod.

Twelfth... thirteenth.... fourteenth floor. Tila wala ng sasakay pa. Great.

It was eerily silent. Kung may maghuhulog ng singko ay tiyak na kakila-kilabot ang magiging tunog niyon. If things went on and on like this––palagi silang magkakasalubong o magkikita ng ganito, will they just ignore each other?

Snap it.

Bumaling siya kay Amelie. "Hi."

Tinapunan siya nito ng mabilis na tingin. "Hey." Disinterest was written all over her face.

Tumikhim siya. "I'm sorry about what happened or what I've said the last time. I was crazy."

"It's okay."

It is not.

Clearly, kahit sinabi ni Amelie na ayos lamang iyon ay hindi ganoon ang nakikita niya.

"I'm wrong. Hindi kita dapat kinukulit dahil lang kamukha mo si Angie... because you're sisters. And yes, I admit. Talagang nakikita ko si Angie sa'yo. I can't help it. So I'm really sorry."

Hindi sumagot si Amelie ni kumilos. Gusto ng isipin ni Yanno na hindi nito narinig ang kanyang mga sinabi. Subalit unti-unting kumilos ang ulo nito. She looked at him. Her expression was blatant. "I understand. At sorry din sa mga nasabi ko, Yanno."

Ding.

Mabilis na lumabas si Amelie sa pagbukas ng pinto ng elevator. Kung hindi pa sa pagsara ng pinto ay hindi matatauhan si Yanno. Mabilis niyang iniharang ang kamay sa pinto. Nang bumukas iyon ay nagmamadali siya sa paglabas.

Hindi na niya nakita pa kung saang direksiyon tumungo si Amelie.

At kahit pa gusto niyang alamin ay wala siyang panahon para roon. Ilang minuto na lamang at magsisimula na ang presentation. He had been led by the president's secretary into the conference room.

Tulad ng kanyang inaasahan ay naroon na nga ang kanyang Uncle Orlando. May mangilan-ngilang tao na rin doon walang duda na members of the board. His uncle was talking to someone when he approached him. And that someone seems... familiar.

Eksaktong napansin siya ng kanyang uncle ay bumaling din sa kanya ang lalaki na kausap nito.

No. Fucking. Way.

"Glad you're already here, Yanno," wika ni Orlando de Gala kay Yanno. Bumaling ito sa katabi bago ibinalik ang paningin sa pamangkin. "I was hoping that you know him. Nakabili siya at ang kanyang fiancée ng bahay sa Kanaway."

"Yeah, I know him," mabilis na tugon ni Yanno. "But I don't we've properly introduced. I'm Yanno de Gala," he extended a hand to man who was obviously sizing him up.

Bagaman tinanggap naman nito ang pakikipagkamay ni Yanno. "Danny Figuerroa. Good to finally meet you, Mr. de Gala."

"Same here, Mr. Figuerroa."

"Yeah. And goodluck to your presentation."

Yes. Goodluck with that.

Pagkakataon (Kanaway Book 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon