A year later...
THERE she was, dancing on the stage. The finest ballerina he had ever seen. Just like what she's supposed to be all along. Napuno ng pride at kaligayahan ang dibdib ni Yanno habang nakatitig kay Angie na naroon sa stage at sumasayaw.
Isang theatro sa New York City ang kinaroroonan niya ngayon. Nagsasayaw si Angie para sa production ng The Nutcracker. At bilang bahagi lamang naman ng Lines Ballet.
Yes, nagawa nitong tuparin ang pinapangarap. At ni isang saglit ay hindi siya nagduda na mararating nito ang pangarap. At ngayon narito siya sa front row ay wala na siyang ibang mahihiling pa sa kanyang buhay. Well, siguro kung titingin si Angie sa kanya at makikita siya roon ay maganda rin.
But of course, alam niya na impossible iyon.
Halos isang taon na mula ng huli silang magkita. Isang linggo na lamang bago ang kanilang usapan na pagkikita sa tulay. Hindi niya ito inihatid sa airport noon. Hindi siya kilala ng mga magulang ng dalaga. At nauunawaan niya.
Ngunit sa loob ng lumipas na mga buwan ay aware siya sa kung ano ang nangyayari kay Angie. Not the stalker kind. Alam lang niya na nakapasok nga ito sa Lines Ballet pagkatapos ng anim na buwan ng pagiging trainee. At dahil sa talento nito ay nabigyan ito ng break at nagkaroon ng pagkakataon na makapag-perform sa entablado kahit pa minor na role lamang.
Naniniwala siya na makakarating ito sa susunod na linggo. Ngunit nandito siya dahil gusto niyang masaksihan ang unang beses na pagsasayaw nito sa entablado. He wants to become part of it kahit sa malayo lamang. At hindi nga siya binigo ng dalaga.
She was so beautiful and graceful and the most beautiful among all the performers.
Sa nakalipas na taon na nagkalayo sila'y mas lalo lamang tumindi ang nadarama niya para sa dalaga. He loved her more than anything.
Dahil sa hindi niya natuloy na kasal ay kaisa na rin siya sa mga pinsan na may sirang reputasyon sa mga elders lalo na sa kanilang lolo. At ang kanyang mga magulang? They were so angry. His mother went ballistic. He can't do anything about it anymore. And as a matter of fact, he doesn't want to help it.
At marami rin ang nangyari sa loob ng nakalipas na taon. Mas marami na sa kanyang mga pinsan ang nahulog na sa true-love wagon. Fantastic isn't it? Tey has a boyfriend. Yes, Teyonna de Gala his high and mighty and eldest female cousin. And Jules? You're not going to believe she's married. Yes, married.
Ngunit ang pinakamasaya sa lahat ay ang pangyayari sa kanyang kapatid. You'll find out soon.
Sa ngayon ay ang kanyang mahal ang focus ng kanyang atensiyon. He must be cheating right now for not keeping on to his promise. But seeing her in flesh? He'll cheat anytime.
Matapos ang performance ay hindi siya sumabay sa daloy ng mga tao. Sa halip tumungo siya sa may backstage.
He's not supposed to but he can't stop. Kahit isang sulyap lamang ay sapat na sa kanya. Gusto lamang niyang makita ng mas malapit si Angie. Kung hindi niya magagawa iyon ay baka hindi na siya makatulog sa mga susunod na araw. The next day ay lilipad na siya pabalik sa Pilipinas. Yep, talagang ito lamang ang ipinunta niya rito.
So he needed to see her. Masyadong matagal ang isang taon. Talagang missed na missed na niya si Angie. Her crooked smile, her twinkling eyes. He missed her so. There are times he would sit by the bridge. Uupo lamang siya roon ay iisipin ang mga nakaraan nila. Then he would listen to her favorite song and watch her favorite movies over and over until he finally realized why she liked those movies.
The movies were about faith and love. Real love that comes from the heart. Love that can't be forgotten and could pass the test of time. At iyon mismo sila ni Angie. He will always love her no matter what.
Basta't isang sulyap lamang ngayon. Isang sulyap lamang at aalis na siya. One look at her and would be just fine.
Mula sa patagong pagpunta sa backstage ay pakubli-kubli siya. She must be in the dressing room or... kahit saan. Ngunit sa isang pagkubli niya'y may tila siya nabunggo.
"Hey!" itinulak siya ng may-ari ng tinig hanggang sa makabalik siya sa maliwanag na bahagi ng backstage.
And he was dumbfounded ng makita kung sino ang tumulak sa kanya. "Angie..."
"Yanno?" tila hindi makapaniwalang usal ni Angie. Nakailang kurap ito at hindi na nagsalita pa. Basta't nakatitig lamang sa kanya. At walang anumang ekpresyon sa mukha nito.
May halos tatlong hakbang sa pagitan nila. At mukhang hindi nito tatawirin iyon. Marahil ay naiinis ito dahil sa pagpapakita niya roon. That's possible. And that was probably the only reason. Namulsa siya.
Or maybe... her feelings have changed. Isang taon iyon. What if she has found another? The thought squeeze his heart.
"I just... want to see you perform live," alanganing paliwanag niya. "Gusto lang kitang silipin kaya ako narito. And... alright," nagkibit-balikat siya. "I'm gonna go. I'll just see you in a week."
Tatalikod na lamang si Yanno ng lundagin siya ni Angie. She throws herself at him. Awtomatiko namang umalalay ang kanyang mga kamay sa baywang nito. Ipinulupot niya ang mga braso roon.
"It's really you. Oh, thank God, you're real!"
He chuckled despite the uncertainty that he felt a while ago. He sniffed in her hair. She still smelled like vanilla. Sweet and lovely.
BINABASA MO ANG
Pagkakataon (Kanaway Book 5)
Romansa"Kung nasaan ka man ay naroon din ako. And that won't be a sacrifice. That would be love." Years ago, Yanno de Gala met a beautiful stranger named Angie. Minahal niya nang totoo ang babae sa loob lamang ng ilang oras na kanilang pinagsamahan. Bu...