XVI

2.8K 67 2
                                    



THE bridge was approximately forty-feet from the ground. But he's not so sure. kasintaas siguro o mahigit pa sa isang puno ng niyog. Kaya hindi rin niya masisisi si Claude kung nahimatay man ito noon.

It was an old bridge. Subalit matibay pa rin dahil mga primera klaseng kahoy ang ginamit.

If some group will decide to demolish this bridge? He would fucking buy the whole bridge at mga nasasakupan niyang lupa. He might go broke but he doesn't really care.

Naging bahagi na ito ng kanyang buhay sa lumipas na mga taon. At alam niya na hindi lamang sa kanya kundi maging sa iba rin niyang mga pinsan. He jumped this bridge the first time he won over a big deal in the company. Every frustration, hell-bent problems and of course, success was part of this bridge.

"Let's get it started!" malakas na sigaw ni Keyon.

Napangiti si Yanno. Iilan lamang silang naroon. Jules, Ching and Elia and Keyon. And of course, Amelie.

Simula ng mag-asawa si Achaeus ay hindi na ito halos sumama roon. It was fine. But all in all, may mga pagkakataon na halos kumpleto sila. Mayroon din namang tulad nito na iilan lamang sila. Minsan din ay isinasama ng mga pinsan niya ang kanya-kanyang significant other ng mga ito. And they're all cool with that.

And he was just too glad na wala roon si Tey. She wouldn't like it kung makikita nito na naroon din si Amelie. Not because she doesn't like her but because she doesn't like him being with her.

"Alright," wika ni Yanno na pinagkikiskis pa ang mga kamay. "Who'd be the first? Bababa na ako at maghihintay r'on. Ako na lang ang mahuhuling tumalon. I can tie myself." Nakangiting tumingin siya sa bawat isa.

"Bakit kaya hindi si Amelie ang mauna since siya naman ang bago?"

Mula sa pagtanaw sa ibaba ng tulay ay nag-angat ng paningin si Amelie. Tila nawalan ng kulay ang mukha nito. "Oh, oh," iwinagayway nito ang mga palad tanda ng pagtanggi. "Actually sumama lang naman ako para makita ang view. I don't this stuff. I can't. I'm sorry."

Ngunit ngumiti lamang ang mga pinsan ni Yanno. Pinakamalawak ang ngiti ni Jules. "Just try it. Huwag kang mag-alala safe ang mga harness namin dito. At tinitiyak ko sa'yo na kapag nasubukan mo ng isang beses ay hahanap-hanapin mo na 'to. And trust me, ganyan din ang reaksiyon ni Keyon ng una siyang sumama rito. He said he was just looking around."

"I didn't said that!" protesta ni Keyon. Gusot ang mukha nito ng tumingin kay Jules. "Ayaw ko lang mauna noon, that's all."

"Whatever," pabalewalang tugon ni Jules. Bumaling muli ito kay Amelie. "Surely hindi mo kami gustong panoorin lang. You don't seem like a coward."

Nakita ni Yanno ang pagbabago ng ekspresyon ni Amelie. From reluctance to defiance. "Okay."

Sa sandaling iyon, muli ay si Angie na naman ang kanyang nakikita. The cool way she had ridden at the back of Jules' pick-up, the way she walked at the edge of the bridge... it was all Angie to him.

At habang bumababa siya sa ilalim ng tulad ay patingin-tingin siya sa itaas. Isinet-up niya ang mga kakailanganin. Well, wala namang masyado. Just the airbed and the high chair. Para iyon sa pagkalas ng lubid mamaya.

Makalipas ang ilang sandali ay kumaway siya sa itaas bilang hudyat na maari ng magsimula ang mga ito.

Sa sandaling tumalon si Amelie mula sa tulay ay umalingawngaw ang malakas na sigaw nito. Napangiti siya ng husto. He watched her bounce up and down like a doll. Hanggang sa nagsu-sway na lamang ito ng marahan bago tuluyang tumigil. He was looking at her upside down. Namimilog ang mga mata nito at nanginginig ang mga labi.

May ilang sandali na parang gusto niyang maawa rito. Mabilis siyang tumuntong sa upuan. "Hey, Amelie," pukaw niya malapit sa mukha nito. Nakailang kurap ito hanggang sa tila noon lamang siya nakita.

"Oh, God! Oh, God, that was terrible! I am not doing that ever again! Now get me down here!"

Napatawa si Yanno dahil kagyat na napalitan ang takot at pagkabigla sa mukha nito ng bangis at iritasyon.

"Right away." Sinumulan niyang kalasin ang mga tali sa mga paa nito. Now his cousins were used to this activity. Ngunit si Amelie na bago lamang ay tiyak na hindi magagawang ibagsak ng maayos ang sarili sa airbed. She might hit her head directly and injured herself. "Hold on to me, okay? I'll hold your feet and then I'll drop you slowly into the bed." Now does that sound weird?

But to his dismay, nangunyapit nga ito ng husto sa kanyang binti. He tried to balance them both subalit bigo siya. They both fell down. Not on the bed but on the fucking land. Halos mawalan siya ng malay dahil sa sakit.

She was on top of his. Nasa mukha niya ang paa nito. Her freaking shoes was on his mouth. Walang ibang sumasakit sa kanya kundi ang kanyang ulo. But he must've hit his head quite thouroughly because he can't fucking move. He can just curse.

"Fuck. Of all the things I've done in the past, this is just how my life would end up," he gruntled.

Nawala ang sapatos sa kanyang mukha maging ang bigat sa ibabaw niya.

"Are you okay? I'm so sorry! I'm really sorry, hindi ko talaga sinasadya," hindi magkandatutong wika ni Amelie na humarang sa line of vision ni Yanno.

He was trying to speak. Subalit tawa lamang ang reaksiyon na lumabas mula sa kanyang bibig. He tried to reach out for her face but instead he spoke in the language that even he doesn't understand.

Nawalan na lang sana siya talaga ng malay.

THE doctor said he has a concussion. He understood what that means. May pinsan siyang doktor.

He might experience some confusion and drowsiness. Even changes in his thoughts and personality. Subalit naniniwala siya na hindi siya makakaramdam ng mga iyon. Why? Because he's perfectly fine.

Nakakalakad siya ng matuwid. Nakakapagsalita ng maayos. Lahat ng mga kalokohang tanong ng doktor kanina ay nagawa niyang sagutin ng maayos. Ngunit hindi pa rind aw siya maaring mag-isa. He should be in a care of an adult. Ridiculous. He's a freaking adult!

"Let's all go home," wika ni CJ.

"Yep. This guy needs some assistance," dagdag pa ni Keyon.

Yanno grimaced. Ang dapat ay tutuloy sila sa rancho ni Dash to go horseback riding. Sigurado siya na walang papayag sa kanyang mga pinsan sakaling sabihin niya na ituloy pa rin nila ang kanilang balak. He won't go with them. Pero ang mga ito ay marapat lamang na ituloy ang planong aktibidad.

"You know what?" agaw ni Yanno sa atensiyon ng lahat ng tuluyan na silang makalabas ng ospital. "You should all go to the ranch. Jules let me drive your pick-up so that I can go home. Kasya naman kayong lahat sa kotse ni CJ."

"No way," tanggi ni Jules. "That's not happening. You can't drive."

"I can," salo ni Amelie. Tuloy ay lumipat dito ang paningin ng lahat. "Ako ang may kasalanan kaya nangyari ito kay Yanno. Pwede kayong tumuloy sa pupuntahan n'yo at ako na ang bahala sa kanya. I'll make sure he'll be home safe."

At pinagkatiwalaan nga ito ng mga pinsan niya.

Hindi pa rin naniniwala si Yanno na maapektuhan siya niyon. Pero ng dumating sila sa Kanaway ay parang nahihilo siya. But that doesn't mean na tinablan na nga siya ng concusion. His legs were like jellies because... he was tired.

But Angelika was there for him. Inalalayan siya nito sa pagpasok sa loob ng kanyang bahay. He made her eat that weird sloppy thing.

Ngunit ang pinakamaganda sa lahat ay ang paghawak niya sa kamay nito. She let him hold her hand for as long as he likes.

Pagkakataon (Kanaway Book 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon