Author's note: My very first book was approved on this date some seven years ago. Since then my life has never been the same.
Thank you so much to everyone who has been reading and loving this series. I sincerely thank you all. Marami pa po'ng kasunod, promise. 😄Four months later...
SHE is the most beautiful bride of all. No kidding. He's not being biased. But come on. The off shoulder wedding gown just flaunts her fine assets. Manipis lamang din ang make-up ni Angelika na bumagay rito ng husto. And her hair was up.
She's perfect for him.
Siya naman ay nakatayo sa dulo ng altar at naghihintay sa tuluyang paglapit nito. Ilang steps na lamang at naroon na ito but it feels like forever.
It had been four months of wait. O siguro ay mas mabuting sabihin na mahigit sa limang taon ang kanyang ipinaghintay.
But he, Yanno de Gala had never been prouder. Getting married to the woman of his dreams and the love of his life was not an accomplishment. It's a gift. A gift from God.
Naroon sa kanilang kasal ang lahat ng kanyang mga pinsan kasama ang significant others ng mga ito. Maging ang elders at ang kanyang pamilya. Badshot pa rin siya sa elders. But at least, dumalo ang mga ito. Malaking bagay iyon para sa kanya.
And... Danny was there. Or Daniel. He's married. Yep, the guy got married. Mga kalahating taon na siguro ang nakalilipas.
Ng tuluyan ng makarating sa kanya si Angie at iabot ng ama nito ang kamay ng kanyang mahal ay malugod niya iyong tinanggap. He had never been this grateful all his life. Hinagkan muna niya ang kamay nito bago sila tuluyang humarap sa reverend na magkakasal sa kanila.
Panay ang sulyap at ngitian nila sa isa't isa habang nagsasalita pa ang reverend. At ng sabihin niyon na maari na silang magpalitan ng vows ay malugod siyang humarap kay Angie.
Habang hawak ang microphone ay inilabas niya ang isang papel mula sa kanyang bulsa. Nakasulat roon ang kanyang vows. Hindi rin nakaligtas sa kanyang paningin ang sorpresa na lumarawan sa mukha ni Angie. Hindi na nakapagtataka iyon. They never talked about making their vows, lalo na siya. But he's not making normal, ordinary vows. He's going to say something more.
"You know how I love your eyes, your crooked smile. The lovely way you dance and the loveliness of your mind. I love you, and I'm not going to get tire of telling you every moment of my life. This chance that God has given me will be forever cherished. I will cherish you. And I promise to make you happy every moment of our life together. Because when you're happy, I am happy. Nangangako ako na ikaw lang ang magmamay-ari ng puso ko. At hinding hindi ako hihiling ng isang bagay mula sa iyo na hindi mo gusto. You will always be my priority. And most of all... parati kitang aalagaan hanggang sa kahuli-hulihang hininga ko."
Namamalisbis ang mga luha sa mga mata ni Angie ng matapos sa pagsasalita si Yanno. It took her a while bago pa ito makapagsalita, and she was smiling. "You've... surprised me, my love," her voice was choked. May hawak rin itong papel. "I love you too, honey. I promise to love only you. And I will support you in everything you do. And I won't go anywhere. Kung nasaan ka man ay naroon rin ako. And that won't be a sacrifice. That would be love."
That made him weak to the knees. Ipinangako niya sa sarili na hindi iiyak sa kanyang kasal. This was a happy day. But he was so happy, he felt like crying.
Ng marinig na niya ang mga katagang you may now kiss the bride ay marahan niyang inangat ang veil mula sa pagkakatakip sa mukha ni Angie. He took his time. And when he finally kissed her, it was unhurried... slow and passionate.
He has all the time in the world to kiss her and love her. And he will. For always.
Wakas
BINABASA MO ANG
Pagkakataon (Kanaway Book 5)
Romance"Kung nasaan ka man ay naroon din ako. And that won't be a sacrifice. That would be love." Years ago, Yanno de Gala met a beautiful stranger named Angie. Minahal niya nang totoo ang babae sa loob lamang ng ilang oras na kanilang pinagsamahan. Bu...