XXVI

2.4K 60 2
                                    

PALINGA-LINGA si Yanno sa paligid habang hinahanap ang pamilyar na bulto ng kanyang pinsan na si Teyonna. Yes, si Teyonna mismo. Once in a while ay umaalis rin naman ito ng Benguet upang magpunta rito sa Maynila. But that was like once in a blue moon. Nasiraan ito sa may EDSA at kinailangang i-tow ang sasakyan nito.

Now you can't just park anywhere. Kaya naman sa isang building siya nag-park at lumakad lamang patungo sa lugar na sinabi kanina ni Teyonna na kinaroroonan nito. Lowbatt na raw ang phone nito kaya't baka hindi na niya ma-contact pa. She's not kidding. Unattended na nga ang number nito ngayon.

Sa may tapat ng isang mall siya nakatayo. And he hates it. Nasa unahan ng listahan niya ng mga bagay na kanyang kinaaayaw sa Maynila ay ang init at usok ng mga sasakyan. Makes his love for Benguet swelled like a freaking balloon.

Kung hindi lamang siya nag-aalala na baka kung mapano ang pinsan ay uuwi na lamang talaga siya sa tinutuluyang bahay. It was a five bedroom house in Ayala Subdivision. Sa nasirang Lola Armida nila iyon, asawa ng kanilang Lolo Jeronimo.

Now that house technically belongs to all de Galas. Kung sinuman sa kanilang magpipinsan ang lumuluwas sa Maynila ay doon sila tumutuloy. Maliban na lamang sa ilan na walang sariling bahay sa Maynila. Some of his cousins and even his brother think that a house in the Metro was a good investment. Tulad na lamang nila CJ at Claude.

Tumayo pa siya ng may ilang minuto hanggang sa tila gusto na niyang pumasok sa loob ng mall. But it would be crazy. Sa laki ng mall ay saan naman niya hahanapin roon si Tey?

Lumilinga siya ng paligid ng maagaw ang kanyang atensiyon ng billboard na nasa tapat mismo ng mall.

Alonzo King's LINES BALLET.

A ONCE IN A LIFETIME PERFORMANCE OF THE NUTCRACKER IN THE PHILIPPINES.

Tila may sumipa sa kanyang dibdib.

Alonzo King. Lines Ballet. The Nutcracker. Angie's dream.

Nakalagay sa billboard na tatlong araw na magpe-perform roon ang tanyag na Lines Ballet. At bukas na ng gabi ang unang performance. Sa CCP complex.

Pangarap ko ang makarating ng ibang bansa at makasali sa Lines Ballet ni Alonzo King. Gusto ko ring makasali sa production ng The Nutcracker. Kahit maging ordinary dancer lang ako roon ay ayos lang sa'kin. All I want is to become part of it.

A sad, nostalgic feeling filled him. Tila rolyo ng pelikula na nagdaan sa kanyang paningin ang pagsayaw ni Angie noon. She beautiful smiling face... her graceful movements.

Napukaw lamang ang sentimyento ni Yanno ng may kamay na humawak sa kanyang braso. It was Teyonna. And she was blabbering nonstop. Na hindi naiintindihan ni Yanno.

"Pumasok lang ako sandali sa loob ng mall dahil hindi ko na talaga kaya ang init. I bought us some refreshments––" tumigil ito sa pagsasalita at tumitig sa kanyang mukha. "Anong nangyari sa'yo?"

Mula sa pagkakatingin sa concerned na ekspresyon ni Teyonna ay ibinalik ni Yanno ang mga mata sa billboard. Mas lalo siyang nakadama ng lungkot. Tuloy ay sumunod rin ang tingin ni Tey sa kanyang tinitingnan.

Hindi na niya makaya pa. He can't be this way when it's only six days before his wedding. Isipin pa lamang niya na sa anim na araw ay talagang magiging asawa na niya si Eloisa ay parang may malamig na kamay na pumipisil sa kanyang puso... pinipigil ang pagtibok niyon.

Bumaling siya kay Tey. "You know Amelie, right?"

Kumunot ang noo nito bagaman tumango pa rin. "Yes. Bakit?"

"Let's go home. There's something I need to tell you."

"SO ARE you in love with this girl, Amelie?"

Huminga ng malalim si Yanno. Nilalaro niya sa mga kamay ang hawak na botelya ng tubig. Nasa balcony sila ng bahay. It was his favorite place in the house.

Honestly? He's not sure how he feels. Ipinilig niya ang ulo.

"Posible ba talaga na... maraming pagkakapareho ang isang kambal, Tey?"

Nagkibit-balikat si Teyonna. "Walang kambal sa pamilya natin kaya hindi ako sigurado. Pero tulad nga ng sinabi mo, when it comes to the looks department, there must be a hairsbreadth difference."

Umiling siya. "I'm not referring to that, Tey. You know... may mga bagay na magkapareho talaga sila. The writing on the window? The smart way they talk."

"Iyong mga sinabi mo sa'kin, Yanno, it explains a lot kung bakit sa nakikita mo kay Amelie si Angie. But you can't do this to the both of them. Kung hindi ka na sigurado kay Eloisa, just call off the wedding. Don't come running out of your own wedding day like a heartless moron. Hindi kita mapapatawad kung gagawin mo iyon." Mahaba at seryosong litanya ni Teyonna. "And about this girl, Amelie. She's getting married. And you're not even sure of what you feel for her. Pwedeng dahil lang iyan sa kamukha siya ni Angelika."

Maari nga. At maari din na... he had fallen for her... for Amelie.

"Ano ng gagawin mo ngayon, Yanno? You can't keep this up. This confusion. Kailangan mo'ng magdesisyon."

Kumapa ang kanyang mga daliri sa kanyang dibdib. Naroon ang kwintas na isinauli sa kanya ni Amelie. Ang pendant niyon na krus ay nakatapat sa mismong puso niya. As if telling him to follow what his heart was saying at the moment.

Pagkakataon (Kanaway Book 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon