XXIX

2.6K 61 1
                                    

"YES, thank you. You did really well."

Matapos ibaba ang telepono ay dumako ang paningin ni Yanno sa envelop na nasa ibabaw ng kanyang kama. Kadarating lamang ngayong hapon ng mga iyon. Kahapon ay nag-hire siya ng detective na siyang mag-i-imbestiga sa mga tunay na nangyari sa aksidente ni Angelika at Amelie.

Isang araw lamang ay may naibigay ng impormasyon ang detective.

Ang kailangan na lamang niya ngayong gawin ay buksan ang envelop at tingnan ang mga nilalaman niyon.

Subalit tila hindi niya kaya. Parang may takot na sumisigid sa kanyang puso.

Paano kung mali pala siya? Paano kung si Amelie pala talaga ang naka-survive at hindi si Angelika?

Binuksan niya ng tuluyan ang envelop. Saka na lamang siya mag-iisip kapag nalaman na niya ang totoo. Huminga siya ng malalim bago tuluyang basahin.

Angelika Perez Reyes

Amelie Perez Reyes

PINANOOD niyang muli ang The Nutcracker para sa panghuling araw ng performance ng production sa bansa.

This time, talagang nagawa niyang tutukan at panoorin ang buong show.

He was seating at the far upper side. At wala siyang ibang naiisip kundi si Angelika. How she would look like wearing those ballerina costumes. And how would he act kung sakaling nanood siya.

Nasaan kaya si Angie ngayon? Naiisip din kaya siya nito? Is she happy or is she is crying just like the last time he saw her?

Hanngang sa matapos ang performance at isa-isang mag-alisan ang mga manonood ay nanatili siyang nakaupo at nakatitig sa stage. Hindi niya alam kung gaano siya katagal sa ganoong posisyon. The lights are all on, maging sa stage. kaya naman kitang-kita niya ng may umakyat patungo sa stage.

May naiwan pa ba o maglilinis iyon?

But no. The woman looks familiar. Too familiar.

Angie...

Nakatayo ito sa gitna. Maya-maya ay nagsimula itong kumilos... sumayaw kahit walang tugtog. Habang si Yanno ay tila nababatu-balani sa pagtitig dito. Hindi siya nagtangkang iparamdam ang kanyang presensiya.

She was wearing a dress that was slighty above her knee. Tila nasilip niyang muli ang Angie na nakasama niya noon. And the was dancing. It was amazing kung paano nito natandaan ang sayaw ng mga ballerina kanina. Kung naging ballerina ito ay tiyak na tanyag na ito ngayon sa buong mundo.

At ng matapos ang performance nito ay hindi niya napigilan ang sarili. Tumayo siya mula sa kinauupuan habang humahakbang patungo sa stage. He was clapping his hands all the way.

Napatanga si Angie. "Yanno?" nag-echo sa buong paligid ang boses nito.

He climbed up the stage. "We've meet again."

Tila ito biglang natauhan mula sa pagkakatanga. Umiling ito at nagtangkang lagpasan si Yanno. Subalit nagawa na niyang makaharang sa harap nito.

"Let's talk. This time we really need to talk."

"Wala tayong pag-uusapan," puno ng katigasan ang mukha nito.

Sa halip na tapatan ang katigasan nito ay lumambot pa'ng lalo ang kanyang mukha. "You were wearing the engagement ring and the necklace. The engagement ring them think that you're Amelie. Which is which? Ipinasuot sa'yo ni Angelika ang kwintay o si Amelie ang nagpasuot sa'yo ng singsing? Tell me who you really are bago pa ako mabaliw," puno ng pagsamo ang kanyang tinig.

Alam na niya ang sagot. Amelie wouldn't dance like that. At nababasa rin niya ang katotohanan sa mukha nito. Subalit gusto pa rin niyang marinig mula sa mga labi nito. Gusto niyang aminin nito sa kanya kung sino ba itong talaga.

Pagkakataon (Kanaway Book 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon