NAGTUNGO sila sa bahay ni Achaeus subalit wala roon ang buong pamilya. Si Raya lamang ang naroon at sinabi nito sa kanya na naroon sila Achaeus kasama ang mag-ina nito sa Clubhouse. So Yanno went there with Caino in his arms. He draped a shawl over his nephew dahil sa malamig na panahon.
Siya ang nagdisenyo ng clubhouse bilang isa siyang arkitekto.
He works at the de Gala Architectures. Under siya ng presidente na si Orlando de Gala, ang ama ng pinsan niyang si Dashiell. Dash was actually an architect just like him. Pero hindi talaga iyon ang passion ng kanyang pinsan. Mas mahilig ito sa kabayo.
Si Achaeus naman ay isa ring Arkitekto. Subalit hindi ito minsan man nagtrabaho sa kanilang kompanya. Mas ibinuhos nito ang buong atensiyon sa Kanaway. Which paid off immensely. Silang dalawa ang opisyal na nagdidisenyo ng mga bahay na itinatayo sa Kanaway. But Achaeus has always the last say in everything.
Okay lamang iyon sa kanya at sa iba pa nilang pinsan. Buo na sa kanyang loob na balang araw ay siya ang mamamahala ng de Gala Architechtures dahil walang iba sa mga pinsan nila ang nagpapakita ng interes roon. Ang mga magulang naman niya na sina Santiago at Loriza ay sa de Gala Canning may shares at kapwa may posisyon.
Nang matanaw siya ng mga pinsan na doon sa labas ng clubhouse nagkakatipon ay kinawayan niya ang mga ito. Ang naroon ay si Achaeus kasama ang mag-ina nito. Naroon din si Ciara at Ching maging sila Lucas at Dash.
"Look who's here!" nakangiting bulalas ni Ching. Kinuha nito si Caino mula sa bisig ni Yanno at ito na ang bumuhat. "How are you handsome young man?"
Habang nagkakagulo ang kanyang mga pinsan na babae kay Caino ay hinarap naman niya sila Achaeus, Dash at Lucas. Minsan na lamang niya kung makita ang huli. Masyado kasi itong abala sa expansion ng negosyo nito. At sa girlfriend nito.
"How's the new member of the true-love wagon?" nakangising tanong ni Dash.
"And you're the driver of this wagon, Dashiell," pabale-walang tugon niya. "What's this gathering all about?" it was nine in the morning. Sa tingin niya'y masyadong maaga para magkatipon ang lahat ng ganito.
"May bagong maninirahan dito," si Achaeus ang sumagot. "Well, hindi naman talaga bago. You know Mrs. Acosta? Magma-migrate na ang buo niyang pamilya sa Italy. Ibebenta niya ang bahay sa pamangkin niya na ikakasal na rin. In two weeks' time."
"And?" kunot-noong susog niya.
"They'd set up a meeting early this morning. Actually kaaalis pa lamang nila. Tiningnan nila ang bahay. Inilibot rin naming sila sa ilang bahagi nitong Kanaway and dito sa clubhouse ang huli naming pinuntahan," si Dash naman ang nagsalitang iyon.
Tumango-tango si Yanno. Kahit pa nabili na sa kanila ang mga lupa ay may salita pa rin sila sa kung sino ang pagbebentahan ng mga iyon. Nakasaad iyon sa kontrata. For safety purposes ay kailangan nilang makatiyak na mabuting tao ang maninirahan sa Kanaway.
"They really like it here," ani Lucas. "Especially this clubhouse. Hiniling pa nga nila kung maari na dito sila ikasal," dagdag pa nito.
"Really?" his brows arched. "You agreed?"
"Why not? At sa makalawa rin ay lilipat na sila," ani Achaeus.
"Ganoon kabilis?" nasorpresang wika ni Yanno.
Nagkibit-balikat si Dash. "Yes. Kasama na ang mga gamit sa pagbili nila ng bahay. Hindi naman madadala iyon ng pamilya ni Mrs. Acosta sa ibang bansa. Paaalis na rin sila Mrs. Acosta ngayong araw. Sa Maynila na muna sila habang hinihintay na maayos ng tuluyan ang iba pang dokumento."
"So everything's done then..." naagaw ang atensiyon ni Lucas ng mapatingin siya sa salamin na bintana. May nakasulat roon. Normal na nagkakaroon ng fog dahil sa lamig ng panahon. Lumapit siya roon at tinitigan ang nakasulat.
lovely.
Tila may nagbuga ng hangin sa kanyang batok kaya't nagtayuan ang mga balahibo niya roon. He read that somewhere. It was all too familiar. What the heck?
Kaninang umaga ay Every Breath You Take. Ngayon naman ay ang sulatin na ito.
"Who wrote this?" marahas na tanong niya sa mga pinsan. Lumiligid ang kanyang tingin sa bawat isa sa mga ito.
"What is it?" lumapit si Dashiell at pinakatitigan ang nakasulat sa salamin. "Lovely?"
"Is that a trick question?" kunot na kunot ang noo ni Lucas. "Because how are we suppose to know? It's as if we guard that window day and night just to know whoever fucking writes on it." Hindi maitatatwa ang sarkasmo sa tinig nito.
"It's just a wild guess. But I think it's the woman who's about to live at Mrs. Acosta's house," pakibit-balikat na turan ni Achaeus.
Umawang ang mga labi ni Yanno. Then he was tense. "What? Where is she? Did she left? O naroon pa ba siya sa bahay ni Mrs. Acosta?" he felt frantic.
"Nakaalis na sila mga five minutes ago pa," tugon ni Lucas. "We don't know where they're going if that is what you're going to ask next."
"Damn!" nahagod niya ang buhok at halos masabunutan na niya ang sarili.
"Would you care to tell us what's going on in that head of yours?" tila naguguluhang tanong ni Achaeus.
Humarap siya sa pinsan. "The woman who's here a while ago, how does she look like? You have to tell me how she looks like!"
"Hey, hey," nagsalubong na ang mga kilay ni Achaeus. "Ano ba ang nangyayari sa'yo?"
"Does she have huge eyes? Dark ones? Her skin was tan? Was her name Angie? Answer me fast dammit!" hindi na niya mapigil ang hindi mapabulyaw.
Dahil doon ay nakuha na rin niya ang atensiyon ng mga pinsan nilang babae. While Achaeus' eyes narrowed. His brows arched. Napahugot ng malalim na paghinga si Yanno. Hindi magagalitin ang pinsan niyang ito. But when he does, one gets a lot to pay for it.
He tried to look as apologetic as he can. "I'm sorry. I just really need to know who she is." He rubbed at the back his neck. "I've been having this weird feelings... or rather, happenings since this morning. I've heard this music that she doesn't like and I don't like as well. And then there's this writing on the window."
Lahat ng mga pinsan niya'y nakatitig sa kanya na tila ba siya ibang tao. Tama lamang naman iyon. He's acting insane.
"You know what?" si Dash iyon na bumasag sa katahimikan. Lumapit ito sa tabi ni Yanno at tinapik siya sa pisngi. As if waking him up. "That's just wedding jitters. Normal na nararamdaman mo 'yan dahil in a month's time ay ikakasal ka na. You know when Brien was about to marry Jaq, he's been eating bananas nonstop."
Napatawa si Yanno maging ang lahat ng mga pinsan at dahil doon ay nabawasan ang tensiyon na kanyang nadarama. Who would forget those weeks when Brien just keeps eating bananas like an ape?
Ganoon din ang nangyayari sa kanya ngayon. He's just nervous.
"Right. You're absolutely right. I'm just stressed because of the wedding."
AN: Hi, dearies! May you have a great day ahead of you. Here's a little something to kickstart your day! 😘
BINABASA MO ANG
Pagkakataon (Kanaway Book 5)
Romance"Kung nasaan ka man ay naroon din ako. And that won't be a sacrifice. That would be love." Years ago, Yanno de Gala met a beautiful stranger named Angie. Minahal niya nang totoo ang babae sa loob lamang ng ilang oras na kanilang pinagsamahan. Bu...