XXVII

2.5K 58 0
                                    

SUMASABAY si Yanno sa daloy ng mga tao na lumalakad papasok sa loob ng CCP. Lahat ay halatang excited sa magaganap.

He's here to watch the performance of the Lines Ballet.

He did everything para lamang makakuha ng VIP seats sa naturang performance. Kinailangan niyang bumili sa tao dahil sold out na ang tickets. Triple ang presyo na kanyang ibinayad. At hindi lamang isang ticket ang pagmamay-ari ng binilhan niya niyon. Isa sa mga kondisyon ng pagbebenta na kailangan niyang bilhin lahat ang tatlong ticket nito.

And for him, it's worth it.

Kung hindi siya pupunta rito ngayon ay tiyak na pagsisisihan niya habang buhay.

Maybe he was deep in his thoughts that he didn't notice the woman walking towards him. Nagkabungguan sila. Ngunit bago pa tumalsik sa sahig ang babae ay nagawa niya itong mahawakan sa braso.

"I'm sorry. Are you alright?"

"Yes. Sorry din dahil––" ng mag-angat ng paningin ang babae ay kapwa sila nagulat.

It was Amelie.

He doesn't really think he would see her here. Dahil doon ay napuno ng sopresa at pagtatanong ang kanyang dibdib.

Gayunpaman ay si Yanno pa rin ang unang nakabawi. "You're going to watch this," tiyak na wika niya. His eyes roamed over her form. She was wearing a dark blue bonnet, sweater and pants. Her hair was in braid and she looks effortlessly beautiful.

Pahiklas na binawi nito ang braso. "Excuse me."

Pero siyempre, hindi pumayag si Yanno na makalayo ito ng tuluyan. Mabilis siyang umagapay sa paglakad nito. "Amelie." Nang hindi ito kumibo ay hinawakan na niya ito sa braso upang pigilin. Subalit pinalis nito ang kanyang kamay.

"Don't touch me!" she glared at him.

"Fine! I won't," taas-kamay na pagsuko niya. "But tell me kung saan ka uupo."

"Wala ka ng pakialam r'on, Mr. de Gala," malamig na tugon nito. "Please. Huwag mo ng akong sundan o kulitin pa."

He should do just that. Except that he can't. Hindi pa rin nagmamaliw ang pagtataka na kanyang nadarama. Gusto niyang malaman ang dahilan kung bakit narito si Amelie.

"Come with me," wika niya rito. Hinawakan niya ang kamay ng dalaga at pinagsalikop iyon sa kanya.

An achingly familiar feeling crept up inside him. As if he held her hand before. But he's pretty sure na hindi pa niya nakawakan ang kamay ni Amelie simula ng makita niya ito. It was Angelika's hand that he held on to. Subalit wala siyang balak na bumitaw sa kamay na hawak niya ngayon.

"Bitawan mo ako, Mr. de Ga––"

"Will you shush for a minute?" awat niya sa iba pa nitong sasabihin. "Just wait up. Pagdating natin sa loob ay saka mo na lang ako awayin ulit."

"Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo!"

"Gan'on din ako," seryosong balik niya na saglit tinapunan ng tingin si Amelie. Ibinalik din niya kaagad ang atensiyon sa pag-aabot ng mga ticket.

"I have my own ticket," protesta na naman ni Amelie.\

"Not hard to guess," matabang na tugon ni Yanno. "But is it VIP?" naningkit ang mga mata ni Amelie. "See?" he taunted. "Just come with me."

PINATAY na ang mga ilaw sa loob ng bulwagan at ang tanging may liwanag na lamang ay ang buong stage.

Hindi mahilig sa mga ganitong bagay si Yanno. He rarely goes to a movie house.

Pagkakataon (Kanaway Book 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon