SHE stared at the open window. Malaya niyang namamasdan ang maulap na kalangitan dahil tinatangay ng hangin ang kurtina. It was a wonder to her. Ang mapagmasdan ang kalangitan ng malaya.
She has no time to be idling in bed for the last few years of her life. This is new to her. The last few days here in Kanaway was a breath of fresh air. Literally and figuratively.
Ilang araw pa lamang siya sa Kanaway subalit napakarami ng nangyari sa kanya. She met the de Galas. She jumped off the bridge. And then there's this thing with Yanno.
Kahapon ng subukan niya sa unang pagkakataon ang bungee jumping at aksidenteng nadaganan niya si Yanno na naging dahilan sa concussion nito. Hindi pa siya naka-experience ng ganoon o kahit sino sa miyembro ng kanyang pamilya. At hindi niya gustong maranasan. It was really crazy. She barely slept last night. Ng iwan niya ng tuluyan si Yanno sa bahay nito ay halos maghahatinggabi na.
It's her responsibily bilang siya ang may kasalanan kaya ito napunta sa ganoong kondisyon.
Matapos ihinto ang sasakyan ni Jules sa may gilid ng bahay ni Yanno ay nilingon ni Amelie ang binata. Nakatulog na ito. Wala pa man lamang isang oras ang naging biyahe nila.
Ang sabi ng doktor ay makakaranas ito ng dizziness, confusion at pag-iiba ng personalidad at pag-iisip dala ng concussion. Maari rin itong mautal o mag-hallucinate. Kaya kailangan itong bantayan.
"Yanno," tawag niya rito. Kumilos ito subalit hindi nagising ng tuluyan. Sa pagkakataong iyon ay tinapik niya ang pisngi nito. He face was warm despite the cold weather. "Yanno, narito na tayo."
Sa pagkakataong iyon ay dumilat ito. His eyes were hazy. "What?"
"Narito na tayo," ulit niya sa sinabi. "Dito sa bahay mo."
"Oh," tumingin ito sa labas ng bintana. "Right." Binuksan nito ang pinto at lumabas mula sa sasakyan. Subalit napasandal lamang ito sa gilid niyon.
Dali-daling umibis siya ng sasakyan at dinaluhan si Yanno. "Nahihilo ka ba?" she looked at his face. Namumungay ang mga mata nito.
"No. I'm fine," tinangka pa nitong ngumiti. "I just feel... tired. I'm so tired. Give me a hand, will you?"
Bago pa makatugon ay umakbay na ang isang braso ni Yanno sa kanya. Wala siyang choice kundi ang lumakad upang alalayan ito sa paglakad. Nang hindi nito maipasok-pasok sa keyhole ang susi ay siya na rin ang gumawa niyon.
"Careful," wika niya rito ng alalayan ito sa pagpasok sa loob. Nang makarating sa may mahabang couch ay inalalayan niya ito na makahiga roon. But he seemed overjoyed with the sight of it. Pabagsak itong nahiga tangay siya. Nasa ibabaw siya nito.
Impit siyang napatili. She pushed on his chest. "Sandali lang, bitawan mo ako," hindi magkandatutong wika niya. Ngunit natigilan siya ng mapatitig sa mukha ng binata.
Nakadilat ito bagaman namumungay ang mga mata. His brown eyes were warm and it gives her a fuzzy feeling just by staring at it. There was a slight smile on his lips. Epekto pa rin ba iyon ng concussion?
Nang kabigin siya nito ay muntik ng maglapat ang kanilang mga labi. Their noses were touching. Halos maduling siya sa lapit ng mukha nila sa isa't isa. Wala siyang ibang nadidinig kundi ang paghinga nilang dalawa. His hot breath was fanning on her face.
And strange as it may seem, there's no place in the world she would rather be right now but here. Right here. At sa ganitong posisyon habang nadadama ng kanyang palad ang pagtibok ng puso ni Yanno.
BINABASA MO ANG
Pagkakataon (Kanaway Book 5)
Romance"Kung nasaan ka man ay naroon din ako. And that won't be a sacrifice. That would be love." Years ago, Yanno de Gala met a beautiful stranger named Angie. Minahal niya nang totoo ang babae sa loob lamang ng ilang oras na kanilang pinagsamahan. Bu...