ANG pagbuhos ng mainit-init na tubig sa kanyang mukha ang gumising ng bahagya sa diwa ni Yanno. Pupungas-pungas na nagbangon siya. Hindi niya magawang maidilat ang mga mata subalit dinig niya ang pag-alingawngaw ng tawanan sa paligid.
What is this?
Pilit siyang nagmulat sa kabila ng namimigat na mga talukap. Sa pagbukas ng isa niyang mata ay ang nakatawang mukha ni Brien ang sumalubong sa kanya. Sa tabi nito ay nakatayo si Dashiell. With a funny expression on his face. Tumatawa ba ito?
At kung tumatawa ito sino naman ang pinagtatawanan nito? And what are they even doing here in his house? May susi na rin ba ang mga ito sa kanyang bahay ng hindi niya nalalaman tulad ng kay Lucas?
"Ano ang ginagawa n'yo rito sa bahay ko? Paano kayo nakapasok?" litong tanong niya.
At sa labis na kalituhan ni Yanno ay nagtawanan lang ang mga ito. At hindi lamang boses ng mga ito ang umalingawngaw.
"Kailan mo pa naging bahay ito, Fabianno?" kunot-noong tanong ni Lucas. Oh, so he's there as well? Sino pa kaya ang naroon?
Subalit wala ng panahon roon si Yanno dahil unti-unti siyang naliwanagan ng tuluyang bumukas ang kanyang dalawang mata. Wala siya sa kanyang tahanan. Bagkus ay naroon siya sa hotspring at nakatulog sa may batuhan. What the fuck?
"Hindi mo man lang kami inimbitahan kung ano man ang ipinagdiwang mo," si Dash iyon na tatawa-tawa pa rin. "Is this some kind of a bachelor-loner-party?"
"Enough of that," tinig iyon ni Achaeus. Paglingon ni Yanno ay ito nga ang nasa kanyang likuran. Kunot na kunot ang noo nito. "Why did you sleep here?" lumipat ang mga mata nito sa mga bote na walang laman. "May problema ka ba?"
He can't think clearly. Ang natatandaan niya'y narito siya kagabi at mag-isang umiinom. He didn't know what happened next. Ang tanging alam lamang niya'y malinaw sa kanyang isipan ang ala-ala niya patungkol kay Angie na tila ba kahapon lamang nangyari ang lahat.
"I can't think..." hindi na naituloy ni Yanno ang sasabihin dahil napabahin na siya. He's not feeling well.
Napailing si Achaeus. "You should probably go home, Yanno. Get some rest."
Walang imik na tumayo si Yanno. Kung mabigat ang kanyang pakiramdam ng nagdaang gabi ay mas higit ang kanyang nadarama ngayon.
HABANG naglalakad ay nakapamulsa si Yanno. He was having a runny nose but other than that ay wala na siyang iba pang nadarama. No. that is wrong. Marami nga pala siyang nadarama. Halo-halong damdamin.
Na lalong nadagdagan ngayong mapapadaan siya sa bahay kung saan nakatira si... Amelie. She's Amelie and not Angie.
He never even got the chance to know she has a twin sister. Hindi dumating si Angie sa usapan nila. He waited until evening. But she never really came. Pero bumalik siya sa sumunod na araw. At umikot at naglakad-lakad siya sa lugar, hoping against hope na makikita niya si Angie.
But he never did.
Sure he wanted to find her. But he didn't know where to. Ang tanging alam lamang niya rito'y ang pangalan nito and that she's a ballet dancer. Ni hindi niya tiyak kung Angie nga ba talaga ang tunay nitong pangalan. Tulad rin ng Fabianno ang kanyang tunay na pangalan subalit simula pagkabata ay nakasanayan niyang gamitin ang Yanno.
Every year he would return to Puerto Princesa the same month of the year when he met Angie. He was silently hoping na magtatagpong muli ang kanilang mga landas. Na hindi nangyari. Kaya naman pala.
Tumigil siya sa mismong tapat ng bahay. It was one of those big houses in Kanaway na kaiba ang disenyo. Siya mismo ang nagdisenyo ng bahay na iyon. And Mrs. Acosta loved it.
BINABASA MO ANG
Pagkakataon (Kanaway Book 5)
Romance"Kung nasaan ka man ay naroon din ako. And that won't be a sacrifice. That would be love." Years ago, Yanno de Gala met a beautiful stranger named Angie. Minahal niya nang totoo ang babae sa loob lamang ng ilang oras na kanilang pinagsamahan. Bu...