CONTRARY to what other people think, women can hurt men more than they're capable of. Physically and most of all verbally. Their tongue is a weapon sharper than a knife. It can cut deeply and the hurt lingers longer than the usual.
They just really have that ability to wound or stab with their freaking words.
At iyon ang nangyari kay Yanno kahapon ng marinig niya mula kay Amelie ang mga masasakit na salita.
May dalawang kadahilanan lamang roon. Una, siguro nga ay totoo ang mga sinabi nito. Ang ikalawa naman ay dahil hindi niya inaasahan na maririnig mula rito ang mga salitang ganoon. From Angelika's face. Dahil kahit balibaliktarin pa man ang mundo ay iisa talaga ang mukha ng mga ito. Kaya parang kay Angie na rin nanggaling ang lahat ng iyon. She even has Angie's eyes. And those eyes were blazing with fury as they look at him.
Sa puso niya'y naniniwala siya na hindi sasabihin ni Angie ang mga salitang iyon. But then it was Amelie. At siguro nga ay sumobra na siya sa pangungulit rito. But the thing is... that was really hurtful.
Ngunit sa kabila ng lahat ng iyon ay hindi pa rin niya magawang magalit kay Amelie. Mas nagagalit siya sa kanyang sarili. Because despite her harshness and obvious dislike towards him he still think about her. Yes, it was really crazy. Tulad nga ng sinabi rin ni Amelie, ikakasal na siya. He should not be acting like a pathetic psycho.
But hell, paano naman siyang hindi aakto ng ganoon kung sa bawat pagkakataon na lamang ay nagkikita sila? Alright, that was exaggerating. But really, do they have to be trapped inside the freaking clubhouse hall?
Siguro ay masyado niyang binibigyan ng kahulugan ang mga bagay na nangyari nitong mga nakaraang araw. Lalo na kagabi. The last thing he rembered ay ang pag-alalay nito sa kanya. But he wasn't even sure kung ito nga ang umalalay na iyon. Then he had this dream.
Angie was cradling him in his sleep. Hinahaplos daw nito ang kanyang buhok habang hawak niya ng mahigpit ang isang kamay nito. It was a lovely dream.
And he'll surely be a retarded sakaling magpatuloy pa ang lahat ng ito.
At dahil sa mga pangyayari nitong mga nakaraang araw? His couch was becoming more and more lovely and comfortable.
Parang tubig na lamang ang dating sa kanya ng strawberry wine kaya naman ngayon ay brandy ang sinubukan niya. At halos makapangalahati siya. Kaya naman ngayon ay parang nahihilo na siya. And yes, he's sorry for his liver. Pero ika pa nga ni Claude, he'll just drink those fucking meds in the commercials. Liver-lover fuckers or whatever.
Ayaw niyang bumangon kahit tila nagrerebolusyon na ang kanyang sikmura. It was too cold. Ang ginawa niya'y inabot ang remote control ng heater at dinagdagan ang temperature.
Ah, so good. You're my bestfriend, heater.
Mas lalo siyang namaluktot sa itim niyang couch. It was really soft, ngayon lamang niya na-appreciate ng husto. Actually, ngayon lamang niya na-appreciate ng husto ang kanyang living room. Convenient at higit sa lahat, in-sync ang kulay ng mga kagamitan. Everything was black and blue. At ang lahat ng iyon ay custom-made. Actually, walang kagamitan sa kanyang bahay ang hindi pasadya.
He just really wished na papayag si Eloisa na doon sila manirahan sakaling makasal na sila. Hindi niya hihilingin na i-give up nito ang trabaho. Ang tanging gusto lamang niya ay lumaki ang magiging mga anak nila sa ganitong environment. Sa lugar ng Kanaway. Sa magandang pag-uusap at pagpa-plano ay siguradong magtatagumpay sila.
He's marrying Eloisa. She is the one for him.
Halos nadadala na siya ng antok ng may mag-buzz sa pinto. Pabigla siyang napabangon. It was past seven in the morning. Maaring isa sa mga pinsan niya ang naroon. But who knows?
Napapalunok na huminto siya sa may tapat ng pinto ng may biglang maisip. What if... what if...
Muli na namang naulit ang buzz. Kaya naman pikit-matang binuksan niya ang pinto.
"Sweetheart!"
Napadilat si Yanno dahil sa biglang sumugod ng yakap sa kanya at dahil sa pamilyar na tinig.
"Eloisa..." hindi niya matiyak kung relief nga ba ang kanyang nadarama. Kaysa pag-isipan ay tinugon niya ang yakap nito. He sniffed her elegant scent.
Inilayo ni Eloisa ang mukha kay Yanno subalit nanatiling nakapulupot ang braso sa kanya. "I missed you so much."
"I missed you, too," mabilis na tugon niya.
She smiled. Her beautiful and blinding smile that caught him. Then she pulled him for a kiss. The moment their lips fused he closed his eyes. His heart was filled with so many things. Of course... of course. He's just too overwhelmed that she's here at last. And he loves her so. But the thing is...
Inilayo niya si Eloisa sa kanya matapos putulin ang halik. Hawak niya ito sa magkabilang balikat.
Pinakatitigan niya ito sa seryosong paraan. "Eloisa, I have to tell you something..."
BAGO pa lamang dinadalaw ng antok si Amelie. Halos bukang-liwayway na ng magawa niyang ipikit ng tuluyan ang mga mata. Subalit heto at may pilit na gumigising sa kanyang kamalayan. Kanina ay ang sunod-sunod na pagtunog ng kanyang cellphone.
She ignored it.
Subalit hindi niya magawang balewalain ang sunod-sunod na dunog ng doorbell. Kaya naman napilitan na siyang bumangon. Nagpatong lamang siya ng roba sa night gown na kanyang suot bago siya bumaba upang pagbuksan ang tao na walang hinto sa pagpindot ng doorbell.
Marahas niyang binuksan ang pinto. "What?" halos singhal na tanong niya. Subalit ng makita na si Danny ang nakatayo sa labas ng pinto ay natigilan siya. Ito man ay natigilan rin.
"Hey, baby what's wrong?" kumunot ang noo ni Danny ng makabawi. Tuluyan itong pumasok at hinawakan siya sa mukha.
Ipinilig ni Amelie ang ulo. "No, nothing," sinamahan pa niya iyon ng pag-iling. "Naalimpungatan lang ako."
"Are you sure?" muling tanong ni Danny hakbang naakbay sa kanya at iginigiya siya papasok ng kabahayan.
"Yes... yes. Napagod lang siguro ako at kulang sa pahinga."
Pagkaupo nila sa sofa ay napuno ng pag-aalala ang mukha ni Danny. "I'm sorry, baby, hindi ako nakabalik kaagad. But I promise, I'll be here for the whole weekend. And I'll give you a good massage," he smiled suggestively at that.
Sounds promising. Subalit hindi iyon ang gustong mangyari ni Amelie.
"Actually, ang gusto ko sana ay bumalik na tayo ngayon sa Maynila para ayusin ang mga kailangan pa para sa kala natin."
Napuno ng pagtataka ang mukha ni Danny. "Wait––what? Pero paano naman ang mga dapat nating asikasuhin dito?"
"I've already talked with the wedding planner yesterday." Totoo iyon. "Nasabi ko na sa kanya ang lahat ng gusto nating mangyari. Maging ang ilang mga de Gala ay nakausap ko na rin tungkol sa clubhouse at sa mga bulaklak at iba pa. Ayos na ang lahat kaya pwede na tayong umalis. Say after lunch?"
Sa halip na mabawasan ay tila mas lalo pang nadagdagan ang pagtataka sa mukha ni Danny. "I don't get it. Hindi mo ba gusto rito, Amelie? May nangyari ba habang wala ako?"
Ginawa niya ang lahat upang maging normal ang kanyang ekspresyon. "Walang nangyari," sinamahan pa niya iyon ng pagkibit ng mga balikat. "Guess I just want to spend some time with your family. Para makilala ko naman sila ng mabuti," hinaluan niya ng enthusiasm ang tinig.
Tumitig sa kanya si Danny. Tila ba binabasa ang kanyang nasa isip. And for a few seconds ay tila may dumaang kung ano sa mga mata nito. Ngunit kaagad din iyong nawala at natakpan ng pagngiti.
"I think it's a good idea. So, yeah."
Nang kabigin siya ni Danny at hagkan sa ulo ay labis na relief ang kanyang nadama. Isipin pa lamang na makakalayo siya sa Kanaway... kay Yanno de Gala ay labis na relief ang bumabalot sa kanya.
BINABASA MO ANG
Pagkakataon (Kanaway Book 5)
Romance"Kung nasaan ka man ay naroon din ako. And that won't be a sacrifice. That would be love." Years ago, Yanno de Gala met a beautiful stranger named Angie. Minahal niya nang totoo ang babae sa loob lamang ng ilang oras na kanilang pinagsamahan. Bu...