MULA sa kabilang dulo ng tulay ay natanaw ni Angelika ang naglalakad naman sa kabilang dulo niyon. Napangiti siya. Sigurado siya na si Yanno iyon kahit hindi pa niya gaanong naaninag ang mukha nito. The stance was enough. At hindi magsisinungaling ang mabilis na tibok ng kanyang puso.
Kumaway siya. "Fabianno!" sigaw niya. Nalaman niya mula sa isa sa mga pinsan nito ang tunay nitong pangalan. Kaya naman pala ito umisip ng ibang pangalan. But she thinks fabianno was quite cute.
Lakad-takbo ang kanyang ginawa. Nagsalubong sila sa gitna. Sa sandaling nahawakan siya nito'y umangat ang kanyang mga paa sa ere habang iniikot siya nito. Nang ibaba siya nito sa tulay ay may pilyong ngiti sa mga labi nito.
"You're not really afraid of heights?"
"Nope. Never, Fabianno."
Sukat roon ay nabura ang ngiti nito at napalitan ng naiiritang ismid. "I told you not to call me that. My name is Yanno."
"Yep, I'm well informed," may mapang-asar na ngisi sa kanyang labi.
Sa huli ay napailing na lamang si Yanno. "Let's jump?"
Tumawa siya ng malakas. "You know I can jump," nakaangat ang kilay na tugon niya.
"I know. Ang gusto kong mangyari ngayon ay sabay tayo."
Doon ay nangunot ang kanyang noo. "What? Nababaliw ka na ba? Kung sabay tayo sino naman ang tutulong sa atin na makaalis sa pagkakatali? You're crazy."
"Yes, I'm crazy about you," nakangising tugon lamang nito. "But no, I'm not a lunatic. Look," turo nito sa ibaba ng tulay.
Pagtingin roon ni Angelika ay nakita niya na tila mayroong itim sa ibaba. It looks familiar. Tila iyon rin ang foam na dapat sana'y sasalo noon sa kanya kung hindi lamang siya nag-panic. Pero ano naman ang silbi n'on kung hindi naman siya makaalis sa pagkakatali? "So?" nakapamaywang na balik niya kay Yanno. His handsome face was smug.
"Well, lovely miss, hindi mo naitatanong pero kaya kong kalasin ang pagkakatali sa sarili kong paa. Ilang beses ko ng nagawa. At isa pa ay talong air bed ang pinagpatong-patong ko kaya sigurado tayo. So you have to trust me. Will you?" inihalad nito ang palad sa kanyang harap.
Tumitig siya sa kamay ni Yanno. At ng tumaas ang kanyang tingin sa mukha nito ay naunawaan niya na hindi lamang ang tiwala niya sa pagtalon ang hinihingi nito. Kaya naman buong puso niyang inilapat ang kamay sa ibabaw ng palad ni Yanno. At pagkatapos ay hinawakan niya ng mahigpit ang kamay nito at dinala iyon sa kanyang labi. She kissed while looking into his eyes. Kagyat na napuno ng emosyon ang mukha nito.
Habang itinatali nito ang kanilang mga sarili ay umuusal ng panalangin si Angelika. Hindi lamang para sa gagawin nilang pagtalon. There is something she needs to say to him.
Dapat ay bukas na ang naunsiyaming kasal niya kay Danny. At kahit wala silang pormal na usapan ni Yanno ay nakasisigurado naman siya sa isang bagay. Pareho sila ng nadarama. And she chose and trusts him.
Subalit may isa pa'ng bagay. She also wants to chose herself. At iyon ang nakatakda niyang ipaliwanag at hilingin kay Yanno.
"Are you ready?" tanong ni Yanno ng magawa na nitong maitali ang kanilang mga paa at mailagaya ang kanilang mga harness. Magkaharap silang dalawa, or rather, magkayap.
"Yes!" malakas na tugon ni Angelika. She's not nervous. Kahit sino siguro ang nasa kalagayan niya na yakap ni Yanno ay magiging safe ang pakiramdam.
"At the count of three."
"Alright."
"But before that, I want to tell you.... Finally tell you that I love you. I love you, Angelika."
BINABASA MO ANG
Pagkakataon (Kanaway Book 5)
Romance"Kung nasaan ka man ay naroon din ako. And that won't be a sacrifice. That would be love." Years ago, Yanno de Gala met a beautiful stranger named Angie. Minahal niya nang totoo ang babae sa loob lamang ng ilang oras na kanilang pinagsamahan. Bu...