NAGHIHIKAB na si Yanno subalit hindi pa rin niya gustong itigil ang ginagawang plano. Nagsimula siya kagabi pa dahil hindi niya magawang makatulog. His night was productive. Halos nakatapos na siya ng isang plano.
At ngayong mataas na ang sikat ng araw sa awang ng kurtina sa kanyang study room ay tila saka naman siya hinihila ng antok.
But sleeping is not an option.
Ngayong araw kasi ang buwanang meeting ng lahat ng mga homeowners ng Kanaway. At siyempre pa, bilang isa siya sa mga nagmamay-ari sa Kanaway at bahagi rin ng HOA ay kailangan na present siya sa meeting lalo na kung wala rin lamang siyang ibang trabaho.
Noon na hindi pa naitatayo ang clubhouse ay sa field ginagawa ang meeting dahil iyon ang malawak na lugar roon. Open space at open air. Subalit mula ng mabuo ang Clubhouse ay hindi maitatanggi na marami ang natuwa. He took pride in it bilang siya ang nagdisenyo niyon.
Matapos magawa ang plano ay nagkape lamang siya bago nagbihis dahil huli na siya para sa meeting.
Pagdating niya sa clubhouse ay nagsisimula na ngang magsalita si Achaeus. Naroon ito sa unahan at nagsasalita hawak ang isang mikropono. Tahimik na pumasok si Yanno at naupo sa tabi ng pinsan na si Teyonna.
May bahagyang pagtataka sa mukha nito. "I thought you were sick?"
"I am perfectly alright. Whoever told you that must be sick in the head."
She smirked. "You're both sick in the head."
Sinubukan niyang itutok ang pansin kay Achaeus. Subalit bago pa man lamang siya mag-warm up sa speech ng kanyang pinsan ay naagaw na ang kanyang atensiyon ng babae na nakaupo limang silya ang pagitan mula sa kanya. It was Amelie.
Her eyes were focused on Achaeus. But Yanno was sensing that her thoughts were somewhere. Nakatiyak siya sa kanyang hinala ng pumalit si Dashiell sa unahan. Now that cousin of his loves to joke around. Kahit minsan ay hindi naman nakakatawa ang mga sinasabi nito–for him–ay tumatawa pa rin ang mga tao. It was the charm daw, ika nga nito.
But Amelie didn't laugh. Ni hindi ito ngumiti. Tila ba ni hindi nakikita si Dash sa unahan.
"You shouldn't be looking at her like that," komento ni Teyonna.
Nang tingnan ni Yanno ang pinsan ay nakahalukipkip ito at nakatingin sa unahan. But of course, nakita nito ang ginagawa niyang pagmamasid kay Amelie. He wish he could tell her what the heck was happening to him. But this is Tey. Hindi siya sigurado kung mauunwaan nito ang pinagdadaanan niya. She's a bit cynical about things. Too serious. Kahit na magkaedad lamang sila ay para bang nasa katanghaliang gulang na ito.
Napailing si Yanno sa mga naisip. "Why? Because she's getting married?"
"Oh." Tumingin sa kanya si Tey. May sorpresa sa mga mata nito. "Karagdagang rason kung bakit hindi ka dapat na tumitig sa kanya. Pero ang ibig ko talagang sabihin ay hindi ka na dapat tumingin sa ibang babae ng ganyan dahil ikakasal ka na."
Napabuntong-hininga si Yanno. Tama naman ito. Sa halip na binabagabag niya ang sarili sa mga ganitong bagay ay dapat na mas inaasikaso niya ang tungkol sa kasal nila ni Eloisa. Gusto niyang sabihin kay Tey ang lahat. Pero saan siya magsisimula?
Minabuti niyang itikom na lamang ang bibig.
Sa buong durasyon ng meeting ay pinatigas ni Yanno ang kanyang leeg upang manatili lamang ang kanyang paningin sa unahan.
Nakahinga lamang siya ng maluwag ng matapos na ng tuluyan ang meeting at isa-isa ng nag-alisan ang mga tao. Ang naiwan ay sila lamang magpipinsan. But Amelie was still there. And she was talking to CJ and Elia.
Bago pa mapagdesisyunan ni Yanno kung mananatili o lalapit ay nakita na sila ni CJ. Kumaway ito at humakbang patungo sa kanila ni Tey kasama sila Elia at Amelie.
"Hey," bati ni CJ kila Tey at Yanno. "I'd like you to meet Amelie," pakilala nito sa katabi.
"Teyonna here," at in-extend nito ang kamay sa dalaga na tinanggap naman iyon.
"A pleasure to meet you, Teyonna," may mabining ngiti sa labi ni Amelie which reminds Yanno of her twin sister. And he should stop here. He should stop thinking about Angie.
"And that is Yanno, one of our male cousins," pakilala sa kanya ni Elia.
"We've already met," salo ni Yanno. He was staring at her dark eyes. She was staring at him too kaya't hindi niya mailayo ang mga mata rito.
"Yeah," tugon ni Amelie.
"Very well," pinagdikit ni CJ ang mga palad sa matunog na paraan. "Kung ganoon ay magiging madali na ang lahat. In case you don't know, dalawang araw lamang ang pagitan ng inyong nalalapit na kasal. Yanno's wedding will be on the fifteenth of December while Amelie's will be on the eighteenth. Wala dito ang fiancé ni Amelie at wala rin ang fiancée ni Yanno so pwede na siguro nating pagsabayin ang discussion tungkol sa mga bulalak na gagamitin sa kasal n'yo."
Napalunok si Yanno. Hangga't maari ay ayaw niyang manatili sa isang lugar na naroon si Amelie. But his cousins looked at him with an expectant expression. Maliban lamang kay Tey.
"Shall we go to the flower farm?" tanong ni Elia.
"Sure," kusang nanulas sa mga labi ni Yanno.
"I think I'm gonna go with you guys," singit ni Tey. "I think I'm in the mood for some flower-scented environment." Pagkuwa'y tumingin si Tey kay Yanno sa makahulugan na paraan.
And for a moment there, Yanno wished he didn't agree into joining them.
BINABASA MO ANG
Pagkakataon (Kanaway Book 5)
Romance"Kung nasaan ka man ay naroon din ako. And that won't be a sacrifice. That would be love." Years ago, Yanno de Gala met a beautiful stranger named Angie. Minahal niya nang totoo ang babae sa loob lamang ng ilang oras na kanilang pinagsamahan. Bu...