IT WAS the wedding rehearsal. Tatlong araw na lamang ay ikakasal na si Yanno. But now he was sure he can't keep up with this anymore.
Hindi niya gusto na sa mismong araw pa siya ng kasal aalis at iiwan sa altar si Eloisa. She doesn't deserve that kind of treatment. At hindi rin siya karapat-dapat para dito. She needs someone who would give his whole heart to her. Iyong buo ang pagkatao na makakasama nito sa lahat ng pagkakataon.
Dahil siya'y nakatitiyak na sa sarili kung ano ang kanyang gusto. Or rather, kung sino ang gusto niyang makasama. And it was Angelika.
At kung hindi sila pareho ng nadarama? Ayos lang. But there is no way he would let the chance slip away. He found her a long time ago. But he lost her. Now that he found her again there's no freaking way he wouldn't fight his chance to be with her.
Pagpasok niya ng hall kung saan magaganap ang wedding rehearsal ang kaagad na hinanap ng kanyang paningin ang kinaroroonan ni Eloisa. Nang magtama ang kanilang mga paningin ay naglalakad na rin ito palapit sa kanya.
"Thank, God, you're already here," nakangiting wika ni Eloisa. "Makakapagsimula tayo ng maaga."
"Eloisa––"
"Pagkatapos ay diretso na tayo sa boutique para sa final fitting ng gown ko at––"
"Eloisa," hinawakan niya ito sa kamay at pinagtama ng mabuti ang kanilang mga mata. "We need to talk," he firmly said.
"Oh," tila noon lamang ni Eloisa napansin ang kaseryosohan sa ekspresyon ni Yanno. "Anong pag-uusapan natin? May detalye ba tayong nakalimutan. May naging problema ba sa venue?" sa bahaging iyon ay namilog ang mga mata nito.
"Let's go somewhere private," wika niya.
Lumabas sila ng hall. Sa labas niyon ay may pahabang upuan. He sat there.
"Is this about the wedding, sweetheart?"
Alam niya na magiging mahirap ito para sa kanya. But this is harder. Lalo na sa nakikita niya sa mukha ni Eloisa. She was full of glow and life. Full of love. Subalit hindi siya ang tamang tao para pagbuhusan nito ng ganoong pagmamahal.
"Hindi ako nakatulog kagabi," panimula niya. "I have think about this throughout the night. If I will act like a jerk. But then, I am really a jerk. But I will not start this with "it's not you it's me," statement."
Sa pagkakataong iyon ay napalitan ng kaseryosohan ang mukha ni Eloisa. May bahagyang kunot pa ang noo nito. "Hindi ko naiintidihan kung ano ang ibig mo'ng sabihin, Yanno. Para saan ba talaga ang pag-uusap na ito."
"I don't think I can do this," halos paanas lamang na wika niya.
Her lips began to quiver. "You don't want to have this rehearsal? F-fine. Huwag na nating ituloy."
Napapikit si Yanno. Ng dumilat siya'y puno ng pakiusap ang kanyang mga mata. "I can't marry you," his voice cracked. Then he knelt in front of her. "Alam ko na wala akong magagawa para bumuti ang pakiramdam mo at hindi rin ako karapat-dapat na patawarin. But I'll still say it. I'm sorry for causing you this trouble. I'm sorry for causing you pain."
Isang malakas na sampal ang pinadapo ni Eloisa sa kanyang pisngi. Bumiling ang kanyang mukha sa kabila. Subalit tila hindi niya nararamdaman ang sakit. Dahil alam niya na mas higit na sakit ang nadarama ni Eloisa.
Tumayo ito at itinulak ang magkabilang balikat ni Yanno.
"Gusto kitang sampalin ng sampung ulit hanggang sa matauhan ka," wika nito sa mariin subalit nangangatal na tinig. "Why are you doing this? May ginawa ba ako? May nasabi ba ako na hindi mo nagustuhan?"
He looked up to her. "Kung magpapakasal tayo, we will be both miserable. You will be miserable with me dahil hindi ako ang makakapagpasaya sa'yo."
Namuo ang luha sa mga mata ni Eloisa. "Why?"
He felt miserable than ever. May pinagsamahan sila ni Eloisa. He had loved her truly. But it wasn't enough. It wasn't the love he could go on forever. Dahil sa sandaling nasilayan niya muli si Angelika ay nakuha na nito ng tuluyan ang kanyang puso kung ito man ito nagtagumpay ng una silang magkasama.
"Is it because of another girl?"
Unti-unti siyang tumayo. "Hindi kita niloko. And God knows how much I wanted to be faithful to you. But then there's this girl who suddenly appeared in my life again. And since then everything had never been the same again."
Muli ay isang malakas na sampal ang pinadapo ni Eloisa sa kanyang pisngi. Sa pagkakataong ito ay nagsisigaw na si Eloisa. Nagsimula itong suntukin siya. Doon ay kumilos na si Yanno at niyakap ito habang pigil niya ang mga kamay nito. Mas ito ang masasaktan sa ginagawang pananakit sa kanya.
Makalipas ang ilang sandali ay tuluyan din itong kumalma hanggang sa pilit siya nitong itinulak. Her tear-stricken face was serious, angry even.
"Who is this girl?"
"Eloisa––"
"Sino ang babaeng iyon!"
He closed his eyes. Sa sandaling ipinikit niya ang mga mata ay ang magandang mukha ni Angelika ang sumalit sa kanyang isipan. "She was a girl I met before. Someone I thought I'd never seen again. I didn't cheat on you. It's just that she was there everywhere that I go."
Nanghihinang napaupo si Eloisa. Her eyes were red with tears. "I want to know who she is. Kilala ko ba siya?"
Nanatiling nakatayo si Yanno ngunit nakatitig sa mga mata nito.
BINABASA MO ANG
Pagkakataon (Kanaway Book 5)
Romance"Kung nasaan ka man ay naroon din ako. And that won't be a sacrifice. That would be love." Years ago, Yanno de Gala met a beautiful stranger named Angie. Minahal niya nang totoo ang babae sa loob lamang ng ilang oras na kanilang pinagsamahan. Bu...