Happy Tuesday! Sorry for being MIA for the last few days. I hope you enjoy this little update. And please don't forget to vote. 😘
"I REALLY hope my opinion of what you are thinking right now isn't real."
She looked at Yanno's face. He was looking at her, his expression was amused. Kagyat siyang nag-iwas ng paningin. "Let's hear your opinion," kunwa'y pagsakay niya sa lalaki.
Tumikhim muna si Yanno. "You were thinking of climbing down from here. Tumingin ka sa kurtina, at hinubad mo ang scarf mo kanina pa, and the look you've been giving to the ground? Para bang tinatantiya mo kung gaano kataas."
Nakagat niya ang ibabang labi to keep herself from laughing. Hindi siya dapat na maaliw dahil sa eksaktong pagsasabi nito ng kanyang iniisip. Dapat siyang kabahan. If he could read her thoughts like that.... that's... that's dangerous.
Ganoon ba siya kadaling basahin?
"Nice try, pero hindi iyon ang iniisip ko," firm na wika niya. Itinikom niya ang bibig to keep herself from speaking.
God, please. Please, I can't be with him anymore. Help me, God.
"Well?" usal ni Yanno maya-maya.
"Well?" balik rin niya rito habang inilalagay muli sa leeg ang scarf.
"Well, aren't you gonna tell me what you were thinking?"
No. Never. Subalit hindi iyon ang lumabas sa kanyang bibig. "Wala akong iniisip. At kung sakali man ay hindi ko rin gustong sabihin sa'yo kung ano ang iniisip ko. I don't know you. Pangalan mo lang ang alam ko."
Natahimik ng husto si Yanno. She didn't dare look at him. Nararamdaman niya na hindi niya magugustuhan kung anuman ang kanyang makikita sa mukha nito.
"That's okay. We could be friends from now on," he spoke gladly.
Umiling siya. "We couldn't be friends just like that."
"I puked in front of you. Isn't that enough to be friends?" he asked playfully.
She could feel his stare. At kahit anong pagkalma ang gawin niya'y talagang nag-iinit ang kanyang mukha. Umiling siya.
"Hindi dahil naging magkaibigan kayo ni Angelika ay dapat na maging magkaibigan na rin tayo."
"Angelika and I were never friends." He said sharply. Kusang bumaling ang kanyang mukha upang tumingin kay Yanno dahil sa talim at determinasyon na nasa tinig nito. Marahil ay nabasa nito ang pagtatanong sa kanyang mukha. "Ang namagitan sa'ming dalawa ay hindi pagkakaibigan."
Tama siya na hindi tingnan ang mukha ni Yanno mula pa kanina. He looks so intense and gorgeous. And his eyes seemed to captivate hers. Hindi niya magawang umiwas. Her hands begin to tremble.
God, please...
God has definitely heard her prayers. Marahas siyang nag-iwas ng paningin at habang desidido na siya na magbaras pababa ng clubhouse ay dumaan ang isang lalaki. The guy was riding a bike.
Nakita sila nito ni Yanno sa may bintana kaya naman kumaway ito. Kumaway rin pabalik si Yanno. "Hey, come up here and open the door!"
"What happened to your hands?" balik na sigaw ng lalaki.
She almost rolled her eyes kung hindi lamang sa pagkaaligagang nadarama niya.
"Just come up here you freak!" balik ni Yanno.
And so there they were, standing near the door, waiting for it to open once again.
And when it opened, a very cute young man appeared. Must three or four years younger than her. Almost arrestingly handsome if not for the boy next door dimpled smile he was sporting.
BINABASA MO ANG
Pagkakataon (Kanaway Book 5)
Romance"Kung nasaan ka man ay naroon din ako. And that won't be a sacrifice. That would be love." Years ago, Yanno de Gala met a beautiful stranger named Angie. Minahal niya nang totoo ang babae sa loob lamang ng ilang oras na kanilang pinagsamahan. Bu...