XXXIII

2.5K 64 4
                                    

NAGDIDIKTA si Danny sa sektretarya nito ng dumating si Angelika. Nakatalikod ito sa kanya kaya naman hindi nito napansin na naroon siya. Subalit ang sektretarya nito ay napansin siya kaya naman napalingon si Danny.

"Hey," bati nito. Lumapit naman siya rito. "You didn't call me."

Ngumiti lamang siya ng pino. "Do you have a few minutes?"

"For you? Always." Humawak si Danny sa siko ni Angelika upang siya'y gabayan sa may pinto ng opisina nito. "Mauna ka na sa loob. I'll be there in a moment."

Pagpasok sa loob ng opisina ni Danny ay gumala roon ang paningin ni Angelika. This might be the last time she'd be here. Beige at navy ang dominanteng kulay sa loob. Sa tingin niya'y salungat iyon sa klase ng personalidad ni Danny. He was warm and pleasant.

Makalipas ang ilang sandali ay pumasok na rin si Danny sa loob. She was sitting on the couch sa receiving area. Tumabi ito sa kanya.

"How are you, Angelika?" tanong ni Danny.

Tila siya ibon na nakalaya sa hawla sa pagbanggit nito sa kanyang pangalan. She smiled wholeheartedly. "I'm fine. I'm... thank you, Danny," she clutched his hand.

"I know. But I should thank you as well. Hindi mo siguro alam, pero sa nakalipas na mga taon ay ikaw ang nagsilbing inspirasyon ko para maging mas mabuti. No matter how crazy you are for what you did." He touched her cheek, more like pinching. "I will always adore you."

His hazel eyes were full of warmth and understanding. "Danny, how did you know that I wasn't my sister?" naisip niyang itanong rito. Sa abot ng kanyang makakaya ay pinilit niyang umakto na si Amelie. At parang nagtagumpay naman siya. Her parents didn't even notice. O hindi nga ba?

"At first I could really tell the difference. Pero minsan, may mga pagkakataon na parang hindi kita naiintindihan. Remember when I told you about the movie that we wached at our tenth date? It was not Ocean's Eleven. But you agreed. At may ilang pagkakataon na nakita ko na may sulat sa bintana ng apartment mo. You love to write on misty windows o kahit sa maalikabok na salamin. Naalala ko na nasabi iyon dati ni Amelie. At first I really think it was enough proof. Maaring naalala mo lang ang kakambal mo kaya mo ginagawa iyon. But when I saw the word ballet..."

Huminga ng malalim si Angelika. "No wonder."

"But that's not all you know," dagdag pa ni Danny. "You wouldn't sleep with me," sa pagkakataong iyon ay mayroong amusement sa mga mata nito. Nag-init naman ang buong mukha ni Angelika. "We kiss, we touch. Pero hindi mo hinahayaan na makalagpas pa r'on. Even when we were in Kanaway and living inside a roof, you don't let us sleep in the same bed. But Amelie and me... we already..." kusa nitong pinutol ang sasabihin.

Mas lalo lamang namula ang buong mukha ni Angelika. At kung hindi lamang sa munting tawa ni Danny ay hindi niya magagawang makatingin rito. "I don't know what to say," she mumbled.

"You don't have to say anything. Well, you can't tell me about your plans for the day."

Huminga siya ng malalim at pinlit na pinakomportable ang sarili sa pag-upo. "An hour from now ay darating na sila mommy at daddy at susunduin ko sila sa airport," paliwanag niya.

"Glad to hear that," tumatangong tugon ni Danny. Then his gaze shifted to her ring finger. "I see you have decided."

She stared into his kind eyes bago niya binuksan ang bag na kanyang dala. Mula roon ay inilabas niya ang engagement ring. The ring who was supposed to be Amelie's. Subalit sa nakalipas na mga taon ng kanyang buhay ay naging kanya.

"I am so grateful to have been with you and nothing could top that," panimula niya. Sinalubong niya ang paningin ni Danny. "I realized that... that I'm not the one who could make you happy." Hinawakan niya ang kamay nito at inilagay roon ang singsing. Ngunit hindi pa rin siya bumitaw sa kamay nito. Nanatili siyang nakahawak ng mahigpit roon.

"You deserve someone who could love you like Amelie did. And perhaps even greater. You deserve so much more, Danny." Her sight became bleary. Bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig ay nagmula sa kanyang puso. "And I believe with all my heart that you will find that one person."

Ngumiti lamang si Danny. But it was a sad smile.

"I wish you all the happiness in the world, Angelika," sa halip ay wika nito. "Be safe. Don't hesitate to call me kung kailangan mo ng tulong."

She nodded. "Thank you, Danny. At ikaw rin. Sigurado ako na darating ang taong iyon para sa'yo."

"Dumating na siya," mabilis na tugon nito.

"Oh, Danny..."

Nagkibit-balikat lamang ito. "Don't worry about the whole cancellation. Ako na ang bahala."

She shut her eyes tightly. Subalit ang pagpisil nito sa kanyang kamay ay sapat na assurance. "I will always love you, Danny."

Sa pagkakataong iyon ay tunay na ngiti ang sumilay sa mga labi nito. "I know. And please, you may go now. I'm fine. Huwag mo'ng paghintayin sila Tito at Tita sa airport."

She gave him a quick hug before finally leaving.

Pagkakataon (Kanaway Book 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon