XXX

2.5K 70 4
                                    


HINDI tiyak ni Angelika kung gaano siya katagal na naroon at nakaupo sa harap ng puntod ng kanyang kapatid. Napukaw lamang siya ng maramdaman na tila may tao na nagmamasid sa kanya. Tumayo siya ay lumingon.

Natigilan siya ng makita kung sino ang naroon ilang hakbang mula sa kanyang kinatatayuan.

Humakbang ito sa kanya. "I feel like going here," wika nito bago lumipat ang tingin sa puntod.

"Danny..." tanging nausal niya.

"This is the first time na nagpunta ako rito simula ng dumating tayo sa Pilipinas," wika nito. Then he sat on the grass. At mula sa bulsa ay naglabas ito ng isang short-stemmed pink rose na labis ikinagulat ni Angelika.

She can't speak or move. Nanatili lamang siyang nakatitig kay Danny. He was quiet and thoughtful. Siya naman ay hindi makontrol ang pagpitlag ng mga daliri. Parang may matigas na bagay na paulit-ulit bumubundol sa kanyang puso. Nais niyang magsalita subalit hindi naman niya alam kung ano ang sasabihin.

Makalipas ang mahabang sandali ng pananahimik ay nagsimulang magsalita si Danny. In a low, soft voice.

"Nang malaman ko na nasa ospital si Amelie ay makailang ulit akong humiling na sana ako na lang ang nasa kalagayan niya. I was sick worried. I feel like dying. I just asked her to marry me at pagkatapos ay ganoon ang nangyari. And when you survived, I was overjoyed. Not that I'm not sad that your sister had died. But I can't really live without, Amelie. She's the love of my life." His voice cracked.

Hindi makaya ni Angelika na tumingin sa mukha ni Danny. Nagbabara ang kanyang lalamunan. Tears were threatening to fall.

Ilang libong beses din ba niyang itinanong sa sarili sa mga nakalipas na taon kung bakit hindi na lamang siya ang napunta sa kalagayan ni Amelie?

"And then everything passed. Lumipas ang mga panahon. Then I suddenly realized that... that you weren't her. I want to die. God knows, I've tried to kill myself. I wasn't by her side at her dying moment," he choked on his words. "How cruel is that?"

Cruelest thing ever, she thought bitterly. Her tears were falling unabashedly.

"I went here and asked for forgiveness over and over. For not being by her side when she was dying. For not being able to tell her how much I feel. I was groveling and cursing myself. At gusto rin kitang saktan at komprontahin kung bakit mo ginawa iyon. Kung bakit hindi mo sinabi kung sino ka ba talaga. But then, I realized that it wasn't your fault. It was mine," his voice was full of agony. "Ako ang nag-assume na ikaw nga si Amelie. Just because you're wearing her ring."

Hindi na naawat ni Angelika ang pagtakas ng mga hikbi. Parang pinupunit ang kanyang puso.

"And I forced myself to hate you. But then I realized... na siguro ay iyon talaga ang nakatakdang mangyari. That I can't blame you or anyone. So I decided to be like you. To act as if nothing had really changed. Ikinondisyon ko ang sarili ko na magsimula ulit kasama ka." Sa pagkakataong iyon ay hinuli ni Danny ang mga mata ni Angelika. His tear-stricken face was tearing her apart. "You look like her. Kaya itinanim ko sa isip ko ikaw si Amelie."

"But still... hindi pa rin ganoon ang pakiramdam ko. No matter how much I call you Amelie." His face softened. "But I've learned to love you, Angelika. There's a part of my heart that is... and will forever be Amelie's. But there's also a part that had been yours. I love you. And if we were to continue this, gusto ko na simulan natin ng tama. You as Angelika."

Pinahid ni Angelika ang mga luha sa kanyang pisngi sa kabila ng paghikbi.

"That is... if you really love me."

Sunod-sunod siyang tumango at sa prantikong tinig ay nagwika. "I do. I love you, Danny."

Sumeryoso ng husto ang mukha nito. "How about, Yanno?"

Her heart thumped at the mention of his name. Isipin pa lamang niya ito ay may kung ano ng nabubuo sa loob ng kanyang puso at tila unti-unting pumupuno sa kabuuan niya.

Kinailangan pa niyang kumurap upang luminaw muli si Danny sa kanyang harapan. It is true that she loves Danny. He was there for her throughout the years. Sa bawat pagkabigo at kasiyahan ay ito ang kanyang kasama. At nagawa niyang makita kung ano ang nagustuhan rito ng kanyang kapatid. And she learned to care and love him.

Ito ang dapat niyang makasama. For her sister's sake. At alam niyang liligaya rin siya kay Danny. Lalo pa ngayon na magsisimula sila ng tama.

"I'm marrying you," pilit niyang hinaluan ng determinasyon ang tinig.

His face softened even more. "I wish I could believe that. But I see the way you look at him. The way your expression changes when he's around." He sighed. "Hindi ko alam kung ano ang nakaraan niyong dalawa. Pero ng makita mo siya... at makita ko kayong dalawa ay na-realize ko kung bakit may pagkakataon na para bang... you seem distant. As if there's a part of you na hindi ko naabot at mananatiling hindi ko maaabot."

Hindi niya nakaimik. Dahil kahit ayaw man niyang aminin ay tama ang mga sinabi ni Danny. Yanno was a beautiful part of her life as Angelika. And when she became Amelie, she had manage to keep him that way. Until they meet again. Hindi naulit ang mga damdamin na kanyang nadama noon. Bagkus ay tila nagpatuloy lamang.

And in her hearts of heart, she still wanted to be his Angie.

"I care for you," wika ni Danny. "And I want you to be happy. At alam ko na iyon din ang gustong mangyari ni Amelie."

Napayuko si Angelika. Naghahalo-halo ang mga damdamin sa kanyang dibdib. Hindi niya malaman kung alin ang uunahing unawain.

"Listen," hinawakan ni Danny ang baba ni Angelika at pinagtama ang kanilang mga mata. "If you really love me at ako talaga ang gusto mo'ng makasama, I'll be there for you. But if not, I will understand. I've been selfish for a long time pero gusto ko'ng makabawi. I want to be the man your sister loved once again." Pagkuwa'y ginagap ni Danny ang magkabilang kamay ni Angelika at hinagkan ang mga iyon.

Mula sa pagkakatitig sa mukha ni Danny ay lumipat ang paningin ni Angelika sa puntod ng kanyang kapatid.

She knows with all her heart that he is and will always be the only man her sister had loved kahit ano o sino pa man ito. At ng ibalik niya ang mga mata kay Danny ay hindi nakaligtas sa kanyang paningin ay butil ng luha na naglandas sa pisngi nito kahit pa mabilis iyong napahid ng binata. Nakatitig rin ito sa puntod ng kanyang kapatid.

"If you don't mind, I want to stay here for a while with just myself."

Naunawaan ni Angelika ang nais mangyari ni Danny kaya naman mabilis siyang tumayo at nagsimulang humakbang palayo.

Pagkakataon (Kanaway Book 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon