ISA sa mga tulay sa bayan ng Benguet at matagal ng hindi ginagamit ang kanilang patutunguhan. Subalit matibay pa rin ay maraming gamit. Partikular na sa kanilang magpipinsan.
One drunken night some years ago ay hinamon ni Yanno ang mga pinsan na tumalon sa tulay. Not to suicide but to bungee jumping. There's money at stake. At siyempre pa, hindi papayag ang mga pinsan niya na matapakan ang pagkalalaki ng mga ito. Kaya sa pangunguna ni Achaeus ay nag-bet silang lahat.
But that's not the twist.
CJ, one of his female cousins was never to back down on a challenge. So ano ang nangyari? Male versus female.
Meaning to say, siya, si Achaeus, Dash, Lucas at Claude laban kila CJ, Tey, Jules, Ching at Elia. Sila Migo at Brien ay kapwa nasa ibang bansa ng mga panahong iyon. And the rest of the gang? All underage for that matter.
So ano ang nangyari?
Unang tumalon si Yanno bilang siya ang pinaka-extreme sa kanilang lahat. Ang usapan nila ay magiging alternate ang pagtalon. So he was followed by CJ. And then Achaeus. Next was Tey and so on. It was really fun. Para silang mga baliw na nagsisigawan at nananalangin ng malakas. But everything went well. Sa ibaba ay naghihintay na kung sinuman ang mga nakatalon na for safety measures.
May experience na si Yanno sa mga ganoong bagay. At hindi naman sila ganoon kalasing. They just had a nice few shots of wine. Some sort of a celebration dahil sa pagbubukas ng negosyo ni Lucas.
But nope. Everything didn't go very well. At least for the guys. Dahil natalo sila. All because of the last jumper. Fucking Claude.
Nang turn na nito para tumalon ay bigla na lamang itong hinimatay. Yep. He fucking fainted. Kung dahil sa dami ng nainom siguro nito ay hindi niya alam. Up to this day ay ayaw ni Claude na pinag-uusapan iyon. At hindi na rin ito bumalik pa sa tulay na iyon kahit anong pagyaya ang gawin nilang magpipinsan.
The weather was nice. Tila nakikisama sa gagawin nila. Sakay sila ng pick-up truck ni Jules. And guess who's on the open back of it? Yes. Si Yanno at si Amelie. Dahil sa loob ay nakasakay si Ching at si Jules. Ching offered to be in the back at si Amelie na lamang ang sa loob. But Yanno was too overjoyed ng tumanggi ito.
Good for all of them. Jules is not a very good driver. May pagka-reckless ito. Kaya naman mabuti na naroon si Ching sa loob. Para kung sakali man na may baka o baboy na iiwasan si Jules ay to the rescue si Ching para pakialam ang manibela.
Siguradong magagalit ang mga miyembro ng PETA sa kanya. Pero kung sakali man na manganganib ang kanilang buhay at may dadaang tropa ng mga baka o baboy? Hindi siya iiwas at magpapaka-noble. He'll just pray for the poor animals.
Don't get him wrong. He loves animals. Lalo na iyong leon na nakakulong sa likod ng bahay ni Achaeus. But really, mahalaga rin sa kanya ang buhay niya.
The weather was particularly cloudy.
Kaya nga nakasuot siya ng makapal na jacket. But Amelie on his side was just wearing a plain green shirt and jeans and sneakers. Hindi naman ito mukhang giniginaw subalit ng umihip ang malakas na hangin ay hinubad niya ang suot na jacket. He'll probably regret this later dahil tiyak na babalik ang sipon niya pero saka na lang niya pagsisisihan kapag nangyari na.
"Here, take this," offer niya kay Amelie.
Pero sa halip na tanggapin ang jacket ay umiling lamang si Amelie. "I'm fine, but thank you."
"I insist," giit pa rin niya Yanno.
That's where she smiles. Her crooked smile that he missed so damn much. Kung may hawak lamang siyang camera ay kukunan niya iyon.
"Hindi ako giniginaw sa maniwala ka man o sa hindi. Wala pa ito sa kalahati ng klima na nararanasan ko sa ibang bansa."
Tumango siya. Bahagya lamang nag-register sa kanyang isip ang mga sinabi ni Amelie. Oh... Amelie. Napakurap siya. He can't miss her smile dahil hindi pa naman niya nakikita ang ngiti nito dati. But damn, even the crooked smile was the same as Angie.
Ibinalik na lamang niya sa pagkakasuot sa sarili ang jacket.
"So you, uh. You're a ballet dancer, too?" tanong niya sa conversational na tono.
"No, I'm not," simpleng tugon ni Amelie.
Sensing that she doesn't want a conversation with him, he planned to just shut his mouth. Subalit bumaling sa kanya si Amelie. "Saan tayo pupunta? Saang tulay iyon at ano ang mer'on?" there's interest in her eyes. "Sa totoo lang, ngayon lang talaga ako nakarating sa bahaging ito ng bansa. Call me a loser or whatever but it's the truth."
He smiled at that. "I won't call you a loser. Not yet," he added playfully.
"What was that suppose to mean?"
Mas lalong lumawak ang ngiti ni Yanno at lumago naman ang interes sa mga mata ni Amelie. "You'll find out."
BINABASA MO ANG
Pagkakataon (Kanaway Book 5)
Romance"Kung nasaan ka man ay naroon din ako. And that won't be a sacrifice. That would be love." Years ago, Yanno de Gala met a beautiful stranger named Angie. Minahal niya nang totoo ang babae sa loob lamang ng ilang oras na kanilang pinagsamahan. Bu...