XIV

2.7K 59 2
                                    


MAINIT ang pakiramdam ni Yanno ng magising siya. Nakatulog na siya sa couch dahil sa panonood ng tv upang magpaantok. Hindi naman ganito ang kanyang pakiramdam ng matulog siya kanina.

Ang gumising sa kanyang kamalayan ay ang tunog ng buzzer. Ibinalabal niya sa kahubdan ang comforter bago tumungo sa may pinto. Must be one of his cousins. Tamang-tama. Magpapaluto siya ng soup.

But what he saw outside his house literally took his breath away. Hindi isa sa mga pinsan niya ang kanyang bisita. It was An––Amelie. Kumurap siya. Ito talaga ang nasa labas.

"Hi," tila alanganing bati nito.

"Hi," balik na pagbati niya rito. "I mean... why are you here?" napahinga siya.

She smiled. It reminds him of her sister. Again. He should stop it. Really stop it. This is not healthy. Not good for his emotions or for his brain.

"Can I come in?" curt na tanong ni Amelie.

"Sure," niluwagan niya ang bukas ng pinto at tumabi siya upang makaraan ang dalaga.

Nang makapasok na sila ng tuluyan sa sala ay pinaupo niya ito. She chose the single couch. Hindi mahirap hulaan kung bakit. His living room was a mess. There are pillows everywhere.

His clothes are scattered on the floor! Dali-dali niyang sinamsam ang mga iyon at ipinasok sa ilalim ng unan na nasa couch.

"Sorry, I wasn't feeling well last night kaya medyo magulo," hinging paumanhin ni Yanno.

"It's okay. Ako nga ang dapat na humingi ng pasensiya dahil obvious naman na naistorbo ko ang pagpapahinga mo."

"No, not at all," mabilis na tugon ni Yanno.

She didn't respond. Sa halip ay sa ibang direksiyon naroon ang mga mata nito. She looked bothered. Nang tingnan ni Yanno ang sarili ay naalala niya na boxer's nga lamang pala ang kanyang suot at lumaglag na sa kanyang balikat ang comforter. He was pretty much showing everything. Ibinalabal niya ng husto ang comforter sa kanyang sarili.

"I'm sorry. Can you give me a moment?" bagaman hindi na niya hinintay ang tugon mula rito.

Dala ang mga unan at damit ay pumasok siya sa kanyang silid. Nagpalit siya ng damit. He chose a plain blue shirt and black jeans. Hinagod lamang niya ang lagpas batok na buhok bago muling nagbalik sa sala.

"Can I offer you anything? Coffee?"

"No," sinamahan pa ni Amelie ng pag-iling. "I don't drink coffee."

"Tea?"

"No."

"Juice?" hindi pa rin niya gustong sumuko.

"No, but thank you," nakangiting tanggi ni Amelie.

Oh, God. "How about water?" he must've looked pathetic because Amelie's face softened.

"Okay."

Sukat sa narinig ay napatayo si Yanno. "Really?"

"Yeah, water is fine."

Pagbalik niyang muli sa sala ay may dala na siyang isang baso ng tubig at tasa ng tea. Tila ba siya siyang estudyante na nautusan ng teacher na magdala ng bag nito. And most of all he was nervous. Really nervous. Hindi niya alam kung bakit.

"I'm sorry about last time. Ng bigla na lang akong umalis habang pinag-uusapan natin si Angie," puno ng sinseridad na wika niya.

"It's okay. I understand. At ang totoo kaya ako nagsadya rito ay dahil din kay... Angelika." Napalunok si Yanno. Si Amelie naman ay humugot mula sa bulsa at mula roon ay inilabas nito ang isang bagay na nagpatigil ng husto kay Yanno.

"I believe this is yours..."

Mula sa nakabukas na palad ni Amelie ay unti-unting kinuha ni Yanno ang isang bagay na matagal na panahon niyang inakala na naiwala niya kasama ng taong pinagbiyan niyon.

It was the necklace he had given to Angie.

They couldn't forbid the touching of their skin. He felt a tingling sensation. He wondered if she felt it too. But her expression was too skeptical to give away anything.

Sa oras na naikulong ni Yanno ang kwintas sa kanyang kamao ay napuno siya ng kakaibang damdamin. An aching feeling inside of him. He can hardly speak because of the beating of his heart.

Nag-angat siya ng paningin at tumitig ng husto kay Amelie.

"How did you know this is mine? Sinabi ba ni Angie sa'yo na ibinigay ko ito? May nasabi ba siya sa'yo tungkol sa'kin?"

Umiling si Amelie. There was a flicker in her eyes. "I just figured that maybe... maybe that was yours? Hindi sa kanya iyan at suot niya 'yan ng maaksidente kami. I haven't seen it before so I figured that it was yours. Glad that I was right."

Tumango na lamang si Yanno bago ibinalik ang atensiyon sa kwintas.

"I hope you wouldn't mind if I ask about your age," wika niya ng mag-angat ng paningin.

"Twenty-six," kagyat na tugon ni Amelie.

Ibig sabihin ay twenty-two si Angie ng magkakilala sila. Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi.

"Did she... did she ever mention about me?" hindi kaagad tumugon si Amelie. He shouldn't really be asking so much from her. Umiling siya. "Forget I even asked about it."

Tumango si Amelie. "I have to go," anito.

Inihatid ni Yanno ang dalaga hanggang sa may pinto. "Thank you for giving me back my necklace," he whispered. He wanted to look at her eyes as much as he can. Dahil baka iyon na ang huling pagkakataon.

"Tiyak ako na ito ang gustong mangyari ni Angelika."

Pumihit na si Amelie upang umalis. Ngunit dahil doon ay muntik na itong mabangga sa tao na nasa likuran nito. It was Jules. Hindi rin napansin ni Yanno na naroon na pala ang pinsan. He was too absorbed in looking at Amelie.

"Hi!" bati ni Jules kay Amelie. "I'm Jules, pinsan ako ni Yanno."

"Hi," tila alanganing tugon ni Amelie. "I'm Amelie."

Pinaglipat ni Jules ang tingin kay Yanno at Amelie. He wish she wouldn't ask anything, tulad ng kung ano ang ginagawa roon ni Amelie at kung sino ito. Though she must've had an idea since bagong mukha si Amelie.

"So I... will leave you two. It's nice to see you again," wika ni Amelie.

"Bakit naman?" biglang tanong ni Jules. "May gagawin ka ba? You know what? You should come with us," turo nito kay Yanno.

Nangunot ang kanyang noo. Inilapit niya ang sarili kay Jules. "Where are we going?"

Napailing si Jules. At sa harap na sagutin siya ay kay Amelie ito bumaling. "We're doing something. Pupunta kami sa tulay. You want to come with us?"

Oh, shit. Yes. Ang tulay. Bungee jumping. It is one of the things na parati nilang ginagawa ng mga pinsan. Almost every two months. O kung minsan ay buwan-buwan. It has almost a tradition to them. Silang lahat maliban lamang kay Claude ay ginagawa iyon. Hindi niya naalala na ito na pala ulit ang panahong iyon.

"Ha?" mula sa pagkakatingin kay Jules ay panandaliang lumipat ang mga mata ni Amelie kay Yanno. "I really shouldn't."

"C'mon, it will be fun," pagpupursige pa rin ni Jules.

"Kung wala ka namang gagawin, you can come with us," sabat ni Yanno sa neutral na tinig. "It will be fun. You will love the scenery."

Baka pa rin ang pag-aalangan sa mukha ni Amelie. Subalit makalipas ang ilang sandali ay tumango rin ito. "Sure."

Pagkakataon (Kanaway Book 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon